“Let's take a picture!”
“Ate Zay, let's go there. Mom said that we'll take a pic, dali!” Hinila na ako ng nakababatang pinsan ko na si Ciela papunta sa tabing-dagat bago pa ako makapagsalita.
I don't even know why I'm here. Sumama lang naman ako gawa ng mom ko. She said that she'll confiscate all my gadgets and credit cards if I refused to go.
Fuck this life.
“One, two, three, SMILE!” I didn't smile. Siguro ako lang din ang hindi nakangiti sa family picture namin. Pansin ko lahat sila masaya ngayong araw, siguro ako lang 'tong hindi.
How can I be happy when I was told that I couldn't graduate college since I failed three subjects? I did my best to pass, but I guess it wasn't good enough.
“Ate Zay, let's go there sa beach please.” Nagpuppy eyes si Ciela sa akin kaya't hindi ko na siya natanggihan. Kita ko naman siyang nagtatampisaw doon sa dagat.
“Ciela, don't go sa malayo ha!” I shouted and she nodded in return.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at binuksan ang socials ko at samu't-saring messages ang natanggap ko.
Jiere Reyes:
Zay, r u okay? Haven't heard from u.
Cromwell Sebastian:
zay, talk to us if u have problems ha. 'wag mo naman kaming ighost.
Kaela Surin:
zayzay! u know the latest chika ba? break na sila fineire at harold my gosh! buti naman at nakipagbreak na si Harold kay fineire.
Georgina:
Let's go shopping!
Beatriz Valera:
sorry zaylein. kinausap ko na 'yung dad ko if he can do something about your prob sa school but he said he can't do anything talaga :((
Two weeks na yata akong hindi nag-oopen ng socials ko simula nung nalaman kong hindi ako gagraduate, at nakipagbreak sakin si Gian.
Si Beatriz lang ang kaisa-isa kong nireplyan. I owe her my life though. Siya ang nag-iisang bestfriend ko sa block namin and his dad is one of the founder of the school na pinapasukan namin. I replied ‘okay lang, thank u’ because I don't know what should I feel.
Akala ko malulusutan ng dad niya yung problema ko. I can pay just to graduate, kaso wala eh, things don't go your way talaga.
“'Yung bata, nalulunod!” Napatingin ako sa dagat nang may sumigaw at nakita ko nalang na tumatakbo papalapit si Tita Coreen sa dagat.
Si Ciela..
Mabilis akong pumunta sa nagkukumpulang tao sa dagat at nakita nalang na karga ni Tita Coreen si Ciela na humahagulgol papunta sa cottage namin.
“Anong nangyari!?” sigaw ni Tito Jerry at lumapit kay Ciela.
“Ciela, baby, are you okay?” Nag-aalalang tanong ni Tita Coreen ngunit iyak lang nang iyak si Ciela. “Wala bang nagbabantay sa'yo?”
“Mom, narinig ko po si Ciela na inaya si ate Zay sa dagat so baka siya po ang nagbabantay sa kaniya,” singit ni Carl, ang nakatatandang kapatid ni Ciela.
Napatingin sila lahat sa kinagagawian ko. Si Tito Jerry at ang kapatid kong si Zarbz ay masama ang tingin sa akin.
“Ano bang ginagawa mo, Zay!? Muntikan na malunod ang anak ko dahil sa'yo! Bantay ba tawag dun?”
“S-Sorry Tito Je---”
“Umalis ka sa harapan ko at baka kung ano pa ang magawa ko.” Hindi na muli ako tumingin pa sa kanila at tuluyan nang umalis. “Wala ka talagang kwenta.”
STAI LEGGENDO
Over the Waves
Storie d'amoreWill you keep on staying deep under, or are you willing to go over the waves?
