"S-Salamat miss." Sambit ni Lizel at kiming ngumiti.

Tipid din akong ngumiti. "Ako si Jolene, ang fiancee ni Atlas." Pagpapakilala ko.

Umawang naman ang labi nya at mukhang nabigla sa sinabi ko. Pero wala naman akong nababakasan ng pagprotesta sa kanyang mukha.

"I'm Lizel." Nilahad nya ang kamay. Tinanggap ko naman yun. Ang lamig ng kamay nya. Hindi ko alam kung dahil ba sa aircon ng mall iyon o dahil talagang may sakit sya.

Pumasok kami sa isang chinese restaurant at doon nag usap..

"I'm dying.. tinaningan na ako ng doctor na hindi na ako m-magtatagal. That's why.. gusto kong humingi ng tawad sa'yo, at sa mag ina mo. A-Ayokong mamatay na kinamumuhian ako ng mga taong nagawan ko ng k-kasalanan.."

Hindi ako nakaimik sa mga sinabi ni Lizel. Nabigla ako. Nanayo ang mga balahibo ko. Nahalata kong may sakit sya pero hindi ko naman inaaasahan na ganito pala kalubha. Nakaramdam ako ng lungkot at awa sa kanya. Ang bata pa nya para mamatay.

"Tss, baka nagiimbento ka na naman para kaawaan kita. Hindi na bebenta sa akin yan." Sarkastikong sabi ni Atlas na ikinasinghap ko.

Lumingon ako sa nobyo. Nakaismid sya kay Lizel. Hindi sya naniniwala dito. Hinawakan ko ang kamay nya at pinisil. Lumingon naman sya sa akin.

Malungkot na ngumiti si Lizel at salitan na tumingin sa aming dalawa.

"I-I know hindi ka maniniwala sa akin. Kasalanan ko naman dahil sa dami ng nagawa kong kasalanan sayo.. P-Pero paulit ulit akong hihingi ng tawad sayo.. I'm really really sorry Atlas.. n-nagawa ko lang ang lahat ng yun dahil sobra kitang mahal. N-Naging bulag ako at bingi. I'm so sorry.. I'm really sorry.. Tanggap ko kung hindi mo ko mapapatawad.." Sa akin naman sya bumaling at nahihiyang ngumiti. "I'm really sorry Jolene. Naging makasarili ako at madamot. I'm so sorry.. Sana mapatawad mo din ako.." Pinalis nya ng daliri ang luhang pumatak sa kanyang pisngi.

Lumunok ako. Tila may bikig na nakabara sa lalumunan ko at parang gusto na ring tumulo ng luha ko. Bilang babae ay dama ko ang paghihirap ng loob nya. Malaki ang kasalan nya sa amin ni Atlas, sa akin. Pero ngayong nakikita ko ang sitwasyon nya parang unti unting nalulusaw ang galit ko sa kanya. Kapatawaran lang ang hinihingi nya sa natitira nyang maiksing buhay. Sino ba naman ako para hindi magpatawad sa taong nasa dapit hapon na ang buhay.

Inabot ko ang kamay ni Lizel. Tumingin sya sa akin.

Nginitian ko sya.

"Pinapatawad na kita." Bukal sa kalooban na sambit ko.

Ngumiti naman sya hanggang sa unti unting naging sibi ang ngiti at sunod sunod ng pumatak ang kanyang luha. Mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko.

"Sugar." Tawag sa akin ni Atlas. May pagtutol sa boses nya.

Nilingon ko sya at matiim na tiningnan. Alam kong labis syang nasaktan sa ginawa ni Lizel. Hinawakan ko rin ang kamay nya at pinisil sabay ngiti.

Bumuntong hininga naman sya at tumingin kay Lizel. Lumalambot na ang kaninang matigas na ekspresyon ng kanyang mukha.

"I forgive you." Sambit nya.

Umawang ang labi ni Lizel at tuluyan ng umiyak. "T-Thank you Atlas. Thank you so much. Thank you sa inyong dalawa. Thank you. Thank you.." Paulit ulit nyang sambit.

Nagtinginan kami sa isa't isa ni Atlas at ngumiti. Pinisil nya ang kamay ko. Hindi man kami magsalita ay nagkakaintindihan naman ang mga puso naming dalawa.

"Sana ibaling mo sa makabuluhang bagay ang natitita mong maiksing panahon Lizel. Alisin mo na yang bigat sa dibdib mo at i-enjoy mo na lang natitirang buhay mo." Payo ni Atlas kay Lizel.

Suminghot singhot naman si Lizel habang pinupunasan ang luha sa pisngi. Umaliwalas bigla ang mukha nya.

Tumingin sya sa amin ni Atlas at ngumiti. "Maraming salamat talaga sa inyong dalawa.. Kapatawaran nyo lang talaga ang hinihintay ko. Makakatulog na ako ng maayos at wala ng iisipin.."

-

Nakaakbay sa akin si Atlas at ako naman ay nakahawak sa bewang nya habang papalabas kami ng mall. Matapos ang pakikipag usap namin kay Lizel ay parehas gumaan ang aming pakiramdam. Tila may nabunot na tinik na matagal ng nakabaon.

Kinabig nya ako at hinalikan ng mariin sa sentido.

"Bakit ba sobrang bait mo? Napakadali sayo ang patawarin si Lizel." Sambit nya. Papunta na kami ngayon sa parking area.

"Eh kasi naman nakakaawa sya. Hindi madali ang pinagdadaanan nya. At isa pa sinsero naman sya sa paghingi ng tawad. Ang importante bandang huli tayong dalawa pa rin. So bakit hindi pa natin sya patawarin."

"Hmp." Pinupog nya ako ng maririing halik sa sentido at pisngi. Natawa naman ako at the same time ay nahihiya din dahil pinagtitinginan kami ng mga taong nadadaanan namin.

Pinalo ko sya sa braso. "Tama na nga nakakahiya! Ang daming nakatingin." Saway ko sa kanya.

Ngumisi lang sya. "Hayaan mo silang mainggit."

"Sira." Kunwaring inirapan ko sya.

"But honestly sugar.. I'm so proud of you and I'm so lucky to have you. Hindi na ako makapaghintay na maikasal sayo. Sana nga bukas na."

Kinilig naman ako sa sinabi nya. Ang cheesy cheesy nya talaga kahit noon pa. Kaya nga ako nahulog sa kanya.

"Atat ka naman. Kakapropose mo pa nga lang kanina eh." Pero sa loob loob ko ay excited na rin akong maging asawa nya sa papel, sa mga mata ng tao at sa mata ng Diyos.

Ngumuso sya. "Eh sa excited na ako eh." Malambing na sabi nya.

Natawa ako sa pagnguso nguso nya. Parang syang ang anak namin kapag naglalambing.

"Sayo nga talaga nagmana ang anak natin. Tayo na nga ng makauwi na." Yaya ko sa kaya ng makalapit na sa kotse nya.

Pinagbuksan nya ako ng pinto at inalalayan pang sumakay. Umikot sya at sumakay na rin sa driver seat. Kinabit ko naman ang seatbelt.

"Saan tayo sugar?"

"Eh di sa bahay, gusto kong humilata muna at umidlip napagod ako ngayong araw."

Pilyo syang ngumiti. Kakaiba din ang kinang ng kanyang mga mata.

Tumaas ang kilay ko kasabay ng pagiinit ng aking pisngi. Alam kong may iba syang iniisip.

"Hoy Atlas, kung anuman yang iniisip mo magtigil tigil ka pagod ako." Nakangusong sabi ko at humalukipkip.

Tumawa naman sya habang kinakabit ang seatbelt. "Bakit? Ano bang iniisip ko?" Painosente pa nyang tanong.

Inirapan ko sya. Kunwari pa sya eh.

"B-Basta alam mo na yun."

"Huu, ikaw yata ang may iniisip eh." Nanunuksong sabi nya.

Pinalo ko naman sya sa braso na ikinatawa lang nya. Siguradong pulang pula na ang mukha ko.

"Umuwi na nga tayo."

"Uy excited na sya."

"Atlas!"

Malakas lang syang tumawa at binuhay na ang makina.

*****

Ito muna for tonight's update. Kailangan ko ng matulog dahil check ko bukas 😊

DG Series #3: Never Gonna Let You GoWhere stories live. Discover now