Chapter 8

0 0 0
                                    

"Oh napatawag ka?" Pagkatapos kong gawin lahat ng mga gawain ko ay pinindot ko na kaagad ang green button na kanina ko pa nakikita sa cellphone ko.

(Wow ha! Parang walang nangyari, kurutin kita diyan. Nakakagigil ka!) Nalayo ko kaagad ang cellphone sa tainga ko. Makasigaw naman to parang hindi ko talaga maririnig.

"Busy nga ako kanina. Diba sinabi kong maglalaba ako?" Nilagay ko ang cellphone sa higaan ko at ini-loud speak iyon.

(Ayy oo nga, sorry naman.) Hinubad ko ang lahat ng saplot ko kasi basa ang mga iyon. Humablot ako ng pangtulog na damit sa closet.

"Ba't ka naman napatawag? Kanina ko pa iyan tinanong hindi mo naman sinagot." Pagkatapos kong magbihis ay umupo ako sa isang upuan doon sa kwarto ko. Nagsuklay ako at nilagyan ng lotion ang katawan ko.

Ginagawa ko iyon gabi-gabi dahil nakagawian ko na iyon. Tsaka masarap sa pakiramdam.

(A-ano kasi, susmeyo paano ko ba sasabihin.) Pabulong na ani niya na para bang hindi ko maririnig iyon.

"Ano nga?" Pumunta ako sa study table ko at tinignan kong may mga dapat pa bang gawin. Nasa kamay ko na ang cellphone ko. May inilalagay kasi ako na sticky note sa may pader para hindi ko makalimutan ang kailangan kong gawin.

"T-tumawag k-kasi si, si ano. Ah, put******. Si Greg tumawag."

"Ha? Si greg? Eh ano naman ku-- Sasampalin talaga kita kung makikipagbalikan ka sa kanya!" Napahampas ako sa lamesa.

(Gusto l-lang niyang makipagkita.) Susmeyo, sasabunutan ko talaga itong babaeng ito. Pagkatapos umiyak gustong lumandi ulit.

"Taena naman, Dia. Kung makikipagkita ka, huwag maging marupok. May ka mukbangan na nga, hindi ka ba nadadala?!!"

(Hindi naman ako makikipagbalikan. A-ano gusto ko na lang ding linawin ang lahat. Hindi kasi maayos ang hiwalayan namin.) Napahilamos ako sa sinabi niya. Talagang may pa ganoon pa, hindi ba valid na hiwalay na sila dahil sa nakita niya. Susmeyo, magpapakatanga pa.

"Bahala ka nga! Basta kung iiyak ka huwag kang lumapit sa akin. Sinabihan na kita." Pinindot ko na kaagad ang red button.

Taenang babae, ano siya hindi ma-distinguish ang kaibahan ng red sa green. Tinignan ko ang cellphone ko ng may nagpop na message.

Dia: Hindi ko naman iyon babalikan. Tatapusin ko lang talaga nang maayos. Samahan mo ako please. Gusto ko ring suntukin sa mukha. Napakalandi kasi, pwede bang mabaog kapag sinipa rin sa hinaharap? Please Fre, ito 'yung address. Samahan mo ako next week, friday night.

Fre: Oo na.

Humiga na ako at nagscroll sa Facebook. Nang biglang may nagpop na notification sa Snapchat.

Hala! Nakalimutan ko. In-unlock ko kaagad iyon at nakita ko kung sino ang nagchat.

Quelo: Uhmm, hi?

Quelo: I'm sorry, I need your suggestion and recommendation. It is my mother's birthday next week and I need to cook something. Can you please help me?

Quelo: Did I disturb you? I can wait for your reply. Probably, you are sleeping right now.

Putik! Ngayon ko lang nakita.

Unknown ManOnde histórias criam vida. Descubra agora