Miss Venzyl? biglang tawag ni sir Teofed kaya pansamantalang naputol ang aming hakahakang pag-uusap.

Yes, sir. Bakit po? sagot naman nitong katabi ko.

Lumapit pa rito sa kinaruruonan namin si sir. Miss Venzyl, can you please go to Mrs. Geraldez and bring these forms to her? sabay abot pa niya sa isang makapal na documento. Nasa kanyang office lang siya. Thank you!

Sige, sir. Youre welcome po, wika naman nitong kaibigan ko.

Hindi ko na siya sinamahan at nagpaiwan na lang ako rito sa classroom. Tinatamad kasi akong lumabas at talagang nakapanghihina talaga iyong exam eh. Samantalang itong si Trevor naman ay parang nasaulo pa nga iyong schedule ko. Text nang text siya eh at tinatanong kung okay lang ba ako, kamusta raw ang exam ko. Tuloy ay na-inspired akong mag-aral pa. Kung pwede nga mag-take ulit ng exam pero joke lang.

Andriana, para sa iyo raw. Sabay abot ni Jenrose ng isang bouquet ng red roses. Pinabibigay ng boyfriend mo, dugtong pa niya at isakto namang dumating si Venzyl.

Boyfriend? singit pa nitong kaibigan ko.

Oo, si Kervy. Sabi niya iaabot ko raw sa girlfriend niya. So binasa ko iyang nakadikit na papel at pangalan mo naman, Andriana, ang nakalagay. Tiningnan ko pa ang sulat at pangalan ko nga ang nakalagay. Ikaw ha, boyfriend mo na pala si Kervy? Ikaw na pala ang number one fan niya, panunukso pa ni Jenrose. Pero nagtinginan lang kami ni Venzyl saka pilit na lang napangiti. Sige maiwan ko na kayo. May tatapusin pa kasi ako, paalam pa niya sa amin.

Thank you, Jen! wika ko pa at kinindatan niya lang ako.

Hindi ko alam kung anong nakain ni Kervy at kung bakit niya nakuhang ipagkalat na boyfriend ko siya. Wala naman akong naalalang nag-usap kami tungkol sa ganoong bagay. Kahit nga panliligaw ay hindi ko pinayagan.

So, anong gagawin mo? tanong sa akin ni Venzyl at inagaw ang bouquet. Fresh pa nga. Halatang bagong bili, aniya saka ibinalik sa akin.

May klase pa ba tayo?

Tiningnan naman niya ang kanyang relos. Parang wala na naman. Five minutes na lang kasi tapos wala pa si Miss Montenegro.

Sige, message mo na lang ako kung uuwi ka na. Lilinawin ko lang itong bagay na ito, sabi ko saka inayos ang mga gamit sa bag.

Mauna ka na lang umuwi sa apartment. Bibisitahin pa kasi namin ni Zyrel ang ate niya, aniya kaya tumango na lang ako. Balitaan mo ako ha?

Sige, tugon ko saka iniwan siya.

Diretso kong tinahak ang daan papunta sa Gym dahil baka nandoon si Kervy. Habang naglalakad nga ako rito sa hallway ay napapansin ko ang mga estudyanteng tingin nang tingin sa akin. Siguro ay nakakalat na nga ang pekeng balita. Humanda lang talaga sa akin iyang Kervy na iyan.

Pagkarating ko rito sa Gym ay walang tao kaya diretso ko namang tinahak ang daan papunta sa classroom nila pero wala rin siya. Parang pinagtaguan nga yata ako. Ayoko nang ikutin lahat ng campus nang dahil lang sa kanya.

Hi, Andy. Are you looking for Kervy? biglang sulpot ng kasamahan ni Kervy sa team.

Yes, nasaan siya?

Hes on the parking lot. I guess hes waiting for you, aniya at napakunot naman ang noo ko.

Hindi na ako nagtanong pa at diretso ko na lang siyang iniwan. Medyo distansya pa ang parking lot kaya tinakbo ko na lang. At ito na naman sila, para akong artista kung titingnan nila pero hindi ko na lang pinansin at dumiretso na lang ako.

Kaunti na lang ang sasakyan at hindi ko rin alam kung ano ang kay Kervy rito. Lakad lang ako nang lakad sabay silip hanggang sa napaigtad na lang ako sa gulat nang biglang may prumino. Grabe para akong aatakihin sa puso.

Im sorry nagulat kita, wika pa nitong si Kervy habang isinara ang pinto ng kanyang kotse. Im glad na pinuntahan mo ko rito. Yayakap sana siya pero umatras ako.

Kervy, ano to? diretsong tanong ko sa kanya.

Flowers for you, babe. Nakangiti pa siya na para bang ang saya-saya niyang natanggap ko ito.

Bakit? Para saan ito? Bakit mo pinagkakalat na girlfriend mo ko?

Nakita ko naman kung paano nag-iba ang reaksyon niya. Kung kanina ay nakangiti siya, ngayon ay napalitan ng pagiging seryoso. Hindi ba?

Anong hindi ba? Hindi nga talaga. Kailan mo ba ako naging girlfriend?

Namemeke pa siya ng tawa. I invited you last day to watch our practice, remember? aniya at tumango naman ako. I said that day na kapag pumunta ka, it means you also have feelings for me and so you did.

What? Pumunta ako roon tapos sasabihin mo na, na girlfriend mo na ako? nakakunot ang noong sumbat ko.

Oo, kasi matik na iyon eh. I have feelings for you at ikaw rin—

No. Kervy, wala. Kung may nararamdaman ako para sa iyo, sana pinayagan kitang manligaw ka noon pa. Pumunta ako noong araw na iyon at iyong mga araw na inimbitahan mo ko kasi nirerespeto ko lang iyon. Yes, sana hindi na lang ako sumipot para hindi ka umasa pero, Kervy, noon pa lang sinabihan na kita. Kahit anong pilit ko ay wala pa rin. Hindi ko kayang diktahan ang puso ko, mahinahon na sabi ko pero bawat salita ay may diin.

"Hindi mo kaya kasi may iba kang gusto," sabi pa niya nang hindi man lang inalis ang mga tingin sa akin. Iyong tipong pati kaluluwa ko ay kinakausap niya. Okay, sige tatanggapin ko. Siguro tama nga sila. Kaya ko ngang ipanalo ang laro pero sa iyo hindi. Iyon lang at iniwan ako.

Walang lingon-lingong pumasok siya sa kanyang kotse at diretsong umalis. Iniwan ba naman ako ritong nakatayo lang mag-isa. Pero okay lang iyon, at least nalinaw ko na ang lahat. Mabigat nga lang sa loob pero ito naman talaga ang nararapat.

Hidden PagesOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz