-

Sa maliit namang sala ay magkakaharap kaming tatlo. Magkatabi kami ni Atlas na nakaupo sa mahabang monoblock chair habang si Ava ay palakad lakad sa harapan namin at naglilitanya, hindi nga kami makasingit ni Atlas. Si Jeremiah naman ay nasa labas at nakikipag kwentuhan sa tatlo. Mainam na rin yung nasa labas sya para di nya marinig ang pag uusap namin.

"My ghad kuya! Alam kong may kalandian kang taglay sa katawan at mahilig ka sa babae. Alam kong bet na bet mo at weakness mo ang mga morena. Pero pati ba naman ang kaibigan kong may anak di mo rin pinalampas!"

Napayuko ako sa sinabi ni Ava. Handa akong tanggapin ang lahat ng salitang ibabato nya sa akin.

Bumaling sa akin si Ava. "I'm sorry Jolene ha, it's not that against ako sayo para sa kuya ko dahil may anak ka na. It's that, kuya ko yan eh! Babaero yan. Matinik yan sa babae. Baka biktimahin ka rin nyan magiging dalawa pa ang panganay mo."

"Shut up Ava."

"Shut up your face! Bakit? Totoo naman ah! Babaero ka. Isasama mo pa sa listahan tong kaibigan ko. Tapos papa na ang tawag sayo ni Jeremiah. Ang kapal ng mukha mo kuya. Gumawa ka ng sarili mong anak hindi yung nang aangkin ka ng anak ng may anak."

"I said shut up. Kapag hindi ka pa tumigil hindi na kita bibigyan ng pera." Mariin ng saway ni Atlas sa kapatid.

Napataas naman ako ng tingin sa dalawang magkapatid. Nag aalala ako na baka mag away ang dalawa dahil sa akin.

Tumahimik naman si Ava pero nakanguso pa rin at nakairap sa kuya nya. Umupo sya sa single monoblock chair.

Ako naman ay hindi pa rin makaimik.

"Ghadammit young woman. Sobrang daldal mo. Kung magsalita ka parang ang dumi dumi ko. Ipapaalala ko lang sayo kuya mo ko." May inis sa boses na sabi ni Atlas.

"Sorry naman! Gigil mo ko eh."

"Tss! Ako rin nanggigigil na sayo eh. Sarap mong ibalik sa sinapupunan ni mommy."

Lalong humaba ang nguso ni Ava. Pero maya maya lang ay naging seryoso na ang kanyang mukha.

"Ok don't change topic na dear brother. Sagutin nyo lang ang tanong ko. Kayo na bang dalawa? At kelan pa?"

Humugot ako ng malalim na hininga para mabawasan ang nerbyos. Ngunit nanginginig pa rin ang mga kamay ko sa kaba. Hinawakan ni Atlas ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya. Ngumiti sya sa akin at parang sinasabing sya na ang bahala.

Tumingin ako kay Ava. Nakatingin sya sa kamay namin ng kuya nya na magkahawak. Nahihiya ako sa kanya. 

"Ang totoo nyan matagal na kami ni Jolene. Five years na kami. Ako ang ama ni Jeremiah." Walang pasakalye at diretsahang sabi ni Atlas sa kapatid.

Umawang ang labi ni Ava. "What? Are you joking me kuya?"

"I'm not joking Ava."

Nagpalipat lipat ang tingin sa amin ni Ava. Bakas sa kanyang mukha ang pagkalito at hindi makapaniwala sa sinasabi ng kanyang kuya. Sa huli nagtagal ang kanyang tingin sa akin.

"Totoo Jolene? Totoo ba ang sinasabi ni kuya?"

Lumunok ako at marahang tumango.

"T-Totoo yun Ava. N-Nagkakilala kami ng kuya mo five years ago sa Zambales."

"Oh yeah, I remember nasa Zambales noon si kuya dahil hinahandle nya ang isang project ng kumpanya doon. Tapos? Paano kayo nagkakilala?"

Tumikhim ako para alisin ang nakabara sa lalamunan sabay hinga ng malalim.

DG Series #3: Never Gonna Let You GoWhere stories live. Discover now