TLMP #34- The King and Queen Lovestory

18.8K 586 24
                                    


Chapter 34- The King and Queen Lovestory

Nylla POV

Haay. Sabado na ngayon. Wala muna kaming training ni Liam. Nagaaral naman kasi ako ngayon at si Liam ang teacher ko. Grabe lang noh? Teacher ko siya pero same age lang kami. Siya na genious =_____=

"Oh? Bakit ka ngumingiti jan basta basta?" Tanong ni Liam habang umiinom ng mango shake. Actually, pareho kaming nainom ngayon ng mango shake.

"Wala. Natutuwa lang akong panoorin yung mga bata" sabi ko habang nakatingin dun sa mga batang naglalaro habang may kinakain silang mga cotton candy. Ang sarap nila panoorin, buti pa sila. Wala pa silang mga mabibigat na prinoproblema. Yung tipong agawan mo lang sila ng candy, iiyak na agad sila. Napakainosente pa kasi nila.

Tsaka nasa bayan pala kami ng kaharian. Dinala ako dito ni Liam pagkatapos namin magstudy lesson. Nandito kami ngayon sa isa niyang paboritong tindahan dito sa bayan. Medyo hindi nga ako komportable dahil lahat ng mga tao dito, tinitingnan ako at nginingitian. Ngumingiti naman ako pabalik. Pero ayoko nga kasi ng attensiyon.

"May pinagbago ka rin pala kahit papano" rinig kong sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Huh? Pinagsasabi mo?" Tanong ko.

"Pansin ko lang, mahilig ka na ngumiti lagi" sabi niya. Napairap na lang ako sa kanya.

"Tss. Masama ba ngumiti?" Sabi ko.

Pero deep inside, naiintindihan ko yung sinabi niya. Natuto ulit akong ngumiti palagi dahil sa demonyong yun at kanila Tricia at Shaina.

"Nylla, naranasan mo na ba magmahal?" Tanong niya na ikinatigil ko.

"B-bakit?" Tanong ko. Nagkibit balikat naman siya.

"Tanong lang" sabi niya.

"Ikaw ba?" Tanong ko. Nakatingin pa rin ako sa kanya at ganun din naman siya.

"Oh? Bakit di ka na nagsalita jan?" Tanong ko sabay iwas ng tingin. Parang may kakaiba kasi sa mga tingin niya.

"Oo" simpleng sagot niya.

"Sino?" Tanong ko.

"Secret" sabi niya.

"K" sabi ko at ipinagpatuloy ang paginom ng mango shake ko.

"Alam mo ba, ang ganda ganda niya kahit nakasimangot. Tapos ang saya ko kasi lagi ko na siyang nakikitang ngumingiti. Dati kasi, pumuti na ang uwak pero hindi pa rin siya nangiti. Kapag ngumingiti siya dati, pilit lang na ngiti o fake. Tapos makita ko lang siyang masaya, masaya na din ako. Kapag nalulungkot naman siya, nalulungkot din ako. Kapag umiiyak siya, gusto kong bugbugin yung nagpaiyak sa kanya. Gusto ko laging nasa tabi ko siya. Proprotektahan ko siya lagi, hinding hindi ko siya papabayaan" sabi niya habang nakangiti pagkatapos ng mahabang katahimikan. Natigilan ako sa mga sinabi niya. Bakit parang may kutob ako na kilala ko kung sinoman yung sinasabi niya? Psh.

"Uhh. Okay?" Sabi ko. Wala akong masabi eh -_____-

"Ikaw ba, Nylla? Naramdaman mo na ba yung mga nararamdaman ko?" Tanong niya. Napaisip ako, naranasan ko na nga ba?

"Hmm, I guess so" sabi ko. Bigla naman nagsilakihan yung mga singkit niyang mga mata.

"Eh?! Sino?!" Tanong niya.

"Secret" sabi ko.

"Sige na, sasabihin ko rin sayo yung ano. K-kung sino yung mahal ko" sabi niya.

"Ayoko" sabi ko parin at kumuha ng tissue at pinunasan ang bibig ko. Baka may amos ako eh -___-

"Ang daya mo naman! Osige na nga, describe mo na lang siya" sabi niya. Bakit nga ba ayokong sabihin sa kanya kung sino? Tsk.

The Lost Magic PrincessWhere stories live. Discover now