Chapter 2: Seminar ft. Meeting Someone

6 0 0
                                    

Nakarating kami sa isang resort.

'Zylvero Beach Resort'.

'So pagmamay-ari ito nina Ma'am Almira?'

Ang ganda ng paligid. Ang aliwalas at ang gaganda ng mga cottage. Ang ganda rin ng design ng resort. At mapapapikit ka na lang dahil sa lamig ng simoy ng hangin kahit mainit ang tirik ng araw. 

Bumaba kami ng school bus, at nagtungo sa isang rest house. Pagmamay-ari siguro ni Ma'am Almira.

"Feel at home students." nakangiting sabi ni Ma'am Almira.

"Sa inyo po itong rest house Ma'am?" tanong ng isang estudyante.

"Actually, sa anak ko ito. But I don't know kung saan na iyon nagsususuot." napatawa ito.

Wala ng may nagtanong pa. Isa-isa kaming pumunta sa mga kwarto na ini-assign sa amin ni Ma'am Almira. Five students per room. Kasama namin si Lauren, na nagpakilala noon samin 'nong nasa Zylvero High pa kami. Ashley naman ang pangalan ng kasama nito, na sa tingin ko ay nandito lang rin para mag guide, katulad ko. Ang isa naman naming kasama ay si Rico, isang bakla.

Masaya naman silang kasama, kasi madadaldal, lalo na si Rico. Ang hyper nila. Nahiya ang beshy kong Kelly.

"Guys let's go na sa baba. Start na mamaya." sabi ni Rico ng makapasok ng kwarto.

Nagbihis na kami ng aming SSG uniform. Nakisabay na rin ako sa kanila, para hindi naman ako ma-out of place 'don. Sabay na lang kami ni Ashley total pareho naman ang  purpose namin kung bakit kami nandirito.

Magkasama 'yong tatlo. Mukhang close na rin naman sila, nagiging madaldal na rin si Kelly dahil dito kay Rico. Nakakatuwa!

Nakinig lang kami sa dini-discuss ni Ma'am Almira. May mga SSG Pres rin dati na college na right now, para magbigay ng advices sa mga baguhan.

Kinagabihan, may ginawa lang na activites ang mga President. Nagpaalam na lang kami ni Ashley na maglilibot-libot lang dahil hindi naman kami kabilang sa activities.

"Wait lang Eya, mag c-cr lang ako." paalam ni Ashley.

"Sige." umalis na ito.

Ako naman ay umupo lang dito sa maliit na kahoy, hindi kalayuan sa dalampasigan. Napakunot ang noo ko nang may marinig na munting kuskos. Gitara ba 'yon?

Nagpalinga-linga ako hanggang sa matagpuan ko ang lalaking may dalang gitara habang kumakanta ito. Mabagal niyang ring kinukuskos ang dala niyang gitara. May puting aso rin sa kanyang harapan.

Nagulat ako ng mapatingin ito sa akin, kaagad ko namang iniwas ang aking paningin at nagpatay-malisya.

"Eya! Tara balik na tayo 'ron. Dinner na!" sigaw ni Ashley. Tumayo naman ako at sumunod sa kanya.

Napatingin pa ulit ako sa lalaki, kaagad naman akong umiwas ng tingin nang nakatingin pa rin ito sa akin.  Ano ba yan Eya!

Kasalukuyan kaming kumakain ng sumulpot at magsalita si Ma'am Almira. May kasama siyang lalaki.

Gosh! Siya 'yong lalaki kanina!

Kaagad akong napaiwas ng tingin ng tamad na napatingin ito sa akin.

"Anyway guys, this is Aldren Marcus Zylvero, my son." pagpapakilala ni Ma'am Almira.

So ito ang anak ni Ma'am? Well, obvious naman, magkamukha e.

Tamad lang kaming tinapunan ng tingin 'nong lalaki. Parang pinilit lang ata ito ni Ma'am na humarap sa'min.

"Ma, pwede na po ba akong umalis?" tanong nito sa Mama niya. Tumango naman si Ma'am Almira.

Taste of Love (Alviero Series #1)Where stories live. Discover now