Anong nangyayari? Bakit magkalapit silang dalawa? At anong ginagawa ni Edon dito? Huwag niyong sabihing may relasyon silang dalawa at tinatago pala nila sa 'kin pero ngayon ay nahuli ko na?

Napatakip na lang ako sa bibig ko dahil sa aking naisip.

"Maxine." Tawag ni Aze.

Medyo nakakatakot ang pagka-seryoso niya kaya napalunok ako. Galit ba siya sa 'kin dahil naistorbo ko sila?

"S-Sorry. Naistorbo ko ba kayo? Aalis na lang ako ulit hehe b-bye." Tumalikod na 'ko para lumabas pero biglang may humawak sa braso ko at alam kong si Aze 'yon.

"I'm leaving." Sabi naman ni Edon kaya napatingin ako sa kanya.

Seryoso rin ang kanyang mukha habang nakatingin kay Aze at ramdam kong galit din ito.

Hindi sumagot si Aze at naglakad na rin si Edon palabas. Tumingin pa ito sandali sa 'kin at saka ngumiti. Nakahinga naman ako nang maluwag. Akala ko galit na rin siya sa 'kin e.

"What are you doing here?"

Ibinalik ko ang tingin kay Aze na naglalakad na pabalik ng kanyang table. Naglakad din ako patungo sa katapat nitong couch saka umupo.

"Wala naman. Naisip ko lang pumunta rito. Bakit pala nandito si Edon?" Sagot ko pero hindi na naman siya sumagot. "Umamin ka nga sa 'kin, Aze. May relasyon ba kayo ni Edon?"

Seryoso ko na rin siyang tiningnan kaya kitang-kita ko ang pagsalubong ng kanyang mga kilay.

"What the hell are you saying?"

Para na siyang sasabog sa galit kaya ako na ang unang nag-iwas ng tingin. Nakakatakot talaga siya ngayon pero hindi ko maintindihan kung bakit siya galit na galit.

"E ano 'yong naabutan ko? Bakit magkalapit kayo kanina?"

Bigla siyang pumikit nang madiin kasabay ng pag-igting ng kanyang panga. Alam kong sa mga oras na ito ay pinapakalma niya ang kanyang sarili pero kailangan kong lakasan ang loob ko.

"It's nothing, Maxine. Don't ever think that we're in a relationship because that's bullshit."

"O-Okay." Iyon na lang ang nasabi ko.

...

Pauwi na kami sa bahay at kanina pa rin tahimik dito sa loob ng sasakyan habang nasa byahe. Inaantok tuloy ako habang pinapanood ang sunset sa labas ng bintana.

"You'll have your bodyguards tomorrow but I will be the one to fetch you after class." Si Aze na biglang nagsalita habang seryosong nagda-drive.

"Huh? Bakit? Hindi na si lolo?" Nagtatakang tanong ko.

"I want to ensure your safety so I'll fetch you myself. And about that Collins, how long have you known him?"

Nagulat ako nang banggitin niya ang apelyido ni Edon pero hindi na ako nag-isip ng kung ano.

"Si Edon ba? Kakalipat niya lang sa school namin at doon ko lang naman din siya nakilala—"

Napakapit ako sa upuan nang bigla siyang nagpreno. Mabuti na lang talaga at hindi ko nakakalimutang mag-seatbelt kung hindi ay baka sumubsob na ang mukha ko sa harapan.

Sunod kong marinig ang mahina pero madiing mura ni Aze na ayaw ko na sabihin dahil bad 'yon.

"Anong nangyari, Aze?" Tanong ko sa kanya pero seryoso lang itong nakatingin sa harap.

Malinis naman ang kalsada at wala akong nakikitang tao sa harapan ng sasakyan. May nakikita ba si Aze na hindi ko nakikita? Hala!

"A-Aze, may multo ba?" Kinakabahang tanong ko.

Engaged with the Vampire QueenWhere stories live. Discover now