2

19 6 3
                                    

Para sa sarili ko,

I feel so desperate.

Ang liwanag na kasi ng paligid. Mataas na ang araw, maingay na ang paligid, pero wala. 'Yong katahimikan sa utak ko, iyon ang namamayagpag. Hindi na nga ako sigurado kung maganda pa bang senyales 'yon. O dapat na akong kabahan. Feeling ko, ang dilim-dilim pa rin, e.

I am writing this in my corona spring notebook, by the way. Pinipilit kong maging main character habang nandito ngayon mag-isa sa rooftop.

Sabi nila, bawal dito.

Pero ako na 'to.

Ipilit natin.

Mas mahirap kasi kapag ramdam na ramdam mong hindi ka naman belong sa classroom ninyo tapos ipipilit mo pa, mas nakakahiya 'yon.

Hindi rin naman nila ako mahahanap. Or kung hanapin nila, either magtatanong lang. Pagtapos no'n, wala na.

Ulam ko pala, fried chicken. Kinabahan nga 'ko kanina, muntik na kasing mag-stranded ng buto sa lalamunan ko.

Main character na walang style ang peg ko.

Walang tubig. Walang juice. Walang kahit anong inumin.

Pero nang tuluyan kong malunok ang buto ng fried chicken na hindi naman brand ng jollibee, isa lang napagtanto ko—ako pa rin mag-isa.

Walang kahit sinong nakasagip sakin.

Kundi ako lang.

Bumalik ako ng classroom na mas naramdaman kong ayos na rin palang ako lang.

Thoughts ni Disney PrincessWhere stories live. Discover now