MUSIC INSTRUMENTS SHOP [ C-1]

Start from the beginning
                                    

"If you'll look at it closely, you'll see how old it is. Pinatungan na lamang ang kulay para magmukhang bago." Axel explained.

He wore his headphones once again at ipinasok ang kamay sa bulsa ng kaniyang cozy jogging pants. At namuhay sa sarili niyang mundo.

"Recycled ang strings." Biglang lusot ni kuya, Capti. How did he know by just looking at it? Hindi man lang niya hinawakan!

"Idi-nisplay, at binigyan ng murang halaga, para mabenta na." Tamad na dagdag ni Baste. Errr? Kaya pala.

"Musicians, have their own signature sound, and style or penchant for the way their instrument feels in their hand,Ausha." Saglit na pinitik ni kuya Capti, ang noo ko nang sabihin iyon. Napahimas na lamang ako rito.

Habang hinihimas ang noo ay nabigla na lamang ako nang may malambot na dumampi rito.

"Hey, Capti! Nasaktan oh! Isusumbong kita sa tatay nito, sigeh!" Pangungulit ni Baste, na siyang humalik sa noo ko.  After that he tucked his quite long and wolf cutted hair behind his ears.

"Psst, ikaw? Wala ka man lang bang gagawin? Sinaktan yung anak mo oh!" Hinila pa nito si Dwayne, para iharang sa gitna namin ni kuya Capti.

"Gago, do I look like her father?" Angil ni Dwayne, rito. Umakto pang sisikuhin ito.

"Hindi ba? Pasensiya naman. Akala ko kase anak mo 'to eh. Lakas mo kaseng umaktong ama sa kaniya. Haysst, kung 'diko lang alam na matagal na kayong magkaibigan ay inisip ko nang magkasintahan kayo." Walang prenong ani ni Baste. Natawa pa ako sa sinabi niya, pero naramdaman ko ang paninigas ni Dwayne, sa tabi ko.

"Gago ka ba? Eh parang nakababatang kapatid na'ko niyan eh!" Bahagya pa'kong tumalon para lamang mabatukan ito, dahil 'di hamak na mas matangkad siya sa'kin.

" 'diba panget?" Pahabol ko kay Dwayne. It took a while before he recovered.

"Y-yes," he agreed. Ano'ng problema niya?

"Oh siya, nandito tayo para humanap ng mic na gagamitin at makabalik na sa studio." Putol ni kuya Capti, sa wirdong sitwasyon.

~(⁠◍⁠•⁠ᴗ⁠•⁠◍⁠)~

"Axel, what do you think about this one?" Kuya Capti, asked while checking the mic he's holding.

"Nice." Maikling sagot naman ng gitarista.

"Okay, kunin natin." Saka ito tuluyang dinampot ni kuya Capti. 

"Yun na 'yon?" Singit ko. "Akala ko ba dapat obserbahan muna nang mabuti kapag bumibili ng instruments?" I frowned.

"It's dynamic live vocal microphone. " Bulong ni Dwayne. "Huh?" I asked mentally.

"Dynamic mics, are far from rugged and hard wearing microphones. They can withstand years of use, kahit mabagsak mo, o mauntog." Mahabang lintanya ni Dwayne, as if narinig ang tanong sa aking isipan. Ano ba 'yan? Pati mic!

"You should be asking me, I'm the vocalist!" Singhal ng kadarating lamang na si Baste. Pinalo pa nito ang puwet ni Yasu.

"Gross. Galing kang banyo!" Reklamo nito.

"Vocalist my ass,Basty." Ani ni kuya Capti, na halatang nadugyutan rin sa ginawa ni Baste.

"Kumusta ang paghahanap ng mic?" The innocent Yasu, asked.

"Here." Itinaas ni kuya Capti, ang hawak na mikropono. "Axel, agreed already." Dagdag pa nito.

"Go, get that then. Sigurado na 'yan. " Sang-ayon nito gamit ang maamong ngiti.

"Ahh. . . Dynamic mic pala eh." Parang batang sinilip ni Baste, ang hawak ni kuya Capti na mic.

"Ganda ng taste mo,Axel. Nagmana ka talaga sa'kin!" Confident na aniya pa. Mic lang 'yan! What's the big deal. Habang nag-uusap sila ay parang timang ako na nakikinig kase hindi ko maintindihan kung bakit big deal ang mikropono na 'yan sa kanila.

"I'll explain. Kahit alam kong sinabi na sa'yo 'to ng tatay mo." Similip pa si Baste, kay Dwayne na inirapan naman nito. "Ehem. You can just simply plug in this dynamic mic sa Public Address System, kase hindi nila kailangan ng power supply. Good to go ka agad." Huminga muna siya habang tahimik lang akong nakikinig.

"Hindi lang 'yan! They can handle high sound pressure levels or yung tinatawag na 'SPL', which means maganda siya for all manner of vocal. Heto pa bonus! It's cheaper than condenser, or ribbon microphones." Kinindatan pa'ko nito.

Nakanganga lang ako after. Bukod sa mala- toothpaste commercial na ngiti nito ay tiyak na mapapabili ka kung siya ang magbebenta. Bonus ang guwapong mukha, kaya lang may pagka-gago ang ugali.

"It's Cardioid as well. " Si Axel, na sa wakas ay nagsalita na rin. Ano naman 'yon?  "The Cardioid polar pattern rejects any off-axis noise and ensures that your voice is the only thing that the microphone picks up." Prente itong tumayo at muling ibinulsa ang mapuputi't maugat na mga kamay sa magkabilang bulsa ng jogging pants.

Hindi ko maiwasang palihim na mamula, sa kakisigang taglay nito lalo na't ganito siya magsalita.

"Musician's needs comfortable and convenient instruments. So as singers, you don't want to share a microphone that hundred of people have used. You have to choose your instruments carefully, that will benefit you as a performer especially when you have your signature sound. In short—dynamic mic's with Cardioid polar patterns are preferable." Hindi ko maiwasan ang mapapalapak matapos nito magsalita. Hindi na importante sa'kin kahit kaunti lang ang naintindihan ko! Importante may na gets kahit kaunti!


"Sigeh sir,kunin na namin 'to." Biro ni kuya Capti, as if he's talking to a sales man in front of him.

Si kuya Capti, at Baste, ang pumunta sa counter upang magbayad. Ang weird naman kase kung lahat kami sabay-sabay nandun, eh wala naman kaming binili.

"Ate, hindi ba kayo kumukuha ng extra na sales man?" Mula sa counter ay dinig namin ang bunganga ni Baste.

"May balak po ba kayong mag apply sir?" Hindi makatingin ng daresto sa kaniya ang kahera, hindi ko tuloy alam kung naiilang o ano.

"Oo sana, sa'yo." Hirit naman ni Baste, na siyang lalong nagpapula at nagpayuko sa babae. Bahagya pa nitong kinagat ang pang ibabang labi.

"Don't mind him," ani ng matipunong boses ni kuya Capti, saka iniabot ang mga pinamili.

"Hey, did you just indirectly told her to reject me?" Kumunot pa ang noo nito. "Nevermind. Alam mo miss? Dahil sa'kin ay binili nila 'yan, galing ko mag promote ano?" Confident na ani nito. Itinukod pa ang kamay sa counter na akala mo umo-order ng alak sa bar.

"Hindi ba niya napapansin na halos hindi na makahinga yung babae sa kaniya?"Asik ko. That was supposed to be in my mind only! Why did I say that out loud? 

"Buti pa ikaw napansin mo, Panget." Ipinatong ni Dwayne, ang malaki niya kamay sa ulo ko saka isinunod ang baba nito sa ibabaw ng kamay.

I can clearly hear his soft breath above my head. He's obviously comfortable enough in his position. Well, it's not a big deal for me. We're always like this whenever we go. Madalas pa nga ay napagkakamalan kaming magkasintahan, na agad ko namang itinatanggi kasi hindi naman totoo!

Sa wakas ay nang matapos magbayad ang dalawa sa counter ay nag-aya nang lumabas ang mga ito.Akala ko hindi na kami matatapos eh! Sinubukan pa kase nila yung mic, soundcheck kumbaga. Nakita ko kung paano palihim na kiligin yung kahera nung kumanta si Baste. Saka yung malalim na pagbuntong-hininga niya nung makalabas na kami ng shop.

~~ (⁠^⁠.⁠_⁠.⁠^⁠)⁠ノ~~

End of Chapter One

YOU BELONG WITH MEWhere stories live. Discover now