"Pasensya, pero talaga bang hindi ka nasaktan.. natulak kita". Nagaalala nyang sabi.

"Hindi ikaw ang naka tulak sakin. Ang kasuntukan mo". Sabi ko sabay baling sa loob at nagkataong naka tingin din sya sakin kaya nagtagpo ang aming mga mata..ilang sandali lamang ay iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil hindi ko kaya syang titigan ng matagal..hindi ko kaya at hindi ko rin alam kung bakit..

"Ah eh, pasensya na talaga wag kang mag alala hindi na mauulit. Sorry talaga".

Naka ilang sorry pa sya bago ako tuluyang maka alis. Sa katunayan nga ay hindi dapat sya ang humihingi ng dispensa dahil hindi naman sya ang nakatulak sakin kundi ang kaibigan ni Gidy...si Maxon.

Hindi ko alam kung bakit sila nag susuntukan at wala naman nag tatangkang umawat sa kanila kung hindi pala umabot sa puntong may naapektuhan na dahil sa away nila ay hindi parin sila hihinto.

Hanggang sa matapos ang last period sa araw na to ay laman parin ng isip ko ang nangyari kanina..maging ang mga mata nya.. Hindi mawala wala sa isip ko.

"Mayi ija tumawag pala ang mommy mo kanina. Pinapasabing sa makalawa daw sya uuwi". Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Yaya Minda.

"Yaya ano pa pong sabi nya? Wala po syang nabanggit kung saan po si Daddy?". Agara kong tanong. It has been a month since I last saw him..

"Ay eh wala ija sa totoo nga ay madaliaan lang ang pag uusap namin eh. Kahit nga si Kirby ay hindi nya nakumusta at..ikaw. Huwag mo sanang damdamin ang sinabi ko ija dahil alam ko namang naiintindihan mo ang sitwasyon nila ngayon ng Daddy mo. Ikaw kaya ang matalino at matured mag isip na inalagaan ko".

Gustohin ko mang ngumiti sa sinabi ni Yaya pero hindi ko magawa. Why..why it's so hard to understand them now?. Why can't I accept what's our situation is? Why can't I just?

Gusto kong makausap at komprontahin sila sa sitwasyon namin pero bakit..natatakot ako?. Siguro nga takot akong mangyari ang mga namumuong ideya sa isipan ko..takot na takot. Hindi ko ata kayang tanggapin kung mangyari man iyon.

Why do I always feel like I'm the one the only one who's making some efforts to them, to fix this?!. Why me..hindi ba kami sapat sa kanila para ayusin ito?..kase kung hindi kami sapat bakit pa pilit at patuloy nilang pinararamdam samin na wala lang kami?

Iniyak ko nalang ang sitwasyon namin hanggang sa maka tulog ako. Kaya kinabukasan ay mugto ang mata ko pasalamat ko nalang dahil hindi halata kase may pagka singkit ang mata ko.

Muntikan na akong ma late kaya hingal akong huminto sa isang bench. Mabuti nalang talaga ayaw ko pa naman na ma miss ang kahit na anong discussion dahil ang hirap humabol.Tulad nalang ng sitwasyon nila Mom and Dad, napaka delikadong masira ng kahit ano ang kanilang relasyon gaya ng babasaging baso once na nabitiwan mo hindi mo man sinadya ay mababasag at wala ng pag asa pang mabuo ulit gaya ng dati. It's fragile, and here I am the water in their glass filling them everytime someone else want to hold and intentionally let it slip.

Ang hirap gumawa ng paraan para sa kanila upang mag kaayos. Masyadong marupok ang relasyon nila once na may hindi pagkakaintindihan ang hirap nilang suyuin..

"Maxon!". Napalingon ako bigla kay Gidy na katabi ko na pala sa bench na inuupuan ko. Sa dami ba namang inisip ko kanina ay hindi ko na napansin pa si Gidy. At ngayon naman ay gulat kong nilingon ang paglapit ni Maxon..

"Gidylle what's up?". Hindi ko alam pero bakit cool ang pag kakasabi nya non sa pandinig ko?

"Oh Maxon si Mayi ay este Maia pala pinsan ko. Yung last time diba kasama ko sya?". Gusto ko sanang kurutin si Gidy sa tagiliran nya dahil sa muntikan na nya akong tawagin sa nickname ko.

"Ah hello". Kabado kong sabi sa hindi malamang dahilan. Nagulat ako ng mag lahad sya ng kamay..

"Maxon nice to meet you". Tatanggapin ko nasana ang kamay nya kaso may tumawag kay Gidy kaya naibaba nya ang kamay nya. Nagpaalam samin si Gidy kaya naiwan kaming dalawa ni Maxon.

"Sorry". Gulat kong nilingon ang direksyon nya ng sabihin nya yon. Alam ko ang dahilan kung bakit sya nag so sorry ngayon sakin pero hindi ko inakalang ngayon...

"Hah?". Tanging nasabi ko dahil gulat parin. Kase sya yung tipong akala mo masungit at napaka taas ng pride pero hindi pala..

"I won't say it twice. I know you heard that woman". A small smirked escape his lips after saying that.

"And also I know I'm not the reason why you cried, and if I was I don't know what I'll do". Sambit nya kaya literal na hindi ako maka galaw sa kinatatayuan ko. Hanggang sa maka alis na sya gulat parin ako..at napagtanto kong kanina ko pa pala pinipigilang huminga. 

He's one year ahead of me and Gidy. He's on 12th grade and a strand of HUMMS kaya pala close sila ni Gidy same strand sila..

"and if I was I don't know what I'll do" what he means by that?

"Hey Elyse ayos kalang? Medj lutang ka ngayong araw". Sabi ng classmate ko.
Yes. I admit that I'm not very attentively.. maybe because about mom and dad?..I don't know..

Natapos na ang last period namin sa araw nato na sya lang ang nakapansin na umiyak ako. Hindi ko alam kung paano nya napansin gayong mga pinsan ko nga ay hindi napansin..

Kalalabas ko palang sa gate ng school ng may isang taong inaabangan ang pag angat ko ng tingin, isang taong gustong gusto ko ng makita at mayakap..



"Dad..".

Meira_eimra

Maybe This TimeWhere stories live. Discover now