Prologue

15 6 0
                                    

PROLOGUE

Minsan ba nararanasan mo ring magising nalang sa isang umagang puno nang sakit at pangungulila ang puso mo? ‘Yung tipong litong lito ka na kung saan ka lulugar. ‘Yung tipong nahihirapan ka na, pero kailangan mong mag paka-tatag at itago ang sakit na nararamdaman mo.

Kahit na hirap ka na, kailangan mo paring itago at sarilihin ang lahat. Kahit tipong gustong gusto ko mo nang sumuko at bumitiw sa kaunting pag-asang kinakapitan mo. ‘Yung tipong ang munting sinulid nang pag-asa ay malapit nang maputol dahil sobrang pagod na ito at nagiging marupok. 

Pero magigising ka parin sa masakit mong panaginip na isang bangungot. Pag dating ni haring araw, pag sikat nito ay pinapaalala sa'yo na 'wag kang susuko.

Makikita mo sa mga taong mahal mo ang muling pag sibol nang pag-asa at iisipin mong muli na may oras pa para lumaban ka pa. Doon mo lang mauunawaan, na lahat nang sakit na nararanasan mo ay may kapalit ding kaligayahan at dadating ang umagang gigising ka ring masaya at sumisilay ang mgandang ngiti sa labi.

 
Sa una, hindi mo malalaman ang patutunguhan mo. Pero sa huli, malalaman at malalaman mo rin. Kailangan mo lang maghintay. Sa tamang panahon. Sa tamang landas. At higit sa lahat, Sa tamang oras.

Our Bitter & Sweet, Love StoryWhere stories live. Discover now