CHAPTER 36 : PUSSYCAT

Start from the beginning
                                    


"'Yang matatandang 'yan talaga." Usal ni Kuya Rex. "Pinilit ka ba nila? Baka gusto lang ulit kayo paglapitin ni. . ." Tumikhim si Kuya. "Nung ex mo?"


Ngumuso ako kasabay ng pagkunot ng aking noo. "Kuya, hindi naman siguro gano'n."


"Eh, paano kung gano'n? Palibhasa, magkumpare sila, matatanda na't walang magawa sa buhay kaya gustong-gusto kayong magkatuluyan ni Ren. Nakaisip siguro sila ng pakulo para magkabalikan kayo." Nabosesan ko ang pagkairita sa tinig ni Kuya Rex. Napairap naman ako.


"Hindi gagawin 'yan ni Papa sa akin. Alam niya lahat ng pinagdaanan ko." Sumandal ako sa headboard at pumikit. "And Tito Loren is a serious type. Tingin ko ay wala siyang intensyon na gano'n. Isa pa, may girlfriend na si Ren."


"May girlfriend na!" Bulalas ni Kuya Rex. "Aba't tarantado talaga-"


"Kuya!" Bigla akong napadilat dahil sa pagmumura ni Kuya Rex. "Kuya naman. . ."


"I'm sorry for the cuss." Huminga siya ng malalim. "Nagulat lang ako. Totoo ba 'yan?"


"Yes." Bulong. "I've seen him thrice. Sa tatlong pagkakataon na 'yon, lagi niyang kasama yung bago niya."


"Teka, nagkaharap kayo?"


"Oo."


"Nag-usap na ulit kayo?"


"Hindi ko siya nakausap." Sandali akong tumigil at napaisip. "Tingin ko rin naman ay wala na kaming dapat na pag-usapan ni Ren."


"Ang bilis niyang makahanap ng ipapalit sayo, ah?" Nahimigan ko ang galit sa boser ni Kuya. Nagsisi akong sinabi ko pa sa kanya ang tungkol ro'n.


"Huwag kang magalit sa kanya." Napapikit akong muli. Panibagong paliwanagan na naman 'to. "Hindi naman pwedeng ma-stuck siya sa akin, eh ako 'tong nagtulak sa kanya palayo." Napalunok ako. Hindi na makayang dugtungan ang aking sinabi.


"Tapos ngayon, dini-defend mo pa. Umamin ka nga sa akin. Mahal mo pa rin ba siya?"


Natigilan ako sa tanong na 'yon. Mahal ko pa ba? Mahal ko pa rin ba si Ren kahit nagkasakitan kaming dalawa at ako yung kumalas sa kanya? May natitira pa bang pagmamahal kahit isang taon na kaming walang komunikasyon sa isa't-isa?


Napangiti ako ng mapait. Nung araw na nagdesisyon akong tapusin ang relasyon namin, ang akala ko ay wala na. Namanhid ako sa sakit. Nawalan ng tiwala. Nawalan ng gana magmahal kahit alam kong may maibibigay pa ako sa kanya. Nabulag sa selos. Naduwag mag-take ng risk. Nahirapang magbigay ng chance. Natakot matalo. Kasi pakiramdam ko ay walang natira sa akin kundi sakit at natabunan no'n ang pagmamahal ko kay Ren.


Hindi ko naisip na napagod lang ako magbigay ng magbigay, paulit-ulit na umintindi at masaktan ng sobra nang higit sa kaya kong indahin. Ang tanging kailangan ko ay pahinga. Hindi ko hinarap ang problema. Tinakasan ko. Pinutol ko ang maliit na sinulid na nagkokonekta sa akin kay Ren. Pinutol ko ang relasyon namin.

Stuck At The 9th StepWhere stories live. Discover now