Chapter 39

449 17 1
                                    

Adelaide's POV

"Namili ka ba Paulo? Saan mo nakuha ang ganitong karaming mga pagkain?" Takang tanong ni Daisy.

"Anong ginamit mong pera? Wala naman kaming iniwan sayo?" Si Bella naman.

"A-ah ano--"

"Paano ka nakasingit sa dami ng tao?" Tanong naman ni Jayson sabay tingin ng deretso sa katawan ni Paulo. Kung titingnan ay napakahina ng katawan nito at payat pa. Hindi sa minamaliit ko pero hindi nito kakayanin makipag agawan sa pamilihan.

"May dumaan ba dito kaya walang nangyaring agawan?"

"Hah? Hindi ko ala-"

"Kung hindi ay ano?"

"Oo nga? Saan mo nakuha ang mga ito?"

Dahil sa sunod-sunod na mga tanong namin ay hindi na makapagsalita si Paulo kaya naman ay pinatigil ko na sila. "Hayaan muna na natin siyang magsalita."

Kumalma naman sila at tumingin ng deretso kay Paulo pero mukhang mali yata ang ginawa namin dahil lalo lang siyang hindi makapagsalita dahil sa atensyong natatanggap niya ngayon.

Gusto kong tumawa sa sitwasyon niya pero pinigilan ko. Nakakaawa naman kasi.

"Sige na Paulo, sabihin mo kung saan mo nakuha ang mga pagkain na ito. 'Wag ka kabahan. Kalma lang." Mahinahong sabi ko at mukhang nakumbinsi ko naman. Huminga siya ng malalim at saka nagsalita.

"Akala ko ay kayo ang nagpadala nito sa karwahe." takang sabi niya. Nagtinginan naman kami dahil dito. "Anong ibig mong sabihin?"

"May mga lalakeng nagdala ng mga ito sa karwahe. Tinanggap ko naman dahil akala ko ay kayo ang namili nito." seryosong sabi niya. Napakunot na ako ng noo. Mga lalake? Sino-sino?

"Wala kaming inutusan na mga lalakeng magdala nito dito. Ang totoo pa nga ay inagaw sa amin ang mga nabili ni Sir Jayson kaya walang natira." Sabi ni Bella at tumango ako.

"Hindi mo naman yata to kagagawan Jayson, diba?" Baling ko kay Jayson na ngayon ay hindi makapagsalita sa nalaman. Umiling siya at pagkatapos ay tiningnan ang mga pagkain.

Ginaya din namin siya at nabigla ako nang makitang nakahalo dito ang pinamili ni Jayson kanina. "Hindi ba't ito ang.."

"Paano napunta 'to dito?"

"Bakit ano meron? Sainyo ba yan?" takang tanong ni Paulo. Tumango kami. Kahit na isang sulyap lang ang binigay ko sa mga pinamili ni Jayson kanina ay alam kong ito ang mga yon. Bakit nandito na ito? Parang ilang minuto lang ang nakalipas pero napunta na dito kaagad.

"Yung totoo Paulo, sino ang nagdala ng mga 'to dito?" Seryosong tanong ni Jayson sa kanya. Napatayo naman ng maayos si Paulo at biglang namutla ang mukha niya.

Pasensya na Paulo, alam kong kinakabahan ka pero mahalagang malaman namin kung sino ang mga nagpadala nito. Nakakapagtaka lang kasi. Hindi namin alam kung ano ang motibo ng taong nagbigay nito. Baka ay may lason pa ang mga 'to.

"H-hindi ko po kilala Sir, isa-isa po nilang dinala dito nang walang sinasabi. Hinayahan ko nalang kasi baka maabala ko pa sila. Akala ko talaga ay galing na sa inyo. Kung alam ko lang na hindi ay.."

"Ayos lang Paulo. 'Wag ka matakot. Gusto lang namin malaman kung sino at wala ka nga talagang ideya" putol ko sa kanya nang mapansin na parang maiiyak na ito.

"Ang mabuti pa ay umuwi na tayo. Sa mansion nalang natin pag-usapan ang nangyari."

"Sige. Mas mabuti nga 'yon."

Kumilos na kaming lahat para umuwi. Tahimik lang kami sa byahe hanggang sa dumating. Agad naming pinakita sa eksperto ang mga pagkain at negatibo naman ang resulta nito. Walang lason at presko pa ang lahat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Steel Heart PrincessWhere stories live. Discover now