Chapter 2. PANANABIK

2 0 0
                                    


“Are you ready?”

“Yes, Daña. Thank you, sa pag-invite mo sa akin dito.”

“Wala ʼyon. Isa pa, kaibigan naman kita. By the way, aalis na muna ako. Ikaw na lang muna ang bahala rito.”

Halos ngiti ang makikita sa mukha ni Mia. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala sa invitations na ibinigay sa kaniya ni Daña. Ang pagdalo sa isang malaking fashion week event. Iyon kasi ang hindi niya inaakala. Ang mapabilang siya sa mga kilala at mayayamang tao sa lipunan. May kaba man siyang nararamdaman ay gagawin niya ang lahat. Matugunan lang ang kaniyang kinakailangan.

“Mia . . .” tawag sa kaniya nang isa niyang kakilala sa loob ng bar.

"Oh, bakit? May kailangan ka ba?”

“Wala naman akong kailangan. Nabalitaan ko kasi sa kasamahan natin na binigyan ka ni Ms. Daña ng invitation, para sa nalalapit na fashion week event. Tinanggap mo ba?”

“Oo naman!” Pag-irap ng mga mata ni Mia. “Sinong tao ang hindi tatanggap ng invitation, galing sa isang katulad ni Ms. Daña? Malay mo pagkakataon ko nang makilala sa mundo.”

“Hindi ka ba natatakot? Masyadong mataas ang inaabot mo.”

“Kung mangangarap ka rin lang . . .  taasan mo na! Minsan lang naman ito dumating sa buhay natin.”

“Mag-iingat ka. Mahirap kasing makipagsabayan sa mga taong mayayaman.”

Tanging pagtaas na lamang ng kilay ang iginawad ni Mia sa kaniyang kaibigan. Habang sunod-sunod ang paglalagay niya ng pulang lipstick sa kaniyang labi.

“Salamat sa concern mo. Pero, susundin ko pa rin ang gusto ko. Manalo man ako o, matalo.”

“Sana nga magwagi ka sa binabalak mong paglipad ng mataas.”

“Napaka-bitter mo, Charlot.”

“Hindi sa ganoʼn. Wala lang talaga akong tiwala minsan kay Ms. Daña. Kahit pa sabihin nating mabait sʼya. Hindi ka ba nagtataka? Napakabait ng babaeng ʼyon sa ʼyo.”

“Mabait naman talaga sʼya. Hindi mo lang nakikita.”

“Hmmp . . . Basta ako ay iba ang pakiramdam ko sa babaeng ʼyon.”

“Ibibili na lang kita ng kape mamaya. Kapag natapos ko na ang susunod na show.”

“Ayoko ng kape. Isa lang naman ang gusto ko. Kundi ang mag-ingat ka.”

“Sige na. Mag-uumpisa na ang show ko. Mamaya na lang ulit tayo mag-usap.”

“May magagawa pa ba ako? Tsk.”

Tanging magandang ngiti na lamang ang isinagot ni Mia. Ayaw na rin naman niyang makipagtalo pa sa kaniyang kaibigan. Malakas na palakpak ang sumalubong kay Mia. Nang marahan siyang umakyat ng stage. May kaba man sa kaniyang dibdib. Mas nilabanan na lamang nito ang kaniyang tibay ng loob. Lalo na sa suot niyang above the knee na red fitted backless dress. Ilang segundo lang ay sinimulan na niyang sumayaw. Mas lalong naghatid nang ingay sa loob ng bar. Mahigpit niyang hinawakan ang dancing pole. Saka niya ginawa ang ibaʼt ibang klaseng posisyon. Tila hindi man lang niya nararamdaman ang hirap sa kaniyang pagsayaw. Kasunod nang pagtigil ng musika at pagpalit-palit ng ibang kulay ng ilaw. Mabilis siyang bumaba sa entablado. At isang malapad na ngiti ang sumalubong sa kaniya. Walang iba kundi ang kaibigan niyang si Daña.

“Excellent . . .” Hindi mapigilang saya ni Daña. “Ibang klase ka talaga Mia. Pinabilib mo talaga ako sa husay mong sumayaw. Kailan mo pinag-aralan ang kakaibang eksibisyon na iyon?”

“Maraming salamat sa iyo, Daña. Pero, ilang linggo ko rin iyon  iniayos para maging perpekto ang lahat.”

“Next time, mas galingan mo pa.”

THOSE EYES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon