Chapter 2- Unexpected Encounter

3 0 0
                                    

4:00 pm yung uwian namin pero quarter to 6 nako nakarating sa bahay- blame it to Sam, uuwi na lang kami ang dami nya pang gustong daanan. Pagkapasok ko sa bahay si kuya kaagad ang bumungad sa akin.

"Kamusta ang school mo FJ?" tinatanong ako nito pero hindi naman sakin nakatingin. Patuloy pa rin ang pagbabasa nito sa newspaper na hawak nya. Geezz!! kelan pa nahilig ang isang to sa pagbabasa? As far as I know matalino sya pero hindi sya bookworm, what a rare sight.

Hindi ko ito pinansin at pinagpatuloy na lang ang paglalakad, magbibihis na muna ako bago bumaba para mag meryenda. Kuya will just annoy me, at tulad nga ng inaasahan ko pagkababa ko tinadtad na ako ng tanong. Gusto nitong mag excel ako sa school, he wants me to join sport. Alam nyang may laman naman ang utak ko pero when it comes to school activities eh hindi mo talaga ako maaasahan.

Pasuko akong tiningnan at nakapamewang pa habang sinesermonan ako "What? Wala kang balak? You know how to play badminton as well as archery, then bakit ayaw mo e try sumali sa isa sa mga yan?" This jerk! Namimilit pa talaga eh, pero hindi ko maipagkakailang pag napilitan ako at no choice na talaga baka una kong pipiliin eh archery.

"How was your training kuya?" pag iiba ko ng usapan. This kuya of mine is a swimming champion for executive years in his college life. Simula ng pinili nya ang swimming as his sport ay mas naging pursigido ito sa pag training kung kaya naman sunod-sunod na taon ay hawak nya ang korona as champion.

Pagod ako nitong tiningnan, alam nyang iniiba ko ang usapan at hindi nito nagustuhan ang ginagawa ko pero pinili nya pa ding sagutin yung tanong ko. "I'm fine, first year college pa lang ay puspusan na ang training ko, hindi ba kita sa ganda ng katawan ko ang resulta ng taon ko na training and expertise when it comes to swimming?" hambog ng kupal, hindi naman kasi talaga maipagkaka ila ang ganda ng katawan nya, batak sa gym kung tatawagin ng iba. No wonder why some girls love him.

Sabay kaming nagmeryenda, panay ito kwento about sa mga naging ganap sa classroom nila. Nagpaalam din itong sa bahay sila magpaparty ng mga kaibigan nya, which is pinayagan naman ni Mom and Dad. Nagsisidatingan na ang mga bisita nya, and as usual kulong na naman ako sa kwarto. Hindi sa ayaw ko sa mga kaibigan nya pero nag iingat lang ako at halos sa mga kaibigan ni kuya ay lalaki, kung may babae man e mga fling nila iyon.

Nakatulog ako sa sobrang pagka boring sa kwarto ko nagising ako ng 2:00 am. Sinilip ko yung sala if may mga bisita pa si kuya pero hindi ko na sila nakita doon. Naabutan ko si Ate Linda na nag lilinis ng kalat nila kuya. That shit! Si Manang pa ang pinaglinis ng kadugyutan nila.

"FJ ija bat nasa baba ka pa? nagugutom ka ba?" Nagulat pa ito ng makita ako na nandun. Umiling ako kay Manang para sabihing hindi ako gutom. Ngumiti naman ito sakin.

"Asan po si Kuya Markus manang Linda?" I politely ask her. Nakikita ko na antok na si Manang at parang gusto na lang tapusin yung ginagawa para makapagpahinga na.

Tumingin muna ito sa ikalawang palapag bago sinagot ang tanong ko. "Nasa kwarto nya, nandoon din ang ibang bisita. Yung iba naman ay nasa guest room."

Iniwan ko si manang sa sala at tinungo ang kitchen. Kinuha ko ung tumbler ko at ininom ang lamang tubig. Ganyan ako, nakasanayan ko na maglagay ng tumbler sa refrigerator, iwas hugasin na din. Nakarinig ako ng yapak papunta sa gawi ko.

"Kuya! Nagawa nyong magkalat sa bahay pero hindi nyo man lang nilinis? Kinawawa nyo na naman si Manang. Sa susunod nga na magpa party ka, ikaw maglinis ng lahat ng kalat ha. Maglalasing-lasing ka tapos iiwan mo kalat mo?" walang preno-preno ko pang pahayag sa kanya. Nakatalikod ako habang sinesermunan si kuya kasi nire refill ko yung tubig sa tumbler ko.

Antagal naman sumagot ng panget nato, lasing pa ata. Bago ko pa maharap si Kuya ay napasinghap ako ng sumagot ito. "You talk to Markus in that tone young Miss?" Oh shit! Hindi si kuya toh. I'm sure its one of his friends, Maybe the Josh guy? I decide na harapin sya para kumpirmahin kung sino ang nasa likuran ko.

Shit! Ba't ang gwapo naman ng kaharap ko ngayon? He has a messy hair na para bang kakagising lang nito kaya napadpad sa kitchen. Unlike Kuya Josh na panget, this other kuya looks so handsome sa paningin ko. Clean haircut, well built body, define jawline, makakapal na kilay and pointed nose, para akong nakaharap sa isang model.

"Who are you?" I shyly ask him. Nakakahiya naman, i think nakita ko na yung taong magugustuhan ko pero yung first encounter namin eh hindi maganda.

Ang cold nito tumingin, nakatutok pa rin ang mata sa akin na para bang pinag-aaralan ang mukha ko. "I'm Adourn." tipid na sagot nito sakin. Adourn? as in Adourn- the president? I never knew that the president is this handsome. He looks so serious, inaabangan nya ang reaction ko.

"Feline." Pagpapakilala ko naman sa kanya sabay lahad ng kamay. Masungit nitong inabot ang kamay ko at hinalikan ito.

"You're a Lim, you look exactly like Markus. I assume he's your brother." sabi nito habang nakatingin pa rin sa akin. Galing manghula ah! lodi ko na toh. "Markus keeps on telling me that he has a younger sister who oppose him and his good deeds." he said half hearted.

Ang gagong Markus sinisiraan pako, humanda talaga sakin yan bukas.

Kailangan ko magpa impress dito, minsan lang ako magka crush and he seem so good and too handsome. Pasok to sa standard ko, plus pa yung moreno sya and matangkad. "Stop looking at me like that, na para bang hinuhubaran mo ko. Kapatid ka ng matalik ko na kaibigan para na din kitang kapatid." Shit! Basag naman! Binasted agad ako hindi pa ako nakakapag confess ng feelings. Nanlumo ako sa sinabi nya at amuse ako nitong tiningnan na para bang natutuwa sya sa kabaliwan na nasa isip ko.

"But I think na love at first sight ata ako sayo." nahihiya kong pag amin dito. Fuck seryoso ka ba nyan FJ? love at first sight talaga? nahihiya ko itong sinulyapan.

"How can you say you love someone na kaka meet mo lang? Love doesn't go that way." pangaral nito sakin. He sounds like kuya Markus habang sinasabi nya yun, magkaibigan nga talaga sila. I didn't mean to say that love na to the higest level na kaagad yung feelings ko- apaka assumero ng isang to, maybe na misinterpret nya because of the way I look at him. Baka naman kasi puno ng pagnanasa yung tingin ko sa kanya HUHUHU bad ka FJ.

Naka busangot ko itong tiningnan. "I just admire your looks noh, tsaka para ka kasing anime." Pagdi depensa ko pa sa sarili. Para talaga itong anime character na moreno.

"Matulog kana little one, kung ano-ano nakikita mo, antok ka na ata." Pagtataboy nito sakin, feeling ko talaga ayaw lang ako nito kausap eh kaya pinapatulog ako. Umakyat nako papunta sa kwarto ko, hindi ako nagpaalam o tumingin man lang sa kanya.

Excited ako matulog kasi may iku-kwento ako kay Sam bukas sa school. Pumikit ako na nakangiti, yayks may crush nako. HAHAHA

Council's PresidentWhere stories live. Discover now