Chapter 62: Interesting Night

Start from the beginning
                                    

Hinalikan nya ako sa noo.

"Salamat elainesarang."

***

"Thank you Ms. Janelle sa pagtulong nyo sa pagpunta sa supermarket."

"Wala po iyon. Nagenjoy naman po kami ni Xander. Tama po ba lahat yung nabili namin?"

"Oo iha, tamang tama itong lahat."

Napasimangot ako matapos kong ngumiti sa direksyon ni manang kasi alam kong kahit may mali kaming nabili ay hindi naman nya yun irereklamo.

"Saan ka pupunta Janelle Elaine?"

"Race track po. Gusto ko lang magpractice." sagot ko kay Mama.

"Gusto mong samahan kita?"

"Himala po ata at sasama ka sa practice ko?"

"Hindi na rin kasi tayo nakakapagbonding dahil sa tambak na paperworks sa company."

"Okay lang yun Ma, naiintindihan ko po naman na hindi biro ang trabaho nyo ni Dad."

Tumango siya at tinungo namin ang private extended garage.

"Use the unidentified cars."

"Sure ma, i never test drive one before."

She paused.

"Its just a normal custom car by your dad but it has a lot of new features to escape."

Binuksan ko ang likod nito at naduon ang isang box na puno ng mga items na makakapagtago ng identity ko tulad ng masks at plain wardrobe. Sumakay na kami at kaagad ko ng bilsan ang pagpapatakbo. Narating namin ang isang race course pero may mga tao sa loob nito.

"Ang dami namang tao."

Napasimangot ako matapos sabihin yun.

"Lumaban ka kaya?"

"Po?"

"Makipag-race ka habang nadito ako. Nakakapagfocus ka ba kapag may kasama?"

Napatulala ako sa inaasal ni Mama, hindi kasi ito komportable sa street racing life ko at palagi itong nagiging worried sa kaligtasan ko.

"Bakit? Ayaw mo ba?"

"Hindi Ma, nagugulat lang ako sa kilos nyo."

"Hay! Ano ka ba naman anak? Ayos lang naman sakin, lalo na kung sigurado ako na ang ginagamit mong sasakyan ay nacheck ng Dad mo o ni Cyrus. Papasok ba tayo?"

Natatawa ko syang niyakap.

"Kailangan lang nating suotin ito."

Tig isa kaming black nose mouth mask at grey oversized jacket na halos hanggang tuhod na saamin. Tinaas ni mama ang hood nya para hindi makita ang hairstyle nya habang tinaas ko naman ang sakin at isinuot sa black cap para maging boyish ang appearance ko.

"Mag contact lense ka Janelle."

Sabay bigay saakin ng white lenses na may small black dot sa gitna. Sinuot ko iyon at naglagay ng fake make up lines sa mukha ko na makakapagbigay ng kakaibang illusion sa totoo kong face orientation.

"You look hot Janelle." sabay kindat sakin ni Mama.

Natawa na lamang ako at nagpasya na ipumasok ang sasakyan sa race course. Napalingon silang lahat sa pagpasok ko. Ang iba ay kita kong nagbubulungan pa.

"Lalabas kana?" tanong ni Mama.

Tumango ako.

"Wag na po kayong lalabas, siguradong marami silang itatanong sakin."

Black Star (Street Racer Princess)Where stories live. Discover now