2

3.6K 108 3
                                    

suddenly, some strange memories flashed in my head. It doesn't belong to me. Memorya ito ng babaeng may ari ng katawan na kinalalagyan ko ngayon

Her name is Thyme Leigh Nightfall , 16 years old. A noble lady. Daughter of the duke Elias Nightfall and Duchess Amina Elise.

Hindi buo ang memorya. Sapat lang ito sakin para mapagtanto na nasa ibang katawan talaga ako. Katawan ng isang dalaga na nasa ibang mundo

Ang lalaking sumampal sakin kanina ay Ama ni Thyme, at ang sumunod na lalaki ay si Casper, ang crown prince. Habang ang binanggit nitong si Shane ay kakambal ni Thyme. Hindi ko alam kung bakit hindi maganda ang relasyon nila, dahil hindi nga buo ang nakalap kong memorya.

Pero halata namang may gusto pala itong si Thyme sa crown prince pero ang kakambal naman nya ang gusto ng lalaki.

(Sighed)

So...? Bakit ako napunta dito?

Isipin mo self, baka may paraan pa para makabalik ka sa tunay mong katawan. Ayaw ko dito! Ayaw ko ng maraming problema. Sa dami na ng nagawa ni Thyme imposible akong makakapagpahinga ng maayos

sino ba kasing mangkukulam ang nagdala sakin dito???? Patay naba ang katawan ko? Nilibing naba nila?

Sana naman may system ako katulad ng mga nababasa kong isekai.

Nakahiga na ako sa damo at nakapikit, nakaharang sa mata ko ang kaliwa kong kamay para hindi masinagan ng araw. Gusto ko talagang matulog pero kusang nag rere-play ang mga memorya ni Thyme sa ulo ko.

"MY LADY" sigaw ng kung sino

Tinatamad akong lumingon at bumungad sakin ang isang babaeng tumatakbo papunta sa gawi ko. Kaedad lang ng totoong may ari ng katawan. Agad ako nitong inalalayang makatayo at pinagpagan ang suot ko

Sya si Lecy ang personal maid ni Thyme

"Bakit ka humiga sa damo? Ayos ka lang ba? May masakit ba sa yo?"

Kung makapag-alala sya ay parang humiga ako sa putikan ahh. Against the law na ba ang paghiga sa damo?

"My lady bakit hindi po kayo nagsasalita?" She asked worriedly

Kailangan ko yatang dumaldal

"Wala lang" sagot ko

may kinuha syang bote sa suot suot nyang bag, binuksan nya saka ibinigay sakin. Nagtataka akong napatingin dito

"Inumin nyo na po, bago pa magka infect ang balat ninyo." Wika nya

I sipped

Ng maramdaman ko ang lasa nito ay agad ko itong naibula at hindi sinasadyang sa mukha nya tumama

Opps

"Nako, sorry deko sinasadya ang alat kasi eh."

"Ok lang po my lady." Kalmado nyang tugon. kumuha sya ng panyo sa bag nya at pinunasan ang mukha

"Ano ba kasi to? Bakit ang alat?"

Nagtataka nya kong tinignan

"Yan po yung ginawa nyo na pampaganda ng kutis" sagot nya

Pfft!

"Oo nga pala" sagot ko nalang.

sos! Ang sipag naman yata nitong si Thyme para isipin pa ang mga ganitong bagay. Sabagay nasa mundo pala ako ng mga maharlikang tao, kung saan mahalaga sa mga babae ang pagpapaganda

"Gusto nyo na po bang umuwi? O mananatili muna tayo dito?" She asked

"Uwi na tayo!"

"Okay."

Sumakay kami sa carriage. Sa aming pag-andar ay muntik ko ulit mabugahan si Lecy, pero sa pagkakataong ito ay mga kanin na ang tatama sa mukha nya.

Damn!!! Gusto kong sumuka ng isang balde.

pagkalipas ng mahigit isang oras, sawakas nakarating na kami. Sa malaking gate may nakasulat na Nightfall. Binuksan ng dalawang guwardya ang gate at pumasok kami. Sumalubong samin ang napakalawak na harden. Natanaw kona ang malaking mansyon

"Woah!" Ang yaman pala nitong si Thyme

Ancient-type sya pero masyadong elegante.

•••

Nasa bathtub ako at pinapaliguan ng tatlong maids. Pulang pula na ang mukha ko sa hiya pero kailangan kong tiisin kasi balang araw hindi kona kailangang pilitin ang sarili kong maligo, nandyan na sila.

"Lady Thyme, bakit po kayo namumula? May sakit po ba kayo?" Tanong ni Jessie, isa sa mga katulong

"Oo" pagsang-ayon ko

pero hindi ko inaasahan ang pagkataranta nila

"Tawagin nyo ang manggagamot"

"Ialis sa tubig si My lady"

"Buhatin natin sya"

"Bilisan nyo"

Mga sigawan nila. Literal na nalaglag ang panga ko. Sila yata ang may sakit hindi ako, kailangan na nilang magpatingin sa psychology

"Teka!"

hindi kona sila napigilan pa sa kanilang kapraningan, nagtulong tulong silang buhatin ako papunta sa kama. Saka nila ako binalutan ng makapal na kumot. Pagkatapos non agad na kumaripas ng takbo palabas ang dalawa para tumawag ng manggagamot kuno. Naiwan dito si Lecy na hindi na mapakali habang binibihisan ako

"My lady, saan masakit? May nararamdaman ka bang hilo? Gusto mo ba ng tubig? Ipapatawag kona ba ang duke at duchess? Kailangan....."

Mas nahihilo yata ako sa mga sinasabi nya

"Lecy, wala akong sakit!"

"Ngunit-"

I motioned her to stop talking

ilang sandali pa ay dumating na ang dalawang maid kanina kasama ang isang may edad na lalaki

"How do you feel my lady?" The physician

"Hmm....wala." sagot ko

His jaw dropped, same as the servants

"Hayaan mo akong tignan ang kalagayan mo para makasegurado tayo."

I just nodded

Nagsimula na syang tignan ang kalagayan ko.

maya maya lang sinabi na ng manggagamot na ok lang naman ako

"Eh bakit po sya namumula kanina" Lecy

"Marahil ay nakaramdam lang ng hiya si Mi'laddy" manggagamot

wow, galing manghula ah. Tamang tama

Bumukas ang pinto at pumasok ang may edad na lalaki, ang ama ni Thyme. Kasunod nya ay isang ginang at magandang dalaga, Ina ni Thyme at kakambal.

Ohh nice to meet you....Shane

Kambal sila pero hindi magkamukha.

"Thyme! Ayos kalang ba?" Nag-aalalang wika nya. She gently held my hand. Hindi ko alam kung guni² ko lang ba, pero napaplastikan ako sakanya.

"Anong nangyari sa kanya?" seryosong tanong ng Duke

"Ok lang po sya, maayos ang pakiramdam nya!"

Galit na bumaling sakin ang Duke. Mukhang iniisip nya na nagpapanggap lang ako

Hindi ako nagsalita. Sinusuri ko lamang sila isa-isa

"Huwag nyo syang palalabasin sa kwarto nya at wag bibigyan ng pagkain sa loob ng limang araw." Pagtatapos nya saka lumabas ng kwarto.

Nginisian ako ng dalawa bago sumunod sa Duke.

Hmmm....

I lowered my head in disbelief.

I think not all of the villainess in every novel is the real evil

Do i need to deal with them?

Kung aalis ako dito sayang naman ang mala-prinsesang buhay ni Thyme. Tinatamad ako magtrabaho

The Lazy Villainess (Ayle #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя