"D-Dad..."

Salubong ang dalawang kilay nito sa labis na pagtataka. Hindi naman maiwasan ni Sky na mapailing at malungkot na matawa sa reaksiyon nito. It's as if he doesn't know everything.

"Dito ka natulog? Anong oras ka nakauwi kagabi?" sunod-sunod pang tanong nito pero wala siya sa tamang huwesyo para sagutin ang dad niya.

Her head is aching, pati likod at buong katawan niya sumasakit din. Feeling niya lalagnatin siya sa sobrang sama ng pakiramdam niya. Idagdag pa na hindi siya nakakain kagabi kaya ramdam na ramdam niya talaga ang panghihina ng katawan niya.

"Sky?" her father called her once again.

Napakurap-kurap naman siya ng maramdaman ang mabilis na pangigilid ng mga luha sa magkabilang mata niya.

"Achuu!— I'm okay, dad... May pagkain pa po ba?" mahina niyang tanong dito. Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito at pumasok nalang siya sa loob dahil kagabi pa talaga siya nagugutom.

She can endure everything kahit sobrang nasasaktan na siya. She can't please them to understand and take care of her kaya hindi nalang siya nagrereklamo.

Mabilis niyang binuksan ang rice cooker at nang makitang may kanin pa ay agad siyang kumuha ng plato. Akala niya may ulam pa pero wala na kaya naman magtitiis nalang muna siya sa ulam na toyo.

Her hands are trembling. Gutom na gutom talaga siya. She doesn't know why she has to experience all of this sh*t in life. She badly want to know the answers kasi sa totoo lang, masyado na siyang clues less sa lahat ng mga nangyayari.

Mabilis niyang pinunasan ang mga luhang naglandas sa magkabilang pisngi niya. Hindi niya namalayang umiiyak na pala siya. Pinilit niya nalang ang sarili na pagtuonan na lamang ng pansin ang pagkain nasa harapan niya.

Nakakailang subo palang siya ng pagkain ng maramdaman niyang may pumasok sa loob ng kusina. Napatigil naman si Sky at tiningnan kung sino ang pumasok, kapagkuwan ay napayuko siya.

Ang mom nila...

"Saang lupalop kana naman nagpunta kagabi at ngayon ka lang nakauwi?"

"M-Mom—"

"Your kuya Skyde told me na hanggang 6:30pm lang ang  klase niyo, pero hindi ka pa rin sumipot sa bahay!" she yelled at her.

She bit her tongue to avoid herself from talking back at her. Panay rin ang kurot niya sa likod ng palad niya just to distract herself. Halo-halong emosyon na naman ang nararamdaman niya habang nakikinig sa mga sinasabi nito. Marami pa itong sinabi sa kanya pero nanatiling tikom ang bibig niya.

"Wala ka bang ibang alam na gawin kundi bigyan kami ng problema? We didn't raised you to be like this, Sky. You're so hard-headed. You never fail to disappoint us! Ano bang nangyayari sayo huh?" dagdag pa nito.

Doon lamang nagawang tingnan ni Sky ang mom nila. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit parang sagad sa buto ang galit sa kanya ng mom at dad nila. Kung hindi naman ito galit sa kanya, bakit palagi nalang masama kung ituring siya ng mga ito?

"Am I r-really a disappointment t-to you, m-mom?" Her voice was cracked, nasasaktan na naman siya mentally and emotionally.

Nakita niya kung paano ito matigilan dahil sa tanong niya. Hindi agad ito nakapagsalita at walang emosyon na napatitig lamang sa kanya.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Hindi ko po kasi maintindihan eh. All this time, ginawa ko naman po ang lahat para maging proud kayo sa akin. I d-did everything para matuwa rin kayo sa akin at ipagmalaki rin ako kagaya ni Kuya Skyde at ate S-Skylla... Hindi pa ba sapat ang lahat ng iyon at kailangan ko pang paulit-ulit na maranasan ang lahat ng ito?"

"What are you talking about? Kung ayaw mo nang pinagsasabihan ka, then fixed yourself! Prove to us that you can excel in your class just like your ate Skylla and kuya Skyde" seryosong sabi nito sa kanya.

Napayuko si Sky. "Mas importante po ba iyon kaysa sa akin, mom? Kung sabagay, hindi naman kasi ako kasingtalino ni kuya Skyde at ate Skylla, eh. Tanggap ko naman po, mom. At kahit ayaw ko, wala rin naman akong ibang magagawa kundi ang tanggapin ang katotohanan na pang-last choice lang ako..."

Napailing nalang si Sky at malungkot na nginitian ang mom niya bago kunin ang plato niya para hugasan. Pagkatapos ay tumalikod na siya at tahimik na lumabas ng kusina. Tila nawalan na din siya ng gana na ipagpatuloy ang pagkain dahil sa mga sinabi nito sa kanya.

Am I really a disappointment? Am I really that bad? Yes, I'm a hard-headed but only because they always forced me to do the things I really don't want for myself.

May sarili rin naman siyang pag-iisip kaya may karapatan din siyang magdesisyon para sa sarili niya at gawin ang mga bagay na alam niyang makabubuti sa kanya. Wala naman sigurong masama kung iisipin niya mun ang sariling kapakanan.

She also doesn't have to prove anything to them. Bobo siya? Then deal with it, whether they like it or not.

Tahimik na nagtungo na lamang siya sa kwarto niya upang maligo at mag-ayos sa sarili. Dahan-dahan niyang ini-locked ang pinto at nanghihinang napasandal na lamang do'n. This is your reality, Sky, and you can't escape from it.

Hanggang sa hindi niya namalayan na dinala na lamang siya ng sariling mga paa sa harap ng salamin. And there she saw the person who always endure the pain and drowning in tears in every silent night.

As she slowly take off all her clothes in from of the mirror, she can't help but to smile bitterly at her own reflection. She looks like a living corpse. She looks so pale and thin. Hindi lang napapansin ng pamilya niya kasi palagi siyang nagsusuot ng mga malalaking damit.

That worst feeling na kahit buhay pa siya, kabaliktaran naman niyon ang pilit ipinaparanas ng mundo sa kanya.


A/N: I don't know pero naiiyak talaga ako while writing this chapter ༎ຶ⁠‿⁠༎ຶ. Anyway, have fun reading po!

   

Gazing The Stars (VAS #1) | Ongoing Where stories live. Discover now