One

2 0 0
                                    

POV
~Charice Dela Cruz~

Hindi ko maisip kung saang lupalop ng mundo nanggaling 'tong lalaking 'to.Hindi alam yung Tuyo!Tinuruan pa siya na kapatid ko kung pa'no kainin yun.Kawawa naman siya dahil gutom na gutom pero yan ang kinain.Ang dami naman niyang nakain!.Ubos niya ang Dalawang latang Cornbeef!Kaunti lang ang tuyong nakain niya kanina pero nung sinawsaw niya sa ginawang sawsawan ni tatay ay dumami din ang nakain niya.

Base sa itsura niya ay mukha siyang mayaman.Hindi niya alam ang bahay niya dito?Ano ba kasing ginagawa niya sa lugar na 'to?

Natapos kaming kumain at pinag hugas ko muna ng pinggan si Clarisse.Nasa palengke ang mga magulang namin.

"Hey..can i sleep here?" Tanong sa akin nung lalaki.Nanduon ulit siya sa Upuan.

Paano ko ba kakausapin toh?

Nakakaintindi naman ako nag english.

Hindi lang ako sanay na may nag e-english.

Tanghaling tapat at oras talaga ng siyesta.Kahit ako inaantok din.Galing lang akong trabaho pero nakasalubong ko ang lalaking 'to sa daan kanina.

At siyempre hindi naman ako masama sa mga dayo dito sa lugar namin.Kaya tinulungan ko siya.Sapat na yun.

"Hindi." Sagot ko at tatalikod sana pero..

"Pleasee." Sabi nung lalaki sa akin!

Sa totoo lang,pansin ko sa mga mata niya ang lungkot at pighati.Para bang may gusto siyang makuha o makasama pero walang pag asang magagawa niya yun.Halata din sa lalaking 'to ang pagod.

Nakasuot siya ng T-shirt na Gray medyo fitted 'yun sa kaniya at may leather jacket pa.Naka maong pants din siya.Maayos ang pag kakagupit sa buhok niya.May matangos na ilong at medyo mapupulang labi.Pansin ko ding brown ang kulay ng nga mata niya.

Napabuntong hininga ako.

"Matulog kana..hubarin mo yang jacket mo dahil mainit." Sabi ko at umakyat na ulit sa taas ng bahay namin.

Tubong ilokano ang mga magulang ko.Pero nanirahan kami sa Maynila pero saglit lang.Duon din ako nag a-aral.

Etong lalaking 'to medyo pamilyar sa akin pero hindi kona inisip yun.

Halos isang buwan na din naman akong nakabalik mula sa Maynila.

"Ate...kawawa naman si kuya Josh." Sabi sa akin ni Clarisse.Magkatabi kasi kami sa kama.Iisa lang ang kwarto namin,sa kabilang kwarto naman sila Nanay at Tatay.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wala lang....ramdam ko na may pinag dadaanan siya." Sabi ni Clarisse at nag cellphone na.

Hindi kami sanay mag Ilokano kaya ganito kami mag usap,sila nanay at tatay lang.Pero kapag buo kami nag ta-tagalog lang kami..Natural.

Umupo ako sa kama namin.Tinutupi ang mga natitirang tupin....bakit kaya ganun ang mga mata niya?

Kinagabihan dumating sila Nanay at Tatay galing palengke.Nagtaka sila dahil may kasama kaming lalaki na hindi naman nila kilala muntikan pang kuhain ni Itay ang Itak!

"Tay mag hunos dili ka!" Sigaw ni Clarisse kaya kinuha ko na ang itak sa kamay niya.

"Clarisse!Charice!Sino itong lalaking 'to?Nag papa-pasok kayo sa pamamahay natin ng hindi ko alam!?" Sigaw ni tatay.

"Tay!Anu ba!Mag papaliwanag si Ate" pakikipag laban ni Clarisse sa sigaw ni tatay.

"Charice...mag paliwanag ka." Mahinanong saad ni Nanay.

Ang init naman ng ulo ng dalawang 'to!Si nanay ka-kalma kalma pa,mas maingay nga siya kay tatay!

"Nay...kailangan niya po ng tulong kaya tinulungan ko siya,Dayo siya dito hindi niya na alam kung saan ang bahay niya.."

My Heart Falls Again In IlocosWhere stories live. Discover now