Nasasanay na rin siya ngayon na sumasama sa akin at hindi ko na rin siya pinipilit. Nakakatuwa ang character development niya pero iyong kasungitan ay mukhang hindi ko magagawang maalis sa kanya.

...

Pagpasok pa lang namin sa entrance ng mall ay heto na naman ang atensyon na natatanggap namin sa mga tao. Kay Aze lang pala dahil iba talaga ang charisma nitong kasama ko.

Kusa akong napahawak sa braso ni Aze pero nagulat ako nang kuhanin niya ang kamay ko at ngayon ay magka-holding hands na kami.

"Which restaurant again?" Tanong niya habang diretso lang ang tingin.

"Doon daw sa restaurant sa second floor. Sa may dulo sa left side pagka-akyat natin." Sagot ko.

"Why are you always nervous when I'm holding your hand? Do you want me holding you or you're not comfortable? Be honest."

"Huh? Ano kasi... g-gusto kong nakahawak sa 'yo lalo kung m-magkahawak tayo. Ano lang... uhm..." Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang nararamdaman ko dahil kahit ako ay hindi ko rin naman alam.

"Okay. That's all I need to hear." Sabi ni Aze kaya napa-angat ako ng tingin sa kanya. Nakita kong nakangiti na ito pero diretso pa rin ang tingin.

Nakita ko agad ang restaurant na sinasabi ni Coleen kaya itinuro ko kay Aze. Mabuti na lang at kaonti lang ang mga taong kumakain sa loob dahil naalala kong ayaw nga pala niya sa gano'n.

Excited kong hinila si Aze sa loob at nakita ko rin naman si Coleen na naka-upo sa bandang dulo. Kinawayan ko siya nang mapatingin ito sa direksyon namin at pinaningkitan naman ako nito ng mga mata.

"Good morning." Bati ni Aze nang makarating kami sa table.

Umupo ako sa tapat ni Coleen habang si Aze naman ay sa tabi ko.

"Morning," sagot naman ng pinsan ko saka kumuha ng menu na nakalapag sa table.

Hobby na ata nitong pinsan ko na magsungit pero lalo siyang nagiging masungit kapag kaharap si Aze. Mabuti na lang at hindi siya pinapatulan no'ng isa. Parehas pa namang silang masungit.

Hindi nagtagal ay tumawag na si Coleen ng waiter. Mukhang masarap 'yong chicken alfredo pasta nila kaya iyon ang in-order ko. Si Coleen naman ay nag-order ng seafood pasta and garlic breadsticks.

"Ikaw, Aze. Anong sa 'yo?" Tanong ko sa katabi ko na hindi pa rin nagsasalita. "Okay ka lang?"

"Uh yeah, of course. Give me a Lobster Thermidor. Avoid garlic if it's on the list of ingredients." Sabi niya sa waiter.

Oo nga pala at allergic siya sa bawang. Nakalimutan ko.

"Anything you want to add, ma'am?" Tanong ng waiter at nakangiti kaming tiningnan. Parehas kaming umiling ni Coleen.

"A bottle of non-alcoholic wine. That's all." Si Aze.

Tumango ang waiter at nagpaalam bago mabilis na umalis.

"Ayaw mo ng bawang?" Bigla namang tanong ni Coleen.

"I'm allergic to garlic." Sagot naman ni Aze.

Kita kong tumaas ang isang kilay ni Coleen at pumangalumbaba habang nakatitig sa katabi ko. "Talaga? May gano'n pala?"

"I am the living proof."

Ngumisi lang si Coleen at inalis na ang tingin kay Aze. Akala ko talaga ay magkakainitan din sila pero mabuti na lang at hindi.

Mahiral palang parehas na masungit ang mga kasama mo. Hay.

Habang wala pa ang mga pagkain namin ay nagpaalam muna ako na pupunta ng restroom para maghugas ng kamay. Tumango naman 'yong dalawa kaya tumayo na ako agad.

Engaged with the Vampire QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon