CHAPTER 1

12 3 1
                                    

Jasmine's pov

FLASH BACK

Nagising ako ng antok na antok dahil sa kakapanood ng bl, Sabi na kasing Isang episode na lang ih!

Oh well! Di niyo Naman ako masisisi nakaka addict talaga sya.

"JAS! BUMANGON KANA DYAN MAG AANONG ORAS NA MALALATE KANANAMAN!!"

Narinig Kong Sabi ni mama sa baba.

Napahilamos na lamang ako sa aking Mukha at napipilitang Bumangon dahil medyo malayo layo pa dito Ang school na pinapasukan ko at baka Wala nanaman akong jeep na masakyan.

Inayos ko Muna Ang higaan ko at tumayo na para pumuntang banyo at para narin maligo.

Pagkatapos ko Naman ay agad nakong bumaba para Kumain na at magpaalam narin Kay mama.

Pagkababa ko ay nadatnan ko si mama na kumakain na.

"Ma!"

Pukaw ko sa atensyon niya at agad Naman siyang napatingin saakin.

"Oh nandyan kana Pala, Kumain kana riyan at nag handa narin ako ng makakain mo."

Sabi Niya saakin na agaran ko namang sinunod.

Pagkatapos Kong kumain ay nag paalam nako Kay mama at lumabas na ng bahay para pumunta sa sakayan ng jeep.

Habang naglalakad ay nanonood ako ng favorite Kong bl series na Ang pamagat ay *******.

Ng makarating nako sa sakayan ng jeep ay tinigil ko na Muna Ang panunuod ko at pumara na.

--


Fast forward

Ng makarating nako sa school ay chineck na ng guard Ang Id ko at Saka ako pinapasok.

Isa na nga pala akong 2nd year college ng culinary arts.

At buti na nga lang ay napag aaral pako ni mama kahit mag Isa na lang sya at kapos pa kami sa buhay.

Pagkarating ko Naman ng classroom ay saktong tumunog Ang bell.

--

Pagkatapos mag turo ng prof namin ay sunod namang pumasok Ang susunod na prof at nag sunod sunod na

Ng matapos Naman Ang huling klase ay lumabas nako para pumuntang national book store dahil may pinapagawa saaming project Yung Isa naming prof, Dahil nga sa medyo malayo layo Rin yon kaya nag LRT na lang Rin ako.

--

Pagkapasok ko ng tren ay Nakita Kong siksikan na at halos Wala ng maupuan, Mabuti na lang at tumayo Ang Isang babae.

Pero ng papalapit nako ay Saka Naman may nakipagsiksikan na lalake at inunahan paako sa upuan.

Tiningnan ko ng masama Ang lalaking naka face mask na parang walang alam sa nangyayari.

Di Niya ba alam Ang Ibig Sabihin ng lady's first, Iniwas ko na lamang Ang tingin ko Kasi  alam ko Naman na Wala nakong magagawa.

Ng makarating nako sa destinasyon ko ay pababa na sana ko pero bago yon ay sinamaan ko na Muna ng tingin Ang lalaking nakipagunahan umupo.

Pero nagulat na lang ako ng tumayo Rin ito at papunta na sa direksyon ko, Kaya Dali Dali akong bumaba at patakbong umalis Doon.

Ng makarating nako sa national book store ay agad ko ng binili Ang mga kakailanganin ko dahil napansin ko ring mag gagabi na at alam Kong nag aalala na si mama Lalo na't lowbatt Yung phone ko Kaya diko Rin Siya ma chat.








--





Nang maka uwi nako ay nadatnan ko si mama na natutulog na sa may sofa, Agad ko Naman siyang ginising para patulugin siya kwarto sa taas.

Hindi Muna ko natulog sapagkat tinapos Kona Muna Yung project para bukas ay panibagong Gawain Naman.

Habang ginagawa iyon ay pumasok nanaman sa isip ko Yung lalaki kanina sa LRT Kasi first of all Ang wirdo Niya, Pano ba Naman balot na balot na naka face mask at shades pa.

Pero kahit ganon Hindi maikakailang may itsura Siya kahit na natatakpan Yung Mukha niya, Iniling ko na lamang iyon at ipinagpatuloy na lang Ang aking ginagawa.








--





Kinabukasan nagising na lang ako ng makaramdam ako ng ngalay sa leeg ko Saka ko lang naalala na naka tulog pala ko sa study table.

Pero nagulat na lang ako ng Makita ko si mamang nagmamadaling bumaba at hawak hawak Ang bibig na animoy nasusuka.

Nakita ko syang dumiretso sa banyo kaya Naman agad ko syang sinundan.

"Ma Anong nang yari? Uminom kaba kahapon?"

Nag aalalang Tanong ko sa kanya, pero napaka imposible Naman Kasi sa Pag kaka alam ko Hindi Naman uminom si mama Sabi Niya Kasi Ayaw Niya raw ng Amoy ng alak.

Humarap Siya saakin Saka ako niyakap ng mahigpit sabay sabing.












"Nak buntis ako."



















"PUT--!!

My Top ActorWhere stories live. Discover now