Chapter 2

3.8K 87 1
                                    


Nagising ako ng maaga, it's thursday. Naligo agad ako at nagbihis dahil magjojogging ako ngayon hehe. 3 times a week ako nagjojogging kasi bakasyon, pero pag pasukan once nalang. Tumingin ako sa salamin at tinali buhok ko. Pagkatapos ay tumakbo ako pababa ng hagdan at nakitang nagluluto palang ng almusal sina manang.

"Oh Ava, nagluluto palang kami bakit ang aga mong nagising iha?" Gulat na tanong ni manang fe. At tinignan ako taas baba. Naka fitted shirt, racer shorts at rubber shoes kasi ako.

"Magjojogging lang po manang, babalik din po ako agad. Iikutin kolang po ang subdivision." Nakangiti kong sagot. Malaki kasi itong subdivision namin. May park din at kung ano ano pa na pwedeng pagtambayan at pasyalan.

"Ah osige, mag iingat ka ha!"

"Opo! Asan po si Cholo?"

"Asa labas lang iha, mabuti pa't isama mona yang alaga mo nang may magbantay sayo."

Tumango ako. "Sige po! Mauna na ho ako."

Tumakbo ako palabas at nakita si cholo ko. Isa siyang malaking siberian husky na alaga kona mula nung 8 years old ako.

Nakahiga lang siya sa damuhan pero nung narinig nyako, dali dali siyang tumakbo at tinalunan ako.

"Hi Cholo! Tara jogging tayo." Sabi ko sabay himas sa ulo niya.

"Arf arf!"

"Hmm, uuwi din tayo agad para mag almusal ha!" Tumayo ako at binuksan gate sabay takbo.

Sumabay sa pagtakbo ko si Cholo at enjoy na enjoy siya pati narin ako. Hindi kona kailangan magdala ng tali kasi properly trained siya at masunurin. Nakakailang ikot narin kami kaya napagpasyahan kong magpahinga na muna.

Huminto kami sa park para magpahinga. Umupo ako sa bench at uminom ng tubig. Hinihimas kodin ulo ni cholo kasi hinihingal din siya hihi ang cute cute nya.

Marami ding nagjojogging ng ganitong oras. Mga taga subdivision din. Nakita kong may mga nagpapacute sakin habang tumatakbo sa harap ko. Meron ding makakapal ang mukha at kumikindat pa. Hindi naman sila pangit kasi mukhang mayayaman din sila pero wala talaga akong interes sa mga ganyan. May boyfriend ako no! Si Don Juan! Haha

May tumabi sakin, at uminom ng tubig.

"Grrrr..grrrrrr." Mukhang galit bantay ko haha.

Napatingin yung katabi kong lalaki kay cholo tapos sakin.

"Hi miss." Sabi niya sabay ngiti.

"H-hi." Mahina kong sabi at pilit ngumiti. Hindi naman ako suplada. Hindi lang ako sanay nakikipag usap sa mga lalaki.

"Hindi mobako kilala?" Nakangiti ulit niyang sabi.

"Uh, hindi eh.."

"Hindi moko kilala? Eh isa lang school natin! Haha"

"Hindi talaga eh." Simpleng sagot ko. Kumamot pa siya sa batok niya at ginulo ang buhok habang tumatawa. Sira ulo ba ito?

"Haha oh well, sabi nya sabay abot sa kamay nya. I'm Jeydon Callix Perez." Sabi nya habang nakangisi. Inabot ko naman kamay nya at nakipagkamay.

"Dito din ako nakatira sa subdivision nato. Madalas kita nakikita sa school. Ang ganda mo pala lalo na sa malapitan."
Tinignan ko yung kamay nya na hindi parin binibitiwan yung kamay ko.

"O-oh oopps, sorry." Sabi niya nang napansing tinititigan ko yung kamay namin kaya agad niyang binitawan. Namula siya habang yumuko.

"It's okay, thank you for the compliment ." Sabi ko. Nahiya ata.

Brothers ConflictTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon