TLMP #39- Last Chapter

Comenzar desde el principio
                                    

"Ayos lang ako. Tsaka niligtas ako ng kaharian sa mga Wagners" sabi niya at kumalas na sa yakap. Tumulo na rin yung mga luha ko sa mga mata.

"N-namiss ko po kayo" sabi ko. Ngumiti naman si Mama at pinunasan yung mga luha ko. Pati siya naiyak na rin.

"Miss na miss na din kita, anak. Buti naman at walang nangyari sayo" sabi niya.

"Marami na pong prumoprotekta sakin at nagmamahal. Nadagdagan na rin po ang mga minamahal at pinapahalagahan ko sa buhay. Nagkaroon po ako ng mga kaibigan at nahanap ko na po yung other half ko. Sayang nga po hindi niyo siya naabutan. Kakaalis niya lang po kahapon eh" sabi ko at tumawa ng mahina. Tumawa rin naman si Mama. Para tuloy kaming baliw dito, umiiyak na tumatawa.

"Pero anak, paano kung gamitin sila ng mga Wagners laban sayo?" Tanong ni Mama. Haay. Parang siya si Ms. Hart. Napabuntong hininga na lang ako at ngumiti ng pilit.

"Hindi ko po alam. Alam ko pong sila yung kahinaan ko. Pero sila rin po yung lakas ko. Hindi ko po sila kayang layuan at kalimutan na lang basta. Lalo na po ikaw at yung taong mahal ko" sabi ko. Ngumiti naman ulit si Mama at niyakap ulit ako at hinalikan sa buhok.

"Haay. Ang anak ko, dalaga na talaga" rinig kong sabi niya. Napatawa na lang ulit ako ng mahina. Nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko na nakangiti si Liam habang nakatingin samin.

"Nagustuhan mo ba yung surpresa ko sayo?" Tanong niya habang nakangiti. Tumango ako at ngumiti pabalik.

"Salamat" sabi ko. Ang swerte ko kay Liam. Kahit alam niyang hindi ko masuklian yung pagmamahal niya, nandito parin siya sa tabi ko.

"Tara na, kain muna tayo ng breakfast" sabi ni Mama. Tumango ako at umupo na. Ngumiti din naman ako sa Hari at nagpasalamat din.

***

Kasama ko parin ngayon si Mama. Naglilibot libot kami sa bayan kasama si Liam. May nakita kaming isang matanda na nagmamalimos. Naawa ako kaya bumili ako ng pagkain sa isang tindahan dito at lumapit sa matanda.

"Oh iha, nagbalik ka" sabi niya sakin at ngumiti. Ngumiti din ako pabalik. Ngayon ko lang napagtanto na siya yung matandang lalaki sa helping center.

"Para sa inyo po" sabi ko at iniabot ang binili kong pagkain. Ngumiti naman siya at nagpasalamat.

"Anak, banyo lang ako ah" sabi ni Mama.

"Uhh, cge po. Liam, samahan mo na si Mama" sabi ko dahil natatakot ako na baka kuhanin ulit siya ng mga Wagners.

"Eh paano ka?" Tanong niya sakin. Ngumiti naman ako.

"Ayos lang ako dito. Wag kang magalala" sabi ko. Mukhang nalilito pa siya nung una kung susundin niya ako o hindi pero wala na rin siyang nagawa at sumunod na kay Mama.

Tinitingnan ko na lang ulit yung matandang lalaki. Sa pagkakatanda ko, Bartolome ang pangalan niya at Lolo Bart ang tawag ko sa kanya. Haha.

Napatingin naman bigla ng diretso sa harapan ko. May isang nakatayo na lalaki sa di kalayuan. Nakatingin siya sakin. S-siya yung nakita ko sa Dream High, sa may garden. Y-Yung tumawag sakin ng Yana. Naglakad na siya palayo, pero bago siya tumalikod. Tiningnan niya ako na parang gusto niyang sundan ko siya at dahil sa lintik na curiousity ko, nagpaalam na ako kay Lolo Bart at sinundan yung lalaki. Nakapunta kami sa isang lugar na walang tao. Ngayon pa lang rin ako nakarating dito. Tumigil na yung lalaki at may nilabas na isang portal? Pagkalagay niya ng portal sa sahig ay tumingin siya sakin at ngumiti.

"Tara na, Yana" sabi niya. Napakunot ang noo ko.

"Sino ka ba talaga?" Tanong ko. Pero ngumiti lang siya ng tipid.

"Kung gusto mong malaman kung sino ako, pumasok ka sa portal" sabi niya at pumasok na sa portal. Uggh. Wala akong nagawa at pumasok na rin sa portal. Naguguluhan na kasi ako.
Pagkapasok ko sa portal, biglang nagiba ang paligid. Isang corridor na ang tanging ilaw lang ay mga apoy. Nakaramdam agad ako ng takot sa lugar na ito. Parang nababalot ito ng kakaibang mahika. Bigla namang may humawak sa dalawang kamay ko at nilagyan ng mga handcuffs? Dalawang tao sila na nakasuot ng cloak kaya hindi ko kita yung mga mukha nila. Hinawakan naman nila ako magkabilang balikat.

"W-what's happening?! Bitawan niyo ko!" Sigaw ko at pumapalag sa mga hawak nila sa braso ko pero masyado silang malakas.

Humarap naman sakin yung lalaki na sinundan ko kanina. Hindi naman literal na humarap, yung mukha niya lang kaya nakaside view siya ngayon sakin.

"Sorry" sabi niya at naglakad na. Naglakad na rin naman kami. Actually pwersahan akong pinalakad nung dalawang lalaki na nakahawak sa magkabilang braso ko.

Paglabas namin nang corridor na iyon, nakarating kami sa isang lugar na parang kulungan. Bawat kulungan ay may nakakulong. Yung iba ay parang matagal nang nakakulong dito. Nakahinga ako nang maluwag nang umakyat kami sa hagdan. Mukhang hindi nila ako ikukulong doon sa mabahong selda. Pagkaakyat namin, dito na may mga chandeliers sa taas at may red carpet din sa dinadaanan namin. Pero nakakatakot ang paligid. Tumigil kami sa isang pinto at pumasok kami doon. May nakita naman akong isang lalaki na nakatalikod at nakatayo habang nakatingin sa malaking bintana sa harap niya.

"Nagawa ko na" sabi nung lalaking sinundan ko. Unti unti namang humarap samin yung lalaki. Biglang nanlaki yung mga mata ko.

"I-Ikaw yung gumawa ng illusiyon samin ni Demon!" Sabi ko. Naalala niyo ba iyon? Tumawa naman yung lalaki. Yung pangdemonyong tawa.

"Ako nga" sabi niya.

"I-Ibig sabihin nasa Wagners ako?" Tanong ko.

"Yes, little girl" sabi niya. Sh*t! Hindi maari ito! Pumalag ulit ako sa pagkakahawak sakin nung dalawang lalaki pero wala paring kwenta dahil mas hinigpitan lang nila yung hawak nila sakin.

Hinawakan ko na lang yung kamay nung isang lalaki na hawak ako sa kanan at nagconcentrate para kontrolin yung ability niya pero walang lumalabas sa mga palad ko. Tumawa naman ulit yung lalaki na nasa harapan namin kaya humarap ako sa kanya.

"Hindi gagana ang kapangyarihan mo kapag nakasuot ka ng handcuffs. Tsaka wag ka nang magtangka na tumakas dahil hinding hindi ka makakatakas samin" sabi niya na ikinakuyom ng mga kamao ko.

"Sige na, dalhin niyo na siya sa kwarto. Tomorrow is the big day, the day we've been waiting for" sabi nung lalaki at nagsmirk. Lumakad na rin kami palayo nung mga may hawak sakin at yung lalaki na sinundan ko.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko dun sa lalaki na sinundan ko na ngayon ay nasa harapan ko. Bahagya naman siyang lumingon sakin habang naglalakad.

"Raven" simple niyang sagot at lumingon na ulit sa harapan. Natigilan ako.

"T-Topher Raven N-Nixon?" Tanong ko. Tumigil naman ulit kami sa isang pintuan. Bago niya buksan yung pinto ay nilingon niya muna ako at nginitian ng tipid.

"Im glad you still remember me" sabi niya at binuksan na ang pintuan.

W-what? So, that means. S-siya nga yung first love ko?! May magic powers din pala siya?! Pinasok na ako nung dalawang lalaki sa loob ng silid. Sinarado din naman agad ni R-Raven yung pinto pagkapasok sakin dito sa kwarto. Tinanggal niya na rin muna yung handcuffs ko kanina. Hindi ko maintindihan. Ibig sabihin, kaaway siya? Napabuntong hininga na lang ako at umupo sa kama. Isang normal na kwarto lang ito. Yun nga lang, nakakatakot. Nahuli na ako. Tsk. Ano kayang mangyayari bukas? Sana naman hindi matuloy yung balak nila.

The Lost Magic PrincessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora