TRYPTOPHAN

12 1 0
                                        

"O! May for out pa dito!" sigaw ng kalinya namin sa production mag aalas sais na ng umaga at kailangan naming matapos lahat ng lote na ginagawa namin para sa output at dahil ako ang battleneck sakin nakasalalay ang output talaga namang nakakapagod ang trabahong to.

"Kuya! Pabuhat po ! Ako bubuhatin! chariz" sigaw ko sa aming MH na syang ikinatawa naman ng aking mga katrabaho nakakatuwa rin naman na napapasaya ko sila sa mga paminsan minsan kong biro kahit kita mo na sa mga mukha nila ang pagod at pagka irita sa dami ng gawa.

"Ikaw talagang bata ka nakuha mo pang magbiro gulong ka na dyan!" Natatawang sabi ng isa kong kalinya na tumutulong saakin mag vacuum sealer.

Vacuum dito buhat doon ang ginagawa namin at dahil nga sa kakulitan ko ay naipit pa ng vacuum sealer ang tatlong daliri ko ngunit dahil nagmamadali na ay hindi ko muna ininda kahit ang totoo ay gusto kong sumigaw at magtatatalon sa sakit.

Nang matapos na kami at naiout na ang lahat ng mga gawa ay saka ko lang hinawakan ang daliri kong nakatago pa sa nitrile gloves na naipit kanina at umupo sa malapit sa aking pwesto at dumadaing ng mahina.

"Oh anong nangyare sayo ne?" Natatawang tanong ni Jane sakin

"Sakit ate naipit daliri ko sa vacuum" sumbong ko na parang batang nakaupo sa lapag at hawak ang tatlong daliri na pumipintig pa sa sakit.

"Nako kasama yan sa paglaki ng output ubos natin lahat eh" sagot naman nito sakin ng nakangiti saakin

Nang dumating na ang oras ng alas sais at tumunog na ang comapany bell ay lumabas na kami at naghanda para sa pag uwi.

Habang nakapila pababa ay iniisip ko na kung anong pwedeng reward ko sa sarili ko dahil una hindi ako gumulong at naout namin lahat ng gawa namin at isa sa pinaka masayang araw bilang isang production operator ay REST DAY KO NAAA!!
Kaya naman napagpasyahan kong ayain ang boyfriend ko na dumaan sa isang convenient store para bumili ng chocolate isa sa pinaka paborito kong stress reliever at mood booster!

Ewan ko ba pag nakakakain ako ng tskolate lalo na kapag dark chocolate ay sobrang nasisiyahan talaga ko sabi nila ang dark chocolate daw ay may ingredient na nakakatulong para maimprove ang ating blood flow sa utak at ang pagkain ng pagkain na may cocoa ay nakakatulong para maimprove ang ating attention, verbal learning at memory. Nakakatulong din daw ang mga chocolates sa ating emotion nakakarelieve ito ng stress and anxiety. Meron din itong Tryptophan na isang mahalagang amino acid na nakakatulong magproduce ng serotonin sa ating katawan na nakakatulong naman para sa pag improve ng ating emosyon.

Pagdating sa convenient store ay dumiretso agad ako sa lagayan ng mga chocolate at dumampot ng tatlong Hersheys na Dark Chocolate syempre hindi ko naman to uubusin agad hahaha pwedeng pambaon din to iwas antok lalo pag night shift dumiretso na ko sa counter at nagbayad paglabas ko ng convenient store at nakangiti akong bumungad sa boyfriend ko habang papalapit sa kanyang motor.

"Tuwang tuwa ang bata mukha ka ng chocolate eh penge ako isa ah " tawa nito at hinalikan ako sa aking noo at saka sinuotan ng helmet para makauwi na kami at sinimulan ko ng lantakan ang Hersheys na binili namin.

Nakakatuwa din eh no? kasi may mga naimbentong ganitong pagkain na makakatanggal ng lungkot , stress at pagod natin na kahit sa murang halaga kahit maliit na bagay ay napakalaking tulong din sa ating emosyon imagine nakakapag dessert ka na umaayos pa yung pakiramdam mo.

"Lab bili tayo Hersheys na ice cream" hirit ko pa ng nagpapacute

"Ay! Saka na pag wala ka ng sipon hahaha " saway din naman nito sakin kaya hinayaan ko na hahaha nahihirapan narin akong huminga sa sipon eh.

"Thank you love para kang Tryptophan" nakangiting sambit ko sa kanya

"Anong Tryptophan?" Kuryoso naman nyang tanong sakin

"Tryptophan yung nagpoproduce ng serotonin sa katawan para makaramdam ng kakuntentuhan at kasiyahan! Kasi makita palang kita nakukuntento at sumasaya na ko yieee pakiss nga " sagot ko na ikinatawa naman nya.

"Ikaw talaga! " natatawang sabi nito kaya naman napuno ng tawanan ang buong byahe namin.

The end.

Tryptophan Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon