"Masaya at masagan ang mga namumuhay noon sa kaharian ng Queinsville. Isang paraiso kung maituturing dahil sa mga magagandang bagay at nilalang na bumubuo dito. Nasasakupan nito ang pitong lugar dito sa kabilang mundo.

Geffen, dito nagmula ang mga mahuhusay at kilalang magagaling na alchemists. Sila ang gumagawa ng iba't-ibang uri ng potions. Bihasa sila sa paggawa ng kahit anong uri ng mga gamot o kahit pa anong uri ng lason.

Treusdale, dito nakatira ang isang tribo ng mga kababaihan na hindi nakikipag-isang dibdib at ginugugol ang mga oras nila sa paglilinang ng kaalaman nila sa salamangka, sila ang mga Treushan.

Thyme, dito naninirahan ang mga elves, at ibang nilalang na hindi mo makikita sa Atwood

Rivrantine, ito ang lugar kung saan nagsasanay ang lahat bawat nilalang ng salamangka. Kahalintulad ito ng isang paaralan sa mundo ng mga tao. Ang pinagkaiba nga lang. Isang libong beses na mas malaki ang Rivrantine sa isang Unibersidad sa mundo ng mga tao.

Avengarth, ang lugar na tinitirahan ng mga nananaliksik at pinag-aaralan ang paggawa ng mga spells, rituals, dito rin ginagawa ang mga amulets at iba pang armas o kagamitan na maaaring gamitin ng isang wizard.

Limehild, ang lugar kung saan pinangangalagaan ang mga tagabantay. Bawat wizard sa Queinsville ay may isang tagabantay. Ikaw ang rin ang pipili kung nais mong kumuha ng fairy, diwata o kahit na anong uri ng nilalang na maaari mong maging bantay.

At ang panghuli ay itong Kriemhild, ito ang nagsisilbing merkado ng Queinsville, tago ang lugar na ito at hindi natutunton ng ibang nilalang. Ngunit ngayon, ito na lang ang natitirang lugar na sakop ng Queinsville. Dahil ang iba ay nasa kamay nan g mga Arentsvelt"

Tumigil saglit sa pagke-kwento si Eureka. Sunod namang nag-kwento ay si Samara.

"Ang kahiraan ng Queinsville ay pinamunuan na ng iba't-ibang henerasyon ng hari at reyna. Ang unang henerasyon ay sumailalim sa pamumuno nila King Eldridge at Queen Maeve, tumagal ng isang libong taon ang pamumuno nila bago pumalit ang nag-iisang anak nila na si King Gamaliel at ang naging katuwang nito sa pamumuno na si Queen Tamara. Mabilis ang naging pamumuno ng ikalawang henerasyon na tumagal lamang ng tatlong daan taon."

"Kaya naman ang nag-iisang anak nilang lalaki an gang tumayong hari, si King Wenceslaus, ang hari ng ikatlong henerasyon. At ang iyong ama mahal na prinsesa"

I gulped habang dina-digest ng sistema ko ang mga sinasabi nila. "Okay, continue" Kunwari wala lang sa'kin ang pagke-kwento pero honestly speaking ay hanggang sa mga oras na 'to ay nagdadalawang isip pa rin ako kung totoo ba ang mga nangyayari sa'kin ngayon o panaginip lang.

"Naging katuwang ni King Wenceslaus si Queen Azaria, ang inyo pong ina" Tumigil si Samara at saka tumingin kay Eureka kaya kumunot ang noo ko. "Hindi po inaasahan ang mga sunod na kaganapan, dahil nagsilang ang reyna ng isang anak na babae, at ikaw po 'yun Lady Alexis" Tinignan ko silang dalawa kasi parang ayaw pa nilang ituloy-tuloy ang kwento kaya sumingin ako saglit. "Naikwento na sa'kin ni Lucian na naging complicated ang lahat nung pinanganak ako dahil hindi nila expected na magkakaroon ng babaeng tagapagmana, so okay lang sige. Ipagpatuloy nyo lang pagke-kwento" I uttered casually.

Writer's BlockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon