"Si papa po kati eh. Dami po toys lagi binibili ta akin." At nasisisi pa nga ang ama.

"Huu, sinisi pa talaga ako. Parang ayaw mo ng maraming toys ah." Natatawang sabi ni Atlas na tumabi na ng upo sa akin sabay gulo sa buhok ng anak.

Tumawa na rin si Jeremiah sa sinabi ng ama nya.

May point naman kasi si Jeremiah. Hindi sya mahilig magpabili ng laruan. Magpapabili lang sya kapag may natipuhan. Pero ang ama lang nya ang bili ng bili. Talagang tinambakan sya ng laruan. May iba pa nga na mga nakabox pa at hindi pa nabubuksan.

Naiintindihan ko naman kung bakit yun ginagawa ni Atlas. Gusto nya talagang bumawi sa anak. Kaya kahit anong gusto nito ay binibili nya. Isang beses binilhin din nya ako ng mamahaling relo na nagkakahalaga ng kalahating milyon. Tinanggihan ko yun at binalik sa kanya. Di ko naman kailangan ng ganun kamahal na relo. Sinabihan ko na rin sya na wag na akong bilhan ng kung ano ano. Hindi naman yun ang paraan na gusto ko para makabawi sya sa amin ni Jeremiah. Maramdaman lang namin ang presensya nya at nakakasama namin sya ng anak nya ay sapat na.

Naramdaman ko ang kamay ni Atlas na humaplos sa pisngi ko. Tumingin ako sa kanya. Ngumiti sya sa akin.

"Tired?"

Ngumiti ako at tumango. Alam kong napagod din sya kahit hindi halata.

"Mag pa-deliver na lang tayo ng pagkain para hindi ka na magluto." Aniya.

"Sige." Tinatamad na rin naman akong maluto dahil pagod ako.

Kinuha nya ang cellphone na nakapatong sa estante at nag pipindot.

Hinubaran ko naman ng damit si Jeremiah at dinamitan ng bago. Mamaya ko na sya papaliguan dahil napagod din sya paglilinis ng mga laruan nya. Pumasok na rin ako ng kwarto para magpalit na rin ng damit. Mamaya na rin ako maliligo pagkatapos magpahinga.

Paglabas ko ng kwarto ay di ko nakita ang mag ama ko pero may narinig akong mga ingay sa labas. Mga malalaking boses ng mga lalaki at mga tahulan ng mga aso. Narinig ko rin ang boses ni Atlas.

Kunot noong tinungo ko ang pinto.

"Paano nyo nalaman ang lugar na to?" Dinig kong tanong ni Atlas.

"Eh di nagtanong tanong. Hindi kilala ang girlfriend mo sa lugar na ito. Pero mabuti na lang may natanungan kaming nakatira dito sa compound at kilala ang girlfriend mo."

Sumilip ako sa labas ng pinto. Napaawang ang labi ko ng makita ang limang matatangkad at malalaking mga lalaki. Hindi nalalayo ang mga hitsura nila kay Atlas. Malalakas ang dating at talagang mga guwapo sa tunay na kahulugan. Para silang mga taga ibang planeta. Ang mga kapitbahay nga ay pinagtitinginan na sila.

Tumingin sa akin ang isang lalaking madaldal na may ngisi sa labi. Ngumiti sya sa akin at lumapit.

"Hi! You must be Jolene, my friend's beloved girlfriend." Nilahad ng lalaki ang malaking kamay sa akin. Mukha naman syang mabait pero mukha ding pilyo.

Nag aalangan ako kung tatanggapin ko ba ang kamay nya. Nakatingin din sa akin ang iba pang mga lalaki. Lalo tuloy akong nailang at nanliit dahil sa mga tingin nila. Lumapit sa akin si Atlas at si Jeremiah na humawak pa sa kamay ko.

"Sugar." Untag sa akin ni Atlas.

"Sino sila Atlas?" Halos pabulong na tanong ko.

"Mga kaibigan ko sila." Inakbayan nya ako at binalingan ang mga kaibigan nyang pare-parehas ng mga nakangisi maliban lang sa isa na stoic ang mukha at mukhang masungit.

Isa isang pinakilala sa akin ni Atlas ang kanyang mga kaibigan. Ang lalaking unang bumati sa akin na madaldal ay Kester ang pangalan at mukhang close na sila ni Jeremiah dahil nag a-apir pa sila. Mukha naman silang mababait at isa isa nila akong kinamayan. Pero di lang ako sure doon sa nagngangalang Matias na walang kabuhay buhay ang mukha at tumatango lang sa akin.

Ang sumunod na nangyari ay naging maingay ang bahay namin. Dahil malalaking tao nga sila ay naging masikip ang loob ng bahay namin at mainit. Kaya pinalabas na lang ulit sila ni Atlas at doon na lang pinaupo sa mga nilabas nyang monoblock. Halatang mayayaman ang mga kaibigan ni Atlas at mga professional dahil sa mga kilos at pananalita nila. Pero hindi naman sila maarte. Pinagkakaguluhan nila si Jeremiah. Kung ano ano ang tinatanong nila dito. Bibo namang sumasagot ang anak ko kahit nahihiya.

"Anak mo nga to. Kamukhang kamukha mo nga eh. Mas pogi nga lang kesa sayo." Nakangising sabi ni Lorenzo kay Atlas at ginulo ang buhok ni Jeremiah.

"Yan din ang sabi ko pare nung una kong makita si Jeremiah." Segunda pa ni Kester na pinanggigilang pisil pisilin ang pisngi ni Jeremiah.

"Syempre maganda ang nanay eh." Pagmamalaki naman ni Atlas sabay tingin sa akin at kindat.

Naginit naman ang pisngi ko ng tumingin sa akin ang mga kaibigan nya.

"Well, hindi maitatanggi yan. I like Jolene's beauty. Morena." Hirit pa ni Kester at kinindatan din ako. Sinamaan naman sya ng tingin ni Atlas na ikinatawa ng mga kaibigan nila.

Lalo namang naginit ang mukha ko ng ulanin nila kami ni Atlas ng panunukso.

"How old are you Jolene? Parang ang bata mo pa?" Tanong ni Jeiz.

"Twenty four na ako." Tipid na sagot ko at kiming ngumiti.

"Twenty four? Tapos four years old pa lang itong anak nyo. Ibig sabihin nineteen or twenty ka nilandi nitong kaibigan namin?" Ani Luigi.

"Bibig mo pare may bata." Saway ni Atlas at tinakpan ang tenga ng anak.

Bahagya naman akong ngumiwi. "Nineteen ako noong maging kami ni Atlas."

Nagulat ako ng bigla nilang pagsusuntukin sa braso si Atlas. Pero mahina lang yun.

"Naknamputcha ka pare! Pati nineteen years old di mo pinalampas." Sambit ni Luigi.

"At hinawaan mo yang tatlo kaya ang babata ng mga napangasawa nila." Natatawang sabi ni Kester.

"Makatawa ka Kest baka mamaya mas bata pa sa mga asawa namin ang mapangasawa mo ha." Nakangising bira ni Jeiz kay Kester.

"Malabo yan. Hindi ako tutulad sa inyo."

"Wag kang magsalita ng tapos Kest. Panahon lang ang magsasabi kung sino at anong klaseng babae ang para sayo." Ani Lorenzo.

"Hindi talaga matutulad sa inyo si Kester dahil may iba ng nakukursunadahan yan." Biglang sabat ni Matias.

Nabaling sa kanya ang tingin ng mga kaibigan.

"Sino?" Tanong ni Luigi.

Ngumisi naman si Matias. "Kilala nyo na yun."

"Ahh." Halos sabay sabay na sambit ng magkakaibigan at nagngisihan.

Hindi naman ako makarelate dahil hindi ko naman kilala kung sino ang tinutukoy nila.

Umingos si Kester. "Hindi ko kursunada ang amzonang babaeng yun no."

"Ah di pala kursunada kaya panay ang punta mo sa karinderya nya." Nakangising hirit naman ni Atlas.

Kumamot sa ulo si Kester. "Teka bakit ba napunta sa akin ang usapan? Nagpunta tayo dito para kay Atlas di para sa akin." Protesta nya.

Nagtawanan naman ang magkakaibigan at inulan na nila ng panunukso si Kester.

Nag excuse naman ako ng makita sa labas ng gate ang delivery rider na may dalang pagkain namin. Kinuha ko ang pagkain na in-order ni Atlas at binayaran na ito. Inalok ko ng pagkain ang mga kaibigan ni Atlas. Pero tumanggi sila dahil kumain na raw sila sa restaurant ni Lorenzo. Pinakain ko na lang si Jeremiah. Si Atlas ay mamaya pa raw kakain pinauna na nya ako.

Nagtagal pa ang mga kaibigan ni Atlas ng mahigit dalawang oras. Nagkwentuhan lang sila at nag usisa kay Atlas tungkol sa aming magina. Matino naman yung sinasagot ni Atlas. Bokal nyang sinasabi na magsasama na kaming tatlo bilang pamilya at mahal nya kami ng anak nya. Napapangiti na lang ako habang inaasikaso ko si Jeremiah.

Pero may kaba sa dibdib ko ng banggitin ng mga kaibigan nya ang tungkol sa pagpapakilala sa amin ni Jeremiah sa mommy at kapatid nya. Ninenerbyos ako. Natatakot sa magiging reaksyon ng mommy nya lalo na ni Ava na naging malapit na kaibigan ko na rin.

Sana gaya ng mga kaibigan nya ay madali lang din kaming matanggap mag ina ng mommy at kapatid nya.

*****






DG Series #3: Never Gonna Let You GoHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin