“Serena, Clevy nakabalik na pala kayo?” saad ni Dad bago siya lumapit sa amin.

“Yes Sir. Kakarating lang po namin. Kayo po, bakit hindi pa kayo natutulog.” tanong ni Clevy kay Dad.

“Nag babasa ako ng mga libro kanina. Hindi pa kase ako makatulog.” aniya bago siya tumingin sa akin.

“Are you okay anak? Parang pagod na pagod ka ngayon?” nag aalalang tanong sa akin ni Dad dahilan para mapatingin ako kay Clevy.

“Hindi naman po masyado. Nag ikot po kase kami ng nag ikot sa mall kanina at nanood ng sine.”  pag sisinungaling ko. Ano nga bang magagawa ko? Hindi naman pwedeng sabihin ko sa kaniya ang totoo. Ang totoo na pinagod ako ng kinuha niyang bodyguard. Mamaw pala ang lalaking ito pag dating sa kama.

“Ganon ba? Sige mag pahinga ka na anak. Saka kailangan ko na rin matulog dahil may meeting pa ako bukas. Good Night” nakangiting saad ni Dad bago siya umalis. Nag good night na din kami ni Clevy sa kaniya bago kami umakyat sa taas. Agad akong himiga sa kama nang makapasok kami sa kwarto ko.

“Ikukuha lang kita ng damit pantulog bunny.” aniya bago siya pumunta sa may cabinet ko para kumuha ng damit. Agad akong nag palit ng damit at nahiga sa may kama. Nag palit din siya ng pantulog bago siya humiga sa may tabi ko.

Tumalikod ako sa kaniya para makatulog ng payapa. Hindi pa umaabot ng limang minuto ay may naramdaman akong mainit na braso ang pumalibot sa bewang ko. Agad niya akong inilapit sa kaniya bago niya hinalikan ang balikat ko.

“Bunny?” aniya bago ko naramdaman ang mainit niyang pag hinga sa aking batok.

“Gising ka pa ba?” tanong niya.

“Oo gising pa ako kaya lumayo layo ka muna sa akin. Hindi ako nakakatulog kapag may nakayakap sa akin.” saad ko pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

“No. Diba sabi ko sayo mag yayakapan tayo pag uwi dito?” pamimilit niya kaya wala akong nagawa kung hindi hayaan siya sa gusto niya. Yakap lang naman diba? Saka matutulog na din naman kami.

Nabalik ako sa wisyo nang maramdaman kong may tumusok sa may badang puwetan ko. Ang tigas nito at parang tayong tayo. Doon ko lang napagtanto kumg ano ang bagay na iyon. Agad kong tinanggal ang kamay niya sa bewang ko at lumayo ako sa kaniya.

“I'm sorry bunny, hindi ko napigilan. Promise matutulog lang tayo at wala po akong ibang gagawin sayo.” aniya bago ako muling humiga sa higaan. Siguraduhin mo lang ha! Baka mamaya magising ako na kinakain mo na akong lalaki ka!

Humarap na lang ako sa kaniya bago ko ipinikit ang aking mata para makatulog. Hindi ko pa rin maintindihan ang pinagkikikilos ni Clevy. Nag seselos siya pero ayaw niyang sabihin kung gusto niya ba ako. Ginagawa niya lang ba akong side chick? Hindi kaya may babae na siyang minamahal at kaya lang siya ganito sa akin ay para makalimutan ang babaeng iyon?

_

Ang boring naman. Kanina pa ako naka upo ngayon dito sa may sofa sa loob ng kwarto habang nasa harapan ko si Clevy. Medyo kakaiba ngayon dahil kung noon kapag mag kasama kami dito ay palagi lang siya nag babasa ng libro. Ngayon kase nag ce-cellphone siya eh. Para bang may kausap siya kase kanina pa siya natitipa sa cellphone niya. Sino kaya iyon? Para kaseng importante dahil nasa cellphone na iyon ang focus niya.

“Clevy?” pag tawag ko sa pangalan niya pero hindi siya sumagot. Bagkus ay ipinagpatuloy niya lang ang pag ce-cellphone at hindi niya man lang ako tiningnan.

“Clevy!” sigaw ko dahilan para makuha ko ang atensyon niya. Inis ko siyang tinitigan bago niya ako tiningnan.

“What's wrong bunny? May kailangan ka ba?” tanong niya. Nakakainis siya! Gusto ko sa akin lang ang atensyon niya! Sino kaya yung paepal na kausap niya?

DELACROIXVERN SERIES #1 (Taming The Spoiled Heiress) Serena Vienn DelacroixvernWhere stories live. Discover now