Full Essay

35.2K 57 2
                                    

''Ang Kahalagahan ng PANANAMPALATAYA sa BUHAY ng TAO''


WATTPAD;

@CasirayanJunrey871

"http://embed.wattpad.com/follow/CasirayanJunrey871"


TWITTER;

@CasirayanJunrey

twitter.com/CasirayanJunrey


#ESSAY Written By;

Junrey Casirayan


                                                       Walang halaga ang buhay ng isang tao kung wala siyang pananalig sa DIYOS. Ang buhay ay walang saysay kung walang pananampalataya. Sana kahit minsan ay ma-alala natin ang Panginoon at huwag kalimutang siya ang lumikha ng bawat nilalang at siya rin ang natatanging pag-asa ng mundo.

                                                        Dati nagtatampo ako sa DIYOS sa ibinigay niyang klase ng pagkatao ko. Minsan nakakalimutan ko siya, hindi rin naman kasi ako gano'on ka relihiyoso. Inaamin ko naman na hindi ako naging mabuting tao, marami akong pagkakasala at mga pagkukulang. Hanggang sa napag-isip-isip ko na lahat, at ngayon unti-unti ko ng natatanggap ang ibinigay niyang klase ng pagkatao ko. Unti-unti ko ng natatanggap ang sarili ko. Natutunan ko na lahat ay nangyayari ayon sa kagustuhan ng Panginoon. Sana hindi natin makalimutang ipagpasalamat ang lahat ng biyayang hatid niya sa atin. Mahalin natin ang isa't-isa tulad ng pagmamahal ng DIYOS sa atin. Maging mapagkumbaba, matutong magbigay at magtulungan. Lagi tayong magdasal at sana hindi lang kapag may problema tayo kundi pati na rin sa mga masasayang sandali. Ang buhay natin ay ipinahiram lang ng DIYOS. Kaya sana ingatan natin ito at sana bago man lang niya bawiin ang ipinahiram niyang buhay ay makagawa tayo ng mabuti kahit sa maliit na paraan.

                                                      Ang pananampalataya sa buhay natin ay napakahalaga. Dahil kung tayo ay may tiwala sa DIYOS, hindi tayo madaling mawawalan ng pag-asa. Kapag may pananalig tayo sa kanya ay magkakaroon tayo ng lakas at inspirasyon para harapin ang bawat hamon at mga pagsubok sa buhay.

🎉 Tapos mo nang basahin ang Ang Kahalagahan ng Pananampalataya sa BUHAY ng TAO 🎉
Ang Kahalagahan ng Pananampalataya sa BUHAY ng TAOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon