Sinumang anak ay aminin natin na may mas higit na mas malapit sa atin loob na mas higit sa isa, Maaaring mas malapit sa loob ang iyong Ina, o ang iyong Ama.
Masasabi kong Father's favorite ako sempre bunso tsaka baby ng pamilya. Malayo kasi ang trabaho ng nanay ko kaya hindi ganun kalapit loob namin sa isat isa.
Sa sobrang lapit ko sa aking Ama, naalala ko nuon na kahit pagtunog palang ng sasakyan niya ay patakbo na agad ako na lumalapit sa kanya at humahabol, sempre hindi ako matitiis isasama ako lalo sa paborito kong bilihan ng special siopao na may kulay red na dot sa gitna haha bakit nga ba yun red hindi ba pwedeng pink? hahaha sabay na tawa ng tindero at tatay ko, sa tanung ko.
Sa palaging pagsama ko sa tatay ko naiisama ako sa lugar na kahit sa ayaw niya na maisama ako nuon bata pa ako, wala na syang magawa.
Isang araw naisama niya ako sa lugar na tinatawag nilang kapilya ayon sa naririnig ko.
Sa pagpasok ng kapilya ay hindi ko pa talaga yun naiintndhan, kaya wala na lang akong pakialam sa kapaligiran, Iba't ibang tao ang nakikita ko na nuon ko lamang nakita, may mga nakatirik ma maraming kandila, may altar na ibat ibang santo. May mga manggamot, narinig ko yung isa na nagsabing umaakyat pa Bundok Banahaw para dun kumuha ng mga pantapal na gamot at iniinum.
Sa lugar na iyon, maraming taong duon nanatili na nagpapagamot na hindi makaya sa ospital at walang pambayad. Isa sa hindi ko malilimutan ay yung nakarinig ako ng matanda ay boses naman bata, dun sa kabila naman ay babaeng boses na sya daw ang mahal na birhen, may taong maliliit na nasa pader, nalilito ako, at paglingon ko ay nakita ko ang isang matandang babae na nakatitig sa mga mata ko at gusto akong lapitan.. hindi ko maintindihan. Kaya, patakbo akong lumapit sa tatay ko at napansin siguro ng tatay ko na may takot sa muka ko kaya nilapitan nya ako na may yakap na habang may nagdadasal na nakaluhod sa paligid. Ang ingay ng paligid, ang daming umiiyak at sumisigaw na nahihirapan sila.
Isang babae din ang nagbigay sakin na pansin, nakagapus ang kanyang mga braso at ang ulo ay nakalaylay na nanghihina. Umiiyak ito at bumubilong na di ko na kaya.
Sa dami ng tao natagalan kami at huli sa pila, Inabot kami ng gabi hanggang kabilugan ng buwan. Nakita ko ang aking ama na papalapit sa babaeng manggamot na manghuhula din, yun ang paniwala ng mga kasama namin sa loob. Habang kalong ako ng aking ama ay nakatitig sa aking mata ang manghubula at biglang hablot pahila palapit sa kanya ang aking kamay.. Nagulat ako na may takot,. Sabay tanung sino ng batang ito? Anak ko po sagot ng tatay ko.
Ang matandang babae ang nag ngangalang aling Taseng, sya ang nangangalaga sa kapilya, Sya'y nanghuhula at nanggamot at may iba pang kakayahan na di pangkaraniwan sa normal na tao.
Nang napaupo na kami sa tapat niya ay pumikit ito at nag umpisya na pag bulong at sabay bagsak ng ulo nya sa pagkakatuon nito sa kanyang mga kamay sabay tingin samin at banggit na lalaking boses na malagong na parang nanggagaling sa ilalim ng lupa..
Sabay sabing.. Eman hindi mo yun makukuha!! , akin yuon, ako ang asawa!
Habang naguusap sila nang tatay ko at si aling Taseng ay biglang nagsalita nang.. Hindi! Hindi ako papayag! Na pagalit! Na boses ng isang familiar na boses ng lalaki, habang sa tagal ng pag uusap nila ay aking nakilala ng tuluyan ang boses. Yun pala ay boses ng tiyuhin kong namatay na tatlong taon na ang nakakalipas. Natakot ako at tumakbo palabas.. Pag labas ko ng pintuan, paglingon ko ay may humila sakin braso.. Isang lalaking pangit ang hitsura may hiwa sa sa kanan bahagi ng muka na duguan ang muka nilapit ang kanyang muka sa aking muka at bumuka ang bibig at sabay sabing.. Ikaw.. Ikaw...halika! Halika! Tumakbo ako at napatigil habang humihinga ng malalim na nakatungo.
Isang batang babae ang nakita ko sa paglingon ko at tinanong ito.. Habang siyay nakatalikod sakin
Bata? Bata?... Bakit nag iisa ka? Wala ka bang kasama?
Ngunit hindi niya ako sinasagot. Hanggang napatingin ako sa ibaba
Muling may kaba na aking naramdaman dahil nakita ko siyang nakalutang lang. Ilang segundo ay lumingon sakin ang batang babae na walang muka ang natatandaan ko lang maitim ang hitsura ng muka nito at matang nakasilip sa kanyang buhok na nakababa sa kanyang muka,
marahil edad nh batang ito ay nasa 13 taon gulang.
Muli akong patakbong pabalik sa kapilya, nang mga oras na iyon ay hinihintay na pala ako nang aking Ama. Tinanung nya ako kung san ako pumunta? Nag sawalang kibo na lamang ako na pawisan dahil sa pagtakbo, Sabi ng aking ama, tayo ng umuwi at ginabi na tayo wika nito.
Sabay kuha ng bisekletang aming sasakyan pauwi. Mga bente minutos na mula sa kapilya habang kamiy pauwi ay naririnig akong sumisitsit. Hindi ko ito pinansin, pero nang nakatatlo na lakas loob akong nagtanong na...
Tatay, naririnig mo po ba?
Sagot ng tatay ko? Alin?
May nasitsit po... Ang sagot ng tatay ko.
Wala naman ahh, wala akong naririnig.
(pero ang katotohanan nito ay may naririnig ang aking tatay)
Kaya binalewala ko na lamang.
Nakarating kami sa bahay nang muli kong narinig ang pagsitsit, sa pagkakataong ito ay nagkatinginan na kami ng tatay ko at sa pagkatok ng aming pinto ay sabay bukas ng pinto na tunog na nagpagulat samin nang...
Itutuloy sa susunod na kabanata...
YOU ARE READING
KISAPMATA
HorrorAng kwentong mababasa niyo ay hango sa tunay na karanasan nang may akda. Isang pangkaraniwan taong nagsikap, pinagsasabay ang pagtratrabaho para sa pangarap. Ibat ibang karanasan sa paaralan, trabaho at kapaligiran maging sa simbahan na kinabibilang...
