FIRST DAY OF JHS hinatid ako ng kuya ko sa PHS Pagkapasok namin sa gate ay nakapila lahat ng students at guardians sa labas para sa pag disinfect ng mga pumapasok sa school pero pang documentation lang naman ng school to kaya panigurado bukas lang ay siksikan na dito sa gate
"First day of school ng baby rhi namin" pang aasar ng kuya ko kumunot naman ang noo ko at tinignan ko siya ng masama
"baliw grade 9 na ko 'wag mo nga akong i-baby" inirapan ko sya dahil pinag tatawanan nya 'ko
Pag akyat namin ng second floor ay andaming nag hihintay sa hallway halos mga ka block ko din sila afternoon shift kasi kami kaya nag hihintay pang matapos ang AM shift. napa aga yata kami
"Jusko ang init naman" reklamo ko
"ganon talaga ang hot ko kase" pilosopong sagot ng kuya ko.
nag lakad lakad muna ako sa hallway at kung sakaling may makita akong kilala roon pagdating ko sa tapat ng room 204 ay nakasalubong ko naman ang bestfriend ko
"Uy Rhyia!"
siya si Niko. naging magkaybigan kami no'ng elementary days pa. may crush kasi ako sa bestfriend nya dati magkaibang block kasi kami ng crushieboom boom ko kaya si Niko ang nagiging tulay namin. oh diba elem palang malandi na!
"Bakla!" Sigaw ko. halos napatingin lahat ng tao sa hallway sakin. napa sobra yata sa lakas ang sigaw ko.
"Shhhh!" sabi ng teacher sa 204
"sorry po!" pa bulong na sabi namin ni Niko. nag tawanan lang kaming dalawa ni Niko. dahil sa sobrang sungit ng teacher don atsaka pano ba naman kasi dinaig pa baba ni miss minchin
bumaba muna kami para libutin 'yong school namin dahil pangalawang beses palang kaming nakakapasok dito
"Ang init pala dito no? kung sigurong araw araw tayong mag lilipat ng classrooms sunog na tayong lahat" pag rereklamo ko habang nag lalakad kami ni Niko
"Kaya nga jusme buti nalang andami kong stock ng sun screen sa bahay pag dala nalang kita sa susunod" sagot ni Niko
"Oh My God" at eto na nga ang hindi ko ma limot limot na ex crushie boom boom ko!
"Bakla! Di mo naman sinabi na dito din sya mag aaral" napatingin ako kay niko at tila 'kong kiti kiti na hindi makapaling lumapit sa crushieboomboom ko este ex crushieboomboom
"Yon ba yung tshirt na binigay ko?"
shet, totoo ba 'tong nakikita ko? suot ni Rem yung Binigay kong t-shirt sakanya no'ng Birthday nya?
"Ano ka ba bakla malay mo naman kamuka lang ng regalo mo noh!" pagsabat ni Niko
"Hoy! imposible naman bakla, malay mo naman" ipinagpatong ko ang mga kamay ko at yumukong nag papabebe kay niko "what if gusto niya ng comeback? ehe" pag papacute ko.
"Anong comeback? Naging kayo ba? baliw! ka fling ka lang" Pang aasar ni niko. Lalapit na sana kami ni Niko kay Rem para kamustahin siya. habang nag sasalin ng sauce ng kwek kwek si Rem ay may lumapit na Babae na sobrang ikli ng palda atsaka inakbayan si Rem
"Ay, Sinetch itey?" napatigil kami ng lakad ni Niko at napa atras.
"best friend nya? Ka-fling nya? Gf?" Pang huhula ko. Ano bayan hindi man lang ako hinintay!
"Alam mo beks? Halika na ansakit nila sa mata" Pag aaya sakin ni Nico.
"Beks ayaw mo bang lapita-" Bigla akong hinila ni Niko palayo sa dereksyon ni Rem muntik pa kong matisod sa nakaharang na bato! Bwiset!
Habang pabalik kami ng classroom napansin namin ang oras ay 11:58 na! dalawang buildings pa ang madadaanan namin bago makarating sa PGC kaya nag madali pumasok si Niko. habang ako ay dinadahan dahan parin ang lakad.
"Bakla dalian mo na! Ma lalate na tayo!" utos ni Niko habang nag mamadaling mag lakad
"Anoba Nico Edi pag dating ko sa classroom sabog sabog yung buhok ko! Ang tagal ko kayang inayos to!" pag rereklamo ko habang nag lalakad at nag susuklay. Shempre baka mamaya may Pogi sa classroom diba.
