“Huwag mo ngang madaliin si Evia, Rere? Kung gusto mong pumasok na, pumasok ka na. No one told you to stay here and wait for her,” nakakunot-noong saad ni Paul sa kaniya, naiinis na.

Napairap na lamang siya. “Tsk. Whatever,” sagot niya ngunit hindi siya umalis sa kaniyang kinatatayuan. Naghalukipkip nga lang at masamang nakatingin sa akin.

“Paumanhin sa aking pagkatulala ngunit hindi ko lamang namalayan na bumukas na pala ang tarangkahan. May iniisip lamang ako. At saka pwede niyo naman akong iwan rito dahil hindi niyo naman ako kasama sa inyong paglalakbay. Nakikisabay lamang naman ako papunta rito. Siguro ay ako na lamang mag-isang maglilibot sa loob,” paghingi ko ng paumahin saka ngumiti ng kaunti.

Sa totoo lang, akala ko talaga’y mabait itong si Rere at mahinhin. Nagkakamali pala ako ng akala. Siya siguro iyong sinasabi ng mga tao na don’t judge the book by its cover, dahil sa pinapakita niya ngayon, talaganh totoo nga ang sinasabi nila. Hindi ko dapat agad siya hinuhusgahan, dapat ay kilalanin ko muna. At para na rin sa aking kaligtasan kung sakali.

Pero malay ko bang makakasalamuha nga ako ng ibang tao at bampira dahil sa aking isipa’y imposibleng makakasalamuha ako ng gaya nila. Nagkakamali pala muli ako. Ngunit hindi ko naman akalain na may ganitong ugali ang iilan sa kanila. Parang pinapakita niya akin na ayaw niya sa aking presensya o sabihin na lamang natin na ayaw niya talaga sa akin.

“Evia–” naputol ang sasabihin ni Paul nang munahan siya nito.

“Mabuti naman kung gano’n. Good thing you know how to think. Akala ko kasi hindi. Let’s go, Paul.” Inirapan niya ako na ikinakurap ko ng ilang ulit. Aba’t. Sino siya para sabihan akong walang isip?

“Rere!” sigaw ni Paul sa kaniya.

“Rere, sabihin mo lamang kung ayaw mo sa akin para naman malaman ko. Para kasing ayaw mo akong makasama,” mahinahong kompronta ko sa kaniya kahit nakaramdam na ako ng inis na kailan man ay hindi ko pa naramdaman. Ito ang kauna-unahang nakaramdam ako nito ngunit alam kong inis ito.

Tumaas ang kilay niya. “I don’t like you, why? May gagawin ka?” panghahamon niya.

Ngumiti ako ng matamis sa kaniya kahit pilit iyon. “Mabuti namang inamin mo. Kaso wala akong paki sa nararamdaman mo kaya pasensyahan na lamang tayo. Ang iyong nararamdaman ay walang silbi sa akin.” Nakita ko kung paano nagbaga ang kaniyang mata.

“You!” akmang susugurin niya ako nang pinigilan siya ni Paul.

“Tama na, Rere! Wala siyang ginawang masama sa’yo kaya bakit nagkakaganiyan ka? You should control your attitude towards people!” bulyaw sa kaniya ni Paul, kanina pa naiinis. Natahimik siya ngunit masama pa rin ang tingin sa akin. Tinaasan ko lamang siya ng tingin. “Evia.” Napatingin ako kay Paul nang tawagin niya ako.

“Bakit?” tanong ko.

“Sumama ka sa’min. Alam kong bago ka palang sa lugar na ‘to at baka mawala ka pa. Mahirap na, malaki pa naman ang bayan na ‘to. You might get into trouble,” anyaya niya.

Nagtataka ko siyang tiningnan. “Huh? Hindi ba ay hindi delikado ang bayan na ito? Isa ito sa pinakatahimik,” tanong ko.

“Alam ko, but we can’t take risk. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari mamaya. Sa rami ng tao, baka magkakagulo. May taga labas pang nandito. Some might be planning something,” sagot niya na ikinatango ko.

Tama siya. Kahit naman ito ang pinakatahimik, hindi pa rin maiiwasang may magsisimula ng gulo. At tama rin siya, kailangan ko nang makakasama dahil baka may makakaalam na hybrid ako. Baka huhulihin ako. At saka kailangan ko ng makakasama pauwi.

V. Academy (Completed)Where stories live. Discover now