“Ate please umupo kana hayaan nalang natin. Tsaka sila ang may-ari ng school wala tayong magagawa”pagpapakalma ni Alice sa'kin pero umiinit talaga ang dugo ko.

“Wala akong pake kung sino sila. Hindi porket sakanila 'tong school basta-basta nalang silang mang aalipusta ng mga estudyante.”sigaw ko na umani ng sari-saring bulongan.

Tangina lang kasi, tangina talaga! Ang tahimik ni Alice na nag-aaral dito tapos guguluhin lang niya dahil nakabalik na siya. He's really unfair. Gusto niya 'kong sirain kaya siya ganito.

Hahampasin ko pa sana siya ulit ng pigilan niya ang kamay ko. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa habang may nang-uuyam na ekspresyon.

“Being a trash doesn't suit in this school.”malamig niyang saad. Yes basura ako, palagi naman akong gano'n sa paningin niya.

Tumawa ako ng mapakla at tinignan din siya mula ulo hanggang paa. Hindi na'ko papasindak sayo Javier, matagal na'kong nasanay sa galit mo.

“That's why you doesn't suit here, because you also look like a trash.”
sabi ko at nginisihan pa ito ng malapad.

Ngumisi din si Javier sakan'ya at muling nagsalita.

“Why don't you ask your sister what did she do?”tanong nito kaya nawala ang ngisi sa mukha ko.

Kumunot ang noo ko at tinignan si Alice na mukang kinabahan sa sinabi ni Javier. Ano ba kasing ginawa niya at ginawa ni Javier 'yon?

“Alice, anong sinasabi nito?”tanong ko kay Alice habang ang kamay ko ay hawak parin ni Javier.

“Wala akong alam sa pinagsasabi niya. Wala akong ginawa maniwala ka.”nagulat ako ng bigla itong umiyak. Bakit siya umiiyak, she looks fucking guilty.

“Sinungaling ka wala akong ginawa sadyang galit kalang sa'min kaya mo sinasabi 'yan.”sigaw ni Alice at nilapitan si Javier at hinampas sa dibdib.

Agad naman may humila dito dahilan para mapatingin kami sa lalaking kakarating lang at nakangisi kay Alice. Ang siraulong anak ni Fon ay nandito na. At anong satingin niya ginagawa niya?

“Why don't you tell your trouble maker sister... that you fucked our brother in comfort room. Isn't removing your scholarship is the right thing to do as punishment?”sabi nito habang naka ngisi sanhi ng paglakas ng bulong-bulongan.

“Anong sinasabi nito? Totoo ba 'yon? Totoo ba Alice?”sigaw ko sakan'ya. Mas lumakas ang iyak niya at yumuko. Putangina naman eh! Putangina talaga!

“Hindi naman natuloy ate, pangako hindi talaga.”umiiyak niyang saad. Napahampas ako sa mesa at masama siyang tinignan.

“She's right, hindi naman natuloy.”sabat ni Keirson na bigla nalang sumulpot. Masama ko siyang tinignan.

“Hindi natuloy? Tangina gusto mo bang tuluyan kita?”sabi ko kaya umakto siyang sumusuko.

“Kailan kapa natuto nito ha? Tanga kaba o natanga kana?”sigaw ko kay Alice.

“Ate please let's talk in private.”
nagsusumamong saad niya.

“Mag-usap tayo mamaya sa bahay. Humanap kana ng magandang rason dahil kung hindi... Kung hindi sasamain ka sa'kin!”banta ko sakaniya.

Muli pa akong tumingin kay Javier na malamig na nakatingin sa'kin.

“Ano pang tinitingin-tingin niyo? Tangina tabi!”sigaw ko kaya nagsi-alisan ang estudyante sa daan.

Agad akong dumiretso sa bodega ng school at ininom ang gamot ko. “Puta ba't kaba nanginginig?”saway ko sa sarili ko pero ayaw talagang tumigil ng panginginig ko.

Perilously Devoted (MORGAN SERIES 2)Where stories live. Discover now