“Matagal na nung nangyari yun Kuya. Past is past.” aniya bago ko siya inirapan.

“Eh nung time na hinampas mo ng vase yung anak nung business partner ni Dad dahil inunahan ka niya kumuha ng cupcake?” biglaang singit ni Kuya Shawn dahilan para mainis ako.

“Nakakainis yung babae eh. Saka matagal na yun!” inis na saad ko. Akmang mag sasalita na si Kuya Stanley ng unahan ko siya

“Ano may sasabihin ka din?” taas kilay na tanong ko sa kaniya kaya agad naman itong natahimik.

“Basta be behave Serena. If you behave really well I'll transfer 50 Million in your black card.” nakangising saad ni Dad. 50 Million? Is he serious?

“What? That's unfair Dad! Matagal na akong behave kapag nasa important party tayo tapos ako walang 50 Million?” saad ni Kuya Stanley dahilan para matawa ako.

“I already give you you're 10 Million last month Stanley. And where did you spent it? On books for god sake!” saad ni Dad habang si Mom naman ay nag pipigil tumawa.

“How about me Dad? Where's my 50 Million?” tanong naman ni Kuya Simon.

“Binigyan na din kita ng 10 Million last month. At saan mo ginastos?” tanong ni Dad at agad ko itong sinagot.

“Sa mga bagong bag nung girlfriend niyang mukang hipon. You literally buy whatever your girlfriend pouts her lips for.” aniya bago ko siya inirapan. Like what the f*ck! Kadiri ang chaka nung girlfriend niya.

“Paano naman ak—” hindi na natapos ni Kuya Shawn ang sasabihin niya nang unahan na siya ni Dad.

“Binigyan na din kita ng pera last month. Ginastos mo lang naman sa mga babae mo. Akala mo siguro hindi ko alam na palagi kang nasa XEM Hotel dahil doon mo dinadala lahat ng babae mo.”  saad ni Dad. Ano nabuking ka ngayon 'no! Puro kase pambababae ang inaatupag ng Kuya kong ito.

“Yan mambabae pa more.” pang aasar ko kaya matalim niya akong tinitigan. Pikon naman pala siya eh.

“So ano nga pa lang sagot mo Serena?” muling tanong ni Dad. Nginisian ko sila bago ako tumingin kay Dad.

“Sure Dad. I promise that I'll behave like a mouse. Wala akong gagawing gulo at mananahimik lang ako.” aniya at agad namang ngumiti si Dad.

“Okay, I'll transfer the money to you tomorrow.” aniya at agad naman akong tumango.

“By the way Serena, I also want you to meet my business partners son. Artista ang lalaking iyon at gwapo siya kaya sigurado akong bagay kayo.” saad ni Dad dahilan para mapatahimik ako. Anong gagawin ko? Hindi naman pwedeng sabihin ko na ayaw ko dahil si Clevy ang gusto ko.

“Don't worry Serena. Ipapakilala lang kita, hindi kita pipilitin makipag relasyon sa lalaking iyon. Pero kung magiging interesado ka sa kaniya, why not?” pag papaliwanag niya bago ito uminom ng tubig.

“Mauna na ako. May importante pa akong meeting sa Malacañang ngayon. See you all later at 5:00 PM.” huling saad ni Dad bago siya umalis kasama ni Mom.

“Aalis na din ako. May date kami ng girlfriend ko ngayon.” ani naman ni Kuya Simon bago siya tumayo at umalis.

“I have to finish reading my new book. I'll get going.” aniya naman ni Kuya Stanley bago siya umalis. Tahimik na umalis si Kuya Shawn at hindi na ito nag salita.

Nang matapos akong kumain ay bumalik na din ako kaagad sa kwarto ko at naabutan kong humihilik si Clevy. Mukqng antok na antok pa talaga siya. Kaya agad kong nilock yung pinto at humiga sa tabi niya para mag pahinga ulit.

_

“Sigurado ka bang yan ang susuotin mo?” tanong ni Ckevy habang nakatingin ako sa sarili ko ngayon habang nakatingin sa salamin.

DELACROIXVERN SERIES #1 (Taming The Spoiled Heiress) Serena Vienn DelacroixvernWhere stories live. Discover now