Hindi nagtagal ay napansin kong familiar na ang dinadaanan namin. Malapit na ito sa bahay at ngayon ko lang na-realize na hindi ko pala nasabi kay Edon ang address ng bahay ni Aze kaya paanong alam niya rito?

"Paano mo nalamang dito ako nakatira?" Nagtatakang baling ko kay Edon.

Hinintay ko ang sagot niya pero bigla niyang hininto ang sasakyan sa gitna ng daan. Madilim sa parteng ito na hinintuan niya at puro puno sa paligid kaya laking gulat ko nang makitang may dalawang parang mga mata na umiilaw mula sa malayo. Sa muli kong pagkurap ay nasa tapat na ng sasakyan si Aze at mababakas ang matinding galit sa mga mukha nito. 

Agad akong lumabas ng sasakyan at nilapitan si Aze kahit grabe ang kaba ko.

"Where the hell have you been?" Nanggigigil na sambit niya nang balingan ako. Nakakatakot talaga siya kapag ganito ka-galit kaya hindi agad ako nakapagsalita.

Sabay kaming napatingin kay Edon na kalalabas lang din ng sasakyan at sa isang iglap ay hawak na ni Aze ang kuwelyo nito.

"Do you really wanna die early, Collins?" Mapagbantang wika ni Aze pero nakita kong ngumisi pa si Edon. Kung ako ay sobrang kabado na, siya naman ay parang wala lang sa kanya ang nangyayari.

"You should be thankful dahil hinatid ko pa siya rito. But next time you left her alone, I will surely take her away—" Napasigaw ako sa gulat nang bigla siyang suntukin ni Aze. Naka-upo na siya ngayon sa sahig kaya agad ko itong nilapitan.

"Edon, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko pagkatapos makita ang dumudugo nitong labi.

"I'm fine. Don't worry, maliit lang 'to," sagot naman niya at pinunasan ang sariling labi.

"Stay away from that asshole!" Sigaw ni Aze at hinila ako sa braso para mailayo kay Edon. Nagpumiglas naman ako mula sa hawak niya at inis siyang tiningnan.

"Aze, ano ka ba? Wala namang ginagawang masama sa 'yo si Edon pero bakit ka ganyan? Bakit mo siya sinuntok?" Mali kasi ang ginawa niya kahit pa galit na galit siya. Hindi siya dapat nananakit agad-agad.

Hindi siya umimik at seryoso lang akong tinitigan. Madiin ding naka-igting ang panga niya at lilinunin ko na sana si Edon pero hinawakan niya ulit ang braso ko. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay namalayan ko na lang na nasa tapat na kami ng pintuan ng bahay. Para kaming nag-teleport pero sobrang bilis lang talaga niya na halos hindi ko na nasundan.

Diretsong pumasok si Aze sa loob habang naiwan naman ako na nakatulala pa rin at iniisip si Edon na naiwan.

...

Nakakabingi ang katahimikan dito sa loob ng office ni Aze dahil simula pa kagabi hanggang ngayon ay hindi pa siya nagsasalita at hindi rin ako pinapansin. Takot tuloy akong gumalaw dito sa couch at makagawa ng ingay dahil baka bigla na naman siyang magalit.

Biglang bumukas ang pintuan at bumungad si Vanessa na may dalang paper bag. Sandali pa kaming nagkatinginan at inirapan ako bago niya ibalik ang atensyon kay Aze.

"Dobroe utro, lapochka! I bought you lunch." Masiglang bati ni Vanessa at diretsong naglakad patungo kay Aze.

Huh? Ano raw 'yong una niyang sinabi? Anong language 'yon?

"You don't need to do this, Van," seryosong sagot naman ni Aze. Sandali siyang napatingin sa 'kin pero mabilis ding nag-iwas ng tingin.

Kunot-noo ko silang pinagmasdan habang si Vanessa ay hinahaplos-haplos ang balikat ni Aze. Nakaramdam ako ng inis.

"Keep your hands off me." Dinig kong sabi ni Aze nang iiwas ko ang tingin sa kanila.

"Kasama mo pa rin pala 'tong secretary mo." Si Vanessa naman ang nagsalita at parang binigyang diin ang pagkakasabi sa secretary kaya lalong tumindi ang inis ko. 

Engaged with the Vampire QueenNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ