"Bakit kasi ang aga nila." Sambit ni Atlas at humikab pa.

Umaawang ang labi ko. Parang ayaw pa nyang umuwi ang anak namin.

"May pasok ang anak mo."

"Wala silang pasok ngayon."

Tumaas ang kilay ko. "Paano mo nalaman?"

"May post kaninang madaling araw ang page ng school nila. Wala daw pasok ngayon sa school nila dahil pinasok ng tubig baha ang mga classroom kagabi. Lilinisin daw muna."

Namangha ako sa sinabi nya. Hindi naman sya mukhang nagiimbento ng kwento. At totoo namang madaling pasukin ng tubig baha ang school ni Jeremiah dahil mababa ang lugar nito. Infairness updated sya.

May fb na rin kasi sya na bago at in-add kami ng anak nya. Mabuti pa nga raw si Jeremiah may fb sya wala. Active din sya doon sa pagpopost ng mga pictures naming tatlo.

"Sasabihin ko na lang kay mommy na sa kanila muna si Jeremiah tutal naman ay walang pasok para makapagsolo pa tayo."

"Heh! Magsolo ka mag isa mo. Miss ko na ang anak ko no. Bilisan mo na nga dyan." Sikmat ko sa kanya pero ang mukha ko ay siguradong pulang pula na.

Ng makapagbihis na ako ay nauna na akong lumabas. Dumiretso ako sa pinto at tinanggal ang mga lock. Binuksan ko ang pinto.

"Good morning mama!" Masiglang bati sa akin ni Jeremiah sabay yakap sa bewang ko.

Niyakap ko rin ang anak at hinalikan sa noo. Isang araw lang kaming hindi nagkita pero sobrang miss na miss ko na sya.

"I miss you mama."

"I miss you too baby boy."

Tumingin ako kay Tita Anita at Ava na mga nakangiti at nakatingin sa amin.

"Morning tita, Ava." Bati ko sa kanila.

"Morning din iha. Pasensya na at ngayon lang namin naihatid pauwi si Jeremiah. Sobrang lakas kasi ng ulan kagabi at baha ang mga kalsada."

"Naiintindihan ko po tita."

"Ang dami nyang kinain kahapon Jo. Mahilig din palang kumain yan parang ako. Kaya nanaba eh." Sabi ni Ava.

"Salap po kasi kain tita eh." Sagot ni Jeremiah at tumingin sa loob ng bahay. "Saan po ti papa mama?"

"Ah nasa kwarto pa anak, pero palabas na nagbibihis lang." Sambit ko. Eksakto namang lumabas si Atlas sa kwarto na nagsusuot pa ng sando.

"Papa!" Agad namang bumitaw sa akin si Jeremiah at tumakbo palapit sa ama. Agad naman syang binuhat nito.

Bumaling ulit ako kay Tita Anita at Ava. Napansin ko makahulugang ngiti sa mga labi nila. Nag init ang pisngi ko ng maalala ang mga narinig kong pag uusap nila. Malamang iniisip nila na may nangyari sa amin ni Atlas lalo na at nakita nila si Atlas na lumabas ng kwarto at nagbibihis ng sando.

Tumikhim ako. "Ah pasok po muna kayo tita, Ava." Yaya ko sa dalawa.

"Salamat iha."

Gumilid ako sa may pinto para makapasok ang dalawa. Giniya ko sila sa maliit naming sala at pinaupo sa mahabang monoblock chair. Binuksan ko ang stand fan at wallfan para hindi sila mainitan.

"Nakapag almusal na po ba kayo tita?" Tanong ko.

"Hindi pa. Binibida kasi sa amin ni Jeremiah na masarap daw ang pandesal dito sa inyo. Gusto kong tikman." Si Ava ang sumagot na mukhang excited pa.

"Sa bahay na lang tayo mag almusal Ava. Makakaabala lang tayo. Papasok pa sa school ang pamangkin mo." Wika naman ni Tita Anita.

"Ay oo nga pala."

DG Series #3: Never Gonna Let You GoWhere stories live. Discover now