Isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa labi nito bago magsalita. “Hiwalay na sila, langit. Actually, no'ng isang araw pa...” sagot nito sa kanya.

Hindi agad nakapagsalita si Sky. Wala siyang alam na hiwalay na pala ang mga magulang nito. Ayaw naman kasi niyang panghimasukan ang buhay ng kaibigan. She knows how to wait until ito na mismo ang mag-open up ng mga pinagdadaanan nito sa kanya.

Now, she already knows kung bakit hindi nito nagawang tapusin ang mga plates nila sa AVT. Hindi talaga siya naniniwala na dahil naubusan ito ng alcohol markers kaya hindi nito nagawang tapusin ang take home plates nila.

What's the use of her other rendering materials kung hindi nito gagamitin di ba? Alam niya na may malalim itong dahilan.

“I'm sorry, Rui... H-Hindi ko alam”

Napayuko naman ito at tipid siyang nginitian. “N-No, it's okay. Actually, hindi ko na nasabi sayo kasi alam kong may pinagdadaanan ka din eh. 'Yong tungkol naman kay mama at kay papa, ayon na nga hiwalay na sila...”

Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang sakit sa boses nito. Kahit sino naman yata, masasaktan din once na naghiwalay ang mga parents nila. Problema ng magulang, pero mas malaki ang impact sa mga anak na nadadamay sa problema nila.

“Where's your parents right now? Si Rocky? Si Raia? Nasaan sila?” sunod-sunod niyang tanong dito.

Kawawa naman ang dalawang kapatid nito. Masyado pang mga bata para lumaki na hiwalay ang mga magulang.

Humugot muna ito ng isang malalim na buntong-hininga bago sagutin ang mga tanong niya.

“Umalis si papa at iniwan kaming tatlo na magkakapatid kay mama. Dati palang ay madalas na talaga silang mag-away na dalawa pero at the end of the day, nagkakabati din. Itong away lang nila ang masasabi kong sobra na yata...”

Nanatili namang nakikinig si Sky.

“So, napagpasiyahan nilang dalawa na maghiwalay nalang. Papa chose to leave us. Kung sa akin lang, kaya ko naman eh. At kahit hindi, pilit kong kakayanin. Pero langit, paano naman ang mga kapatid ko? Rocky was only 10 years old, while Raia just turned 4 years old last two months...” she added. Ramdam niya ang sakit sa bawat salitang binibitawan nito.

Nilapitan niya ulit ito at niyakap ng mahigpit. It's a good thing dahil nasa hulihan sila banda nakaupo. Hindi sila masyadong pansin ng mga classmates nila dahil mahina lamang ang boses nila habang nag-uusap.

Walang alam si Sky kung paano pagagaanin ang loob ng kaibigan niya kaya niyakap niya nalang ito. Hinaplos niya pa ang likod na Ruin lalo na nang maramdaman niya ang pagyugyog ng mga balikat nito at pagkabasa ng damit niya.

Ruin cried. Ibang-iba ito ngayon sa Ruincell Claveria na nakilala niya. Kahit talaga pilit na ipakita ng isang tao na masaya siya, minsan hindi talaga maiwasang umagos ang mga luha sa mata.

It's normal to cry. Hindi porket umiyak ang tao, mahina na. Hindi porket pinanghinaan ng loob, sumusuko na. Sometimes, kailangan din masaktan ng isang tao para maging balance ang sarili niya. Walang patutunguhan kung puro saya lang at walang lungkot na mararamdaman.

“Sshh... It's okay, Rui. You can count on me. I'm just here,  always willing to listen...” she comforted her.

“BAKIT ba ako nalang palagi ang napapansin mo, kuya Skyde? Everytime na late akong umuuwi, palagi mo akong sini-sermunan. Pero kapag si Sky ang late umuwi, okay lang sayo!”

Iyon ang kaganapang naabutan ni Sky pag-uwi niya pa lamang sa bahay nila. As always, wala na naman ang parents nila dahil may trabaho ang mga ito.

Tahimik siyang pumasok sa main door. Nakauwi na pala ang dalawang kapatid niya, at ito ngayon mukhang nag-aaway pa yata.

“Alam mo namang may schedule sila from 6:30pm to 8:00pm di ba? At isa pa, hindi kita sini-sermunan, Skylla Denice. I'm just not tolerating that act of yours! Same room and same sched lang tayo, if ever you forgot...” seryosong saad naman ng kuya Skyde nila.

Nagtago naman si Sky sa likod ng pinto habang nakikinig sa usapan ng dalawang kapatid. Alam niyang mali ang ginagawa niyang pakikinig sa usapan ng mga ito pero curious talaga siya. She also wants to know her ate Skylla's side for being mean towards her. Wala naman siyang masamang ginagawa dito pero lagi nalang itong galit sa kanya.

“Then what? Isusumbong mo ako kay mom and dad? Sige! Isumbong mo ako. As if naman natatakot akong pagalitan nila. And you know what, kuya Skyde? Bakit hindi si Sky ang pagsabihan mo? Akala mo ba hindi ko siya nakita kanina doon sa likod ng cafeteria?” her ate Skylla said.

Napakunot-noo naman si Sky sa narinig. Ano bang pinagsasabi ng ate niya? Likod ng cafeteria? As far as she remembered, sa labas ng cafeteria sila nagkita kanina sa school.

Gusto pa nga niya itong tulungan dahil mukhang kagagaling lang nito sa pag-iyak, pero nagalit na naman ito.

Ano bang kasalanan ko sa iyo, ate? Bakit bigla ka nalang nagbago sa akin?

Napahawak siya sa may bandang dibdib niya ng sumakit iyon. Parang paulit-ulit na tinusok iyon dahil sa narinig mula sa ate Skylla niya. Wala talaga siyang kaalam-alam sa mga nangyayari.

Nang hindi sumagot ang kuya Skyde nila ay do'n lamang lumabas mula sa pagkakatago sa likod ng pinto si Sky. Walang imik niyang hinubad ang sapatos niya at nagpanggap na para bang wala siyang narinig at kadarating pa lamang niya.

Tiningnan niya naman ang ate at kuya niya na nakatingin din pala sa kanya. Isang matamis na ngiti lamang ang ibinigay niya sa dalawa.

Smile, Sky. Kalimutan mo nalang ang mga narinig mo kani-kanina lang...

At iyon nga ang ginawa niya. She smiled sweetly at her kuya Skyde and ate Skylla, pero nag-iwas agad siya ng tingin sa dalawa at muling nagpatuloy sa pagtanggal ng suot niyang sapatos.

“Kadarating mo lang?” tanong ng kuya Skyde niya sa kanya. Agad niya naman itong tiningala.

Actually hindi, kanina pa ako at narinig ko ang usapan niyo... “Opo, kuya... Kadarating ko lang po.”

And for the nth times, nagsinungaling na naman siya.




A/N: I'm really sorry for slow update, Arkiess. Medyo busy na kasi ^^ Anyway, enjoy reading po!

Gazing The Stars (VAS #1) | Ongoing Where stories live. Discover now