Chapter 3: The Family (Pt. 1)

6 0 0
                                    

"Beshy!!" muntik na'kong matumba ng bigla akong sinunggaban ng yakap ni Shy. Ang higpit pa ng yakap nito. 

"Talagang magtatampo na'ko sayo. Hindi mo man lang ako tinawagan o tinext man lang." ngumuso pa ito.

"Sorry Shy, I forgot." umirap naman siya. Ang bilis magbago ng mood.

"I missed you beshy!"

"Three days? Miss mo na ko agad?" I chuckled. Ngumuso naman siya.

"Ah good afternoon Sir." bati ko ng mapansin sa likod si Mr. Corpuz. Bahagya itong nakangiti.

"Pasensya na kayo, hindi ako nakasunod. Talagang busy ako sa mga meetings ko." aniya.

"It's okay sir. Wala namang naging problema." ani Kelly na kinatango ni sir.

"O'siya ipapahatid ko lang kayo sa driver ko, magpahinga na kayo."

"Thank you sir."

Pinahatid kami ni Sir Corpuz sa driver niya, nakasunod naman si Shy sa'min dahil sa apartment ko daw siya matutulog.

"Goodnight Kelly. Ingat!" kumaway ako sa kanya bago bumaba.

"Goodnight Eya." she smiled. Kumaway ito bago umandar ulit ang sasakyan at umalis. Napatingin ako sa kaibigan ko.

"Oh talagang dito ka matutulog?" tanong ko sa kasama ko habang papasok ng apartment.

"Yes naman!"

"Taas ng energy ah. Bakit? Anong meron ha? Crinushback ka na ba ng taga Amaryllis High?" nakita ko naman siyang namula. Mukha nga!

'Asuss'

"Tell me! Anong ganap sayo habang wala ako ha!" I teased her. Pulang-pula naman ang mukha ng babaeng 'to!

"Gosh girl!!" sa sobrang kilig niya ay napatalon pa siya sa kama ko. OA naman nito!

"Save that! Magbibihis muna ko."

Iniwan ko siyang parang ewan na nakahiga sa kama ko. Nag-shower lang ako at nagbihis na ng pantulog.

"Hindi ka ba magbibihis?" tanong ko rito. Nakahiga pa rin ito at parang tangang nakatingin sa kisame habang nakangiti pa.

"Mamaya na! Tara sa kitchen ipagluluto kita!" hinatak niya ko papuntang kitchen. Tamang tama hindi pa'ko kumakain.

"Dali na! Kwento ka na," ani ko habang nakadukmo ang siko sa countertop ng kitchen. Nakatalikod naman siya dahil nagluluto.

"So ayun na nga, may nag sleep over sa bahay, mga kaibigan nina Kuya Shan at Kuya Xian." panimula niya.

"Oh tapos?"

"Gosh girl! Kaibigan pala nila kuya si Oliver!"

"Oh tapos? Anyare?"

"Kinausap niya ko!" tumili na ito ng tumili.

"Kilig na kilig? Halatang first time? 'wag mo namang ipahalata." inirapan niya ako.

"Ang gwapo niya sa personal!" hinampas niya pa ako. Grabe to!

"Okay gwapo na. Yung niluluto mo, baka masunog, 'kala mo naman kung ano ng ulam, hotdog lang naman."

"Eh sa 'yan lang ang alam ko e,"

"Halika na, tama na 'yang kakangiti mo at pagpapantasya dyan sa Oliver na yan. Hindi mo 'yan makakain." ani ko at kumuha ng plato.

"Duh girl, soon!" pambihirang babaeng to oh! Napailing-iling na lang ako sa katangahan niya.

Kumain na kami ng dinner at kaagad namang natulog. Hindi na rin nag-ingay pa si Shy, dahil alam niyang pagod ako.

"Good morning sunshine!" naalimpungatan ako sa sigaw nitong katabi ko.

Taste of Love (Alviero Series #1)Where stories live. Discover now