Chapter 1: Seminar

10 0 0
                                    


"Eya!!" napatigil ako sa paglalakad ng sumigaw ang kaibigan ko na si Shy. "Uwi kana?" tanong niya ng maabutan ako.

"Coffee shop pa ako. Ikaw?"

"Samahan na lang kita." Tumango na lang ako.

Lumabas kami ng campus. Pinagtitinginan pa kami ng mga estudyante. Well, si Shy lang naman. Sino ba naman ang hindi mapapatingin kay Shy?

Kilala si Shy sa campus. Cheerleader siya ng varsity. Mayaman siya at famous. Hindi ko nga alam kung bakit naging kaibigan ko ito. E isa lang naman akong hampaslupa, mahirap, at walang silbi sa paningin ng ibang tao.

"Buti naman at dumating ka na Eya." bungad ni Ate Emely sa counter.

"Pasensya na po Ate, matagal po kasing natapos ang last period namin." Tumango lang ito. Pumasok ako sa loob, at nagbihis ng uniform.

Medyo marami-rami na ang tao sa coffee shop. Kadalasan ay mga estudyante mula sa school na pinapasukan ko. Ang iba ay nag-aaral kahit hapon na. Ang iba naman ay nakikipagkwentuhan lang sa mga kaibigan. May mga workers din mula sa malapit na hospital.

Kita ko rin sa gilid ng glass door si Shy, nag-aaral. Nilapitan ko ito, at binigyan ng kape.

"Oh thank you Eya." ngumiti lang ako, at bumalik na sa trabaho.

Napatagal ang aking trabaho kaya nagpaalam na si Shy na mauuna ng umuwi dahil narito na ang kanyang sundo.

Gabi na ng matapos ang aking trabaho. Ako na rin ang nag-close ng coffee shop. Sa kamalas-malasan, bumuhos pa ang ulan. Kaya wala akong choice kundi ang maghintay hanggang sa tumila ito.

I sighed.

"Wala ka bang balak tumigil? May dinadamayan ka ba?" ani ko habang niyayakap ang mga libro ko sa aking braso. Wala pa naman akong payong.

Napatuwid ako ng tayo ng may humintong kotse sa tapat ko.

Nagulat ako ng bumaba ang bintana ng nasa back seat. Bumungad sakin ang napaka cute na batang babae. Malapad itong nakangiti sa akin. Kaya hindi ko napigilang ngumiti rin.

"Hi ate ganda!" kumaway ito.

Awkward akong kumaway. "Hello!"

"Sayo na lang po itong payong namin." nilahad niya ang puting payong. Hindi ko rin makita kung sino pa ang nasa loob ng kotse.

"Ah eh...ah naku hindi na." ang awkward. Hindi ko naman kasi kilala, pero ang cute niya.

"Sige na po!" Wala na akong nagawa at kinuha na lang ang payong. Kailangan ko rin naman, kaya choosy pa ba 'ko?

"Ah thank you litte girl." sabi ko na lang.

"I'm Aldia po." magiliw na sabi nito.

"Oh thank you Aldia. Ako naman si Ate Eya. Ingat kayo pauwi." ngumiti ako at kumaway, kumaway naman ito bago sinirado ang bintana, at umalis na.

Napatingin ako sa payong, at napangiti. Nahagip ng mata ko ang initial na nasa handle ng payong.

A.M.

Hindi ko na lang iyon pinansin at nagsimula ng maglakad. Walking distance lang naman ang apartment na tinutuluyan ko. Hindi lang ako nakaalis kanina, kasi napakalakas ng ulan.

Napabuntong hininga ako ng makapasok sa loob ng apartment. Basa ang mga braso ko, kaya naligo muna ako bago kumain ng hapunan.

Wala akong kasama sa apartment. Wala rin akong kaibigan sa building na ito. Maybe, kakilala pero hindi ka-close.

"Good morning Eya!!" bungad ni Shy ng makapasok ako ng campus. Naghihintay siya sa corridor ng building ng mga grade 10. Kaya napatingin pa sa amin ang mga grupo ng mga estudyante na nasa gilid.

Taste of Love (Alviero Series #1)Where stories live. Discover now