Prologue

6 0 0
                                        

"Selene! lunch muna ako ha, maiwan muna kita diyan." sabi sa'kin ng ka trabaho ko. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Yup! thanks Sean!" after kong sabihin 'yon ay bumalik na ko sa trabaho ko.

I am currently working sa businesses ng parents ko, food business to be exact.

I need to earn my own money para makabili na 'ko ng sarili kong condo, and pumayag naman sila mama na mag work ako rito sa business nila, tho no special treatment, pero mas okay na 'yun, doon ko malalaman na napaghihirapan ko talaga ang perang nahahawakan ko.

4th year college, taking BS pharmacy sa PLMAR.

"Good morning, miss" biglang bumilis ang tibok ng puso ko,  familiar 'yung boses. No way.

I looked up, natulala.

nakalimutan ko ata paano mag salita.

he's here.

agad akong ngumiti at kumurap.

"Hello, good morning, sir" ngiting bati ko.

kinakabahan ako, bakit ganito.

I thought tapos na, I thought wala na.

"Hi, can I order one large mango shake and one blueberry cheesecake please?" sabi niya habang nakangiti at nakatingin sa'kin.

bakit parang wala lang sa kanya

"Absolutely, sir. Can I ask for your name? tatawagin nalang po kapag ready na ang order." I said while smiling back at him. Nag-iba bigla 'yung expression niya.

be professional, Selene.

"Oh, I thought you know my name..."

"Po?"

"Nevermind, Logan. Logan is my name" He smiled, but this time, it's a small smile.

ngumiti ako at pinindot na ang screen para lumabas na ang receipt niya.

"Alright, sir Logan, here's your receipt, just wait for your name to called po, have a nice day!" kinuha niya ang receipt na binigay ko.

"Thank you, Maurice" nawala ang ngiti ko at tumalikod nalang.

Ano ba 'tong nararamdaman ko?!

Maurice? HAHAHA

bwiset na Maurice.

hindi pa rin niya tinitigil ang pag tawag sa'kin ng maurice.

bakit ba siya nandito? nananahimik na 'ko, ang dami daming caffe para puntahan niya bakit dito pa.

okay lang 'yan Selene, ngayon lang 'yan, hindi na ulit 'yan pupunta rito.

"One mango shake, and one blueberry cheesecake nga, Faith" sabi ko sa gumagawa ng orders, cashier lang ako rito kaya iba ang trabaho ko sa trabaho nila Faith.

"Oh bakit parang galit?, gagawin ko naman be e, maldita na 'to" I rolled my eyes, natawa naman siya.

"Nandito siya" panimula ko, napatingin naman sa'kin si faith habang gumagawa ng mango shake.

"Who?"

"Lo...gan" dahan-dahan kong sabi.

"What?! saan be?" tanong niya sabay silip sa mga customers, hinila ko ang buhok niya para makabalik siya sa harapan ko.

"Stop, Faith, baka makahalatang pinag-uusapan natin"

"Gusto ko lang naman makita siya, te."

"Tapusin mo na 'yan, sa kanya 'yang order na 'yan" huminga ako ng malalim, sana mabilis siya matapos para mawala na siya sa paningin ko.

"Ito na be, tapos na dalii ibigay mo na para makita ko."

"Letche ka" kinuha ko ang order at pumunta sa may mic para sabihin ang pangalan niya.

"Mr. Logan?" tumayo siya pero busy siya ngayon sa phone, binaba niya naman ito at pumunta papalit kung nasaan ako.

"Thank you, miss" sabay kuha ng order niya, hindi manlang siya tumingin sa'kin at dumeretso papalabas ng caffe.

hindi ko alam ang mararamdaman ko.

kala ko ba ayaw mo na siyang makita bakit ganyan inaano mo diyan.

hindi ko alam! gusto.

gusto ko siyang makita.

"Te, siya ba 'yung Logan? in fairness pogi ah, rawr" tumingin naman ako kay Faith at tinaasan siya ng kilay.

rawr?

"Anong rawr, ipakagat kita sa lamok, balik ka na nga sa trabaho, letche na 'to"

"Sungit mo, iniwan mo naman".











Disclaimer:

This is work of fiction, ito ay kathang isip lamang at ginawa ng aking mapaglarong isipan, lahat ng mababasa niyong pangalan, lugar, at pangyayari ay pinag-isipan ko lamang. Ang mga lugar na masasabi ay totoo ngunit ang mga karakter at pangyayari dito ay kathang isip lamang.

Kung may mababasa kayong mga impossible scenes or ginagawa, as I've said, kathang isip lamang po ito.



No Strings Attached Where stories live. Discover now