"Sir." Pagtutuwid ko rito.

Kahit gusto kong tawagin niya akong madam ay hindi pwde. Ayokong pagbintangan nila ako bilang bakla.

"Sorry po sir." Nakayuko nitong hayag.

"Give me dozen of the most expensive underwear of your shop, isama mo narin ang mga damit nayon. " turo ko sa mga damit na nakahelera.

Mukhang hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko dahil hindi parin nito ginagawa ang ipinaguutos ko.

"What are you waiting for stupid. Galaw."

"Opo!"

Tinawag nito ang iba niyang kasamahan at isa isang inalis sa hanger ang mga damit na itinuro ko.

Tumungo ako sa fitting room at isinuot ang panlalakeng damit na nabili ko.

"Not bad."

Hindi na rin pala masama ang katawan ng lalakeng to dahil gwapo naman pala siya kung titignan.

Lumapit ako sa salamin at pinagmasdang mabuti ang balat sa braso ko.

It's my birthmark!  Bakit ba hindi ko naisip na ipakita ito kay manang kanina.

Lumabas ako ng fitting room at binayaran ang mga damit na ipinamili ko bago tuluyang tumungo sa bahay.

That's it! Para maniwala sakin si manang na ako si Iziah ay kailangan ko lang ipakita sakanya ang birthmark ko.

Nakaparada ang sasakyan ko sa may dikalayuan. Andito nako ngayon sa bahay namin. Mataas na pader at matatayog na puno na nasa may tabing kalsada.

Bababa na sana ako ng kotse ng may biglang itim na kotseng pumarada sa harapan ng bahay namin kaya minabuti ko nalang munang manatili sa loob.

Bumama ang tatlong lalakeng nakasuot ng purong itim na damit. Ngunit ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang baril na hawak nila.

Napayuko ako ng mapinsin kong nakatingin sa kinaroroonan ko ang isa sakanila.

F*ck.

Napahawak ako sa puso ko sa bilis ng pintig nito. Narinig ko ang boses ni manang kaya bahagya akong napasilip.

Inakay nila si manang sa kotse at pinaandar ito palayo.

Nanginginig ang mga kamay ko habang nag-iisip kung sino ang mga lalakeng yon.

Mga armado silang tao at kinuha nila si manang.

Sh-t!  My inhaler.

Mabilis kong hinanap ang inhaler ko sa bag at paulit ulit na huminga ng malalim habang nasa bibig ko ang inhaler ko.

Who are they? Bakit nila kinuha si manang? Anong kailangan nila?

Bumalik ang takot sa dibdib ko ng bumalik ang sasakyang kumuha kay manang at walang ano-ano'y pumasok sa loob ng bahay namin.

Dalawa sakanila ang pumasok at ang isa ay naiwan sa sasakyan.

Lakas loob akong lumabas ng kotse at pasimpleng tumungo sa likuran ng sasakyan.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko si manang na walang malay sa loob.

Nakarinig ako ng putok ng baril sa loob kaya napacover ako sa sarili ko na parang isang takot na bata.

Bumabalik nanaman ang kaba sa puso ko. Unti-unti ko naring hinahabol muli ang paghinga ko.

Iziah lakasan mo ang loob mo.
Wag kang magpadala sa takot.
Kailangan mong maging matatag sa ganitong sitwasyon.

Pasimple akong tumungo sa may driver seat at lakas loob na binulyawan ang lalake sa loob.

"Hoy!" Binuksan nito ang pintuan dahilan para itulak ko itong muli. Tumama ang mukha nito sa pinto at nawalan ng malay.

POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANOHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin