Dahan-dahang tumayo si Sky mula sa pagkakaupo at lumapit sa mini table na nasa tabi ng kama niya. Kinuha niya ang kanyang cellphone at mabilis na tinawagan ang number ni Ruin. She needs someone to talk to. Baka kung ano na naman ang maisipan niyang gawin sa sarili niya dahil lamang nalulungkot siya.

Pagkatapos ng ilang ring ay agad naman itong sinagot ni Ruin. “Hello? Is that you, langit?” tanong nito.

Tumango-tango naman si Sky na para bang nakikita siya nito. Pinunasan niya muna ang mga luha sa kanyang mata bago sagutin ang kaibigan.

“Y-Yes, this is me Rui... Can I talk to you? W-Wala ka bang ginagawa ngayon?” utal niyang tanong dito.

Hindi agad nakasagot si Ruin at maya-maya pa ay narinig nalang ni Sky na tila may nagsisigawan sa kabilang linya.

“Rui?”

“Langit, sorry ah? Nag-aaway na naman kasi sina mama at papa. Noong isang gabi pa sila laging ganito. Hindi ko alam kung bakit. Sorry talaga...” hinging paumanhin nito sa kanya.

Agad naman siyang nakaramdam ng lungkot para dito. Nakakalungkot lang isipin na mukhang may problema ring kinakaharap ngayon ang kaibigan niya.

“No, it's okay. I understand you, Rui...” she said. Narinig niya naman ang pagbuntong -hininga nito ng malalim sa kabilang linya.

“I'm sorry talaga...”

“Okay lang. Good night, Rui...”

“Good night, langit... Sweet dreams.”

Nang i-end na nito ang tawag ay napatulala na lamang sa kawalan si Sky. Hindi niya alam kung bakit hindi siya nilulubayan ng problema. Araw-araw ay iba't-ibang problema nalang ang palaging nai-encounter niya.

Sometimes, she can't help but to think if she was really born to be like this. Natatakot siya na baka dumating ang araw at hindi na niya kayanin pa ang lahat ng mga nangyayari sa buhay niya. Ayaw niyang dumating sa point na sukuan niya na rin pati ang sarili niya.

She was only 18 years old yet she's already suffering. 'Yong tipong kakatungtong niya pa lang sa legal age pero feeling niya back to zero na naman siya.

If she only know how to escape from her cruel reality, she'll gladly do it. Pero naisip niya, magiging duwag lamang siya kung mas pipiliin niyang takasan ang reyalidad kaysa harapin ito. Habang tumatagal ay mas lalong nagiging mahirap ang sitwasyon niya. Wala rin siyang lakas ng loob na sabihin sa pamilya niya ang lahat ng mga nangyayari sa buhay niya. Natatakot siya na baka balewala lang dito ang lahat. Natatakot siya na baka hindi man lang nito pakinggan ang mga sasabihin niya.

Mariin niyang ipinikit ang dalawang mata. May kailangan nga pala siyang puntahan bukas ng umaga. Hindi niya alam kung ano ang posibleng mangyari bukas, but she's hoping that everything went well.

Nang muli siyang magmulat ng mga mata ay agad na tumuon ang tingin niya sa upper drawer ng cabinet na nasa tabi lamang ng mini table. Dahan-dahan siyang tumayo at nilapitan iyon. She never leave this cabinet open. She always make sure that she locked it before she goes outside her room. Nandoon kasi ang mga importanteng bagay na tanging siya lang ang nakakaalam.

Kinuha niya ang susi at binuksan ang drawer. Malungkot na lamang siyang napangiti ng bumungad sa kanya ang iba't-ibang uri ng gamot na kailangan niyang inumin araw-araw.

“Leukemia is cancer of the body's blood-forming tissues, including the bone marrow and the lymphatic system. Many types of leukemia exist. Some forms of leukemia are more common in children. Other forms of leukemia occur mostly in adults...” her doctor explained to her the last time she visited him.

“L-Leukemia?”

“Yes, Sky... Over time, these abnormal cells can crowd out healthy blood cells in the bone marrow, leading to fewer healthy white blood cells, red blood cells and platelets, causing the signs and symptoms of leukemia” seryosong paliwanag nito sa kanya.

“And in your case, you've been diagnosed with an acute leukemia. These happens when the abnormal blood cells become an immature blood cells. They can't carry out their normal functions, and they multiply rapidly, so the disease worsens quickly. Acute leukemia requires aggressive, timely treatment...”

“So, are you trying to tell me now that I'm dying?”

“No, Sky... But there's a big possibility for that to happen. I can't give you a 100% hope. This is a very serious case, Sky. Masyado nang malala ang sakit mo, hindi mo man lang nalaman...” he continued.

After hearing those words, her world abruptly fell apart.

“I can talk to your family—”

Mabilis siyang nag-angat ng tingin at umiling-iling dito. Agad na binalot ng takot ang buong sistema niya. “N-No. Hindi na nila kailangan malaman pa ito, doc...”

“But Sky—”

Umiling siyang muli. Agad na naglandas ang mga luha sa kanyang mukha. “A-Ayoko p-po... Hindi ko alam kung ano ang posibleng maging reaksiyon nila once na sabihin mo sa kanila ang sitwasyon ko... Masyado na akong pabigat sa kanila at ayoko na pong dagdagan pa iyon...”

“Sky...”

“Kung malalaman nila ito, mas lalo lamang akong mahihirapan. Posible ngang kaawaan nila ako, at ayokong mangyari iyon. Ayokong kaawaan nila ako dahil lamang may sakit ako... Ayokong maramdaman na mahal nila ako dahil posible akong mawala dito sa mundo...”

She cried hard that time. Hindi niya napaghandaan ang lahat ng mga nalaman niya no'ng araw na iyon.

Buong buhay niya ay lagi nalang nakadikit sa kanya ang takot, at mas lalo lamang itong nadagdagan sa ngayon.

Your life sucks really hard, Sky...




A/N: Enjoy reading^^

Gazing The Stars (VAS #1) | Ongoing Where stories live. Discover now