*tick* *tock* *tick* *tock*

4:00 am

Until now I'm wide awake.

Hanggang ngayon siya pa din.

Hanggang ngayon.

Hanggang kelan kita makakalimutan.

Hanggang kelan ako lulubayan ng mga alaala na kasama kita.

Habang tumatagal, lalo lang akong nasasaktan.

Habang tumatagal lalo lang akong nahihirapan.

*Tock tock*

"Anak? Gising na. Maaga ka pa ngayon"

"Sige po ma. Susunod ako."

Pumasok muna ako sa cr para sana magtoothbrush.

Pugto na naman mga mata.
Naiiyak na naman ako.

"Tama na Katie. Iniwan ka na niya. Di na siya babalik pa."

I fix myself and pretend that nothing happens.

Pumasok na ako.

Kaso mali ata na pumasok pa ako

Sana pala di na ako pumasok. Nakita ko lang siya ulit.

Nakita ko na naman siya.

Kasama ng babae na ipinalit niya sakin.

Pero I have to show them that I'm strong.

Dumiretso muna ako sa guidance office. Tutal di pa naman umpisa ang pagpapractice namin ng graduation march.

Dito muna ako.

Baka kasi kapag nakita ko na naman siya. Diko mapigilan na sampalin siya at ipamukha sa kaniya na nagkamali siya sa pagiwan sakin.

na mali siya na pinagpalit niya ako sa bestfriend ko.

Tama bestfriend ko ang ipinalit niya sakin.

Ok lang sana kung iba na lang. Bakit bestfriend ko pa.

Yung bestfriend ko na sinasabihan ko ng lahat-lahat. Yung pinagkatiwalaan ko. Yung tinuring ko na kapatid.

Buti na lang ako lang magisa dito. Walang makakarinig ng bawat paghagulgol ko.

Takte talaga itong luha ko. Ayaw paawat.

*eengk*
(Tunog ng pagbukas ng pinto)

"Kat?"

Si Iyos. Isa sa mga malalapit kong kaibigan.

Pinunasan ko kaagad ung mga luha ko para di niya makita. Pero huli na.

Agad niya akong niyakap.

Takte naman oh. Lalo lang akong naiiyak.

"Ok lang. Umiyak ka kahit ilang oras mong gustuhin.. ilabas mo lang yan.. handa akong makinig"

"Huhu Iyos haha"
Buang na ata ako. Iyak tawa ang nangyayari sakin.

"Iyos.. ang sakit.. ANG SAKIT-SAKIT! pareho ko silang mahal.. pareho silang mahalaga sakin.. pero parehas lang din silang manloloko.. nagtiwala ako.. pinagkatiwalaan ko siya.. nagtiwala ako na hindi niya ako iiwan.. na hindi niya ako ipagpapalit sa iba.. BWISIT SIYA! BWISIT SILA! hahaha pero ayos na din ito atleast nalaman ko ng mas maaga.. na hindi talaga siya karapat-dapat na mahalin ko.. hindi siya--"

And last thing I knew. Everything went black.

Nagcollapse daw ako sabi ni mama. Masyado daw akong nastress this past few days.

"Kat? Can you go with me?" Si Iyos.

"Sure. San ba?"

hinila niya ako papunta sa dulo ng school namin. Hindi ko alam kung anong meron. Nagpadala lang ako sa paghila niya.

And i saw him.

Oo siya.

Yung dahilan ng pagiyak ko.

Ang dahilan ng pagcocollapse ko.


Si Rew(ru)

"I think it's time na para makapagusap kayo" sabi ni Iyos.

Since nung nakipagbreak ako sa kaniya. DI na kami nakapagusap pa ulit

I nodded to him. And dumiresto kung san nakaupo si Rew

Umupo ako sa bench kung san nakaupo si Rew. Pero one sit apart.

Nakita ko sa peripheral vision ko na tumingin siya sakin.

Nobody dares to speak.

Tunog lang ng mga insekto ang naririnig namin.

30 mins ata kaming ganun

Pero...

Diko na kaya.


"Bakit?" Nilingon niya ako. Pero di niya ako sinagot.


"Bakit mo nagawa sakin yun?"
At ang peste kong luha bumagsak na ng tuluyan.


"Bakit Rew? Bakit sa lahat ng tao. Bakit bestfriend ko pa? Bakit siya pa? Bakit ako pa? Bakit ako pa yung sinaktan mo? Bakit Rew? Magsalita ka!" Napatayo na ako sa sobrang galit.

"Bakit Rew? Anong pagkukulang ko? San ako nagkamali? Sabihin mo sakin!! TAKTE REW ANG SAKIT-SAKIT! SOBRANG SAKIT! NAGTIWALA AKO SAYO.. NAGTIWALA AKO NA DI MO KO SASAKTAN.. NA DI MO AKO LOLOKOHIN.."

napaluhod na ako.. nanginginig at nanghihina yung tuhod ko..

"marami kang pagkukulang katie.. wala kang oras sakin.. isang beses lang tayo nakakapagusap.. kasi mas iniintindi mo ang mga sasabihin ng iba.. pakiramdam ko kinahihiya moko.."

napatahahimik ako. Tama siya minsan lang kami magusap dahil ayoko makarinig ng mga chismis tungkol sakin.. na ang boyfriend ko ay isang ex-convict. Oo tama kayo.. galing siya sa kulungan.. alam ko yun umpisa pa lang

Tama siya minsan nahihiya ako kapag kasama ko siya.. feeling ko kasi napakababa ko.. pero kahit ganun mahal na mahal ko si Rew. Sobra

"yung bestfriend mo.. siya ang dumamay sakin tuwing iniiwasan mo ako.. siya ang palagi kong nakakasama.. siya ang nagpapagaan ng loob ko tuwing nasasaktan ako.."


Pinakinggan ko lang siya

"Katie mahal kita..

Pero mas mahal ko na yung bestfriend mo.. nahulog na ang loob ko sa kaniya.. diko sinasadya pero katie mahal ko na siya.. patawarin moko.. sana mapatawad mo na din yung bestfriend mo. Mahal na mahal ka niya.. na dumating sa point na iniiwasan niya ako para dika na masaktan.. pero katie mahal ko na talaga siya.. katie Im sorry.. i'm really sorry.. please patawarin mo ako"

He kneeled down..

Kung kanina nadurog na ang puso ko.. ngayon durog na durog na.. pinong pino na.

Diko alam na nararamdaman niya yun.. i guess mali ako.. hindi pala MALING-MALI ako..

mas inuna ko ang iisipin ng iba.. hindi ko man lang inalam ung nararamdaman ni Rew..

kasalanan ko din..


I hugged him..


For the last time :)

Time flies so fast.. at ngayon 3rd year college na ako..


Napatawad ko na si Rew.. at ok na kami ngayon ng bestfriend ko..


Rew and my bestfriend are getting stronger..


Well Im happy for them..

"Babe?"

Well me?

I'm happy with my boyfriend.. Iyos :)

UnfoldWhere stories live. Discover now