KBNT 3 -

4 1 0
                                    

Maaliwalas ang sikat ng araw na hindi gaano kainit. Tila ba ito yong mga panahong nasa gitna ng tag-init at taglamig sa Pinas noon. Malinaw ang pagkakaasul ng langit at dalisay ang ihip ng hangin na siyang nagpapalagaslas sa mga dahon ng nagtatayugang puno sa paligid. Malambot ang lupang kinatatayuan namin ni Jerry na mayroong mga maliliit na damo. Mapapansin din ang ilang mga marmol na nakalubog sa lupa na nagbibigay ng banayad na daan patungo sa isang may kalayuang quadrangle. Ito ang kabilang bahagi, ang loob ng Dimensional Gap. Malayo sa inaasahan kong pugad ng mga mala-fantasy na halimaw.

May karamihan na ang nakapasok at nakalabas sa awang bago kami pumasok ng kaibigan ko. Kasabay namin ang pito pang tao na nagbabaka-sakali sa kung ano mang oportunidad ang ibigay ng Dimensional Gap na ito. Ang ilan kasi sa mga lumabas ay nakatanggap ng sampung baryang tanso. Ang ilan naman ay nakatanggap ng pilak. At ang nakapagpahikayat sa lahat ay ang huling lumabas na nakatanggap ng isang baryang ginto. Sino ba namang tanga ang hindi papasok sa loob ng awang at lalabas na walang ibang mangyayari kundi ang bigyan ng mga barya at ilang sandata.

“Ang layo naman ng prize ko. Kanina pa tayo naglalakad, parang lalo silang lumalayo,” reklamo ni Jerry.

Tama ang kaibigan ko, ilang minuto na ang nakalipas at nakalayo na rin kami sa bukana ng awang pero tila lalong lumalayo ang quadrangle sa tanaw namin. Hindi namin alam ang sagot. Maging ang ilan sa mga kasabay namin ay naglalabas na rin ng kani-kanilang mga hinaing. Ngayon ko nalaman kung bakit ang tagal makabalik ng mga nagsisipasok sa awang.

“Kumalma ka at ituloy lang natin 'to.” Muli kong binasa ang bumungad na anunsiyo sa amin bago pa magsimulang magsipasukan ang mga tao sa awang.

[Ang biyaya ng Sampung Dakilang Dios ay matatagpuan sa loob ng awang. Ang lahat ay inaanyayahang makilahok at pumasok sa Awang ng Pagkamulat upang maisakatuparan ang adhika ng mga may kapangyarihan at maihanda ang sangkatauhan sa papalapit na delubyo.

Mayroon na lamang kayong nalalabing: 2 oras at 19 minutos upang makapasok sa awang.

Sa paglipas ng ibinagay na 3 oras, ang awang ay tuluyang magsasara at muling magbubukas sa loob ng 30 araw.]

May time limit. At ang ikinababahala ko sa lahat, nalalapit na delubyo? Bumilis nang bahagya ang tibok ng aking puso dahil sa kaba. Ano man ang gantimpalang ipagkaloob ng Sampung Dakilang Dios, paniguradong paghahanda lang ito sa mga nalalapit na pagsubok.

“May mga bilog na platform!” sigaw ng isang babae na nauuna sa amin sa paglalakad.

Malayo pa rin sa tanaw ko ang quadrangle kung saan mababanaag ang sampung estatwa na sa hinuha ko ay ang tinutukoy nilang Sampung Dakilang Dios. Ang ipinagtataka ko lang ay labing isa ang palapag ng gusaling nasaksihan namin noong magpakilala ang puting nilalang. Pero bakit sampu lang ang estatwa?

“Ah! Lumiwanag!” Naglabas ng isang liwanag ang kinatatayuan ng babae na tumuntong sa bilog na platform. Binalot siya nito na tila ba nag-anyong barikada. Pawang liwanag lang ang nakikita ng lahat habang hindi namin alam kung ano ang nangyayari sa loob. Matapos ang ilang sandali ay nawala ang liwanag at bumungad ang babae na may hawak na isang pana at ilang palaso, kasama ang isang pouch na paniguradong nalalaman ng mga barya.

“Isa na raw akong Lvl1 Archer? Ano yon?” Napakamot ang babae sa pagkalito subalit agad napalitan ng galak nang buksan niya ang pouch at makakita siya ng isang baryang pilak. “Aaaaakkk! Silver! May silver! Legit kaya ito?” sabay kagatin sa barya.

“Shit, Morik, it's my time to shine. Balakanajan kung saan mo gusto tumapak. I'm going there sa dulo para walang istorbo sa prize ko.” Dali-daling nagtungo si Jerry sa dulong platform ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan ng mga kasabay namin. Gano'n din ang iba na nagsimula nang umapak sa mga platform.

(UNTITLED) Where stories live. Discover now