“Baka kapag iba minanyak ko mag selos ka!” he said smirking.

“Edi manyakin mo yung iba! Saka bakit ako mag seselos? Boyfriend ba kita? Baka nga ikaw pa ang mag selos kapag nakita mong may kasama akong ibang lalaki.” I said confidently. Akala ko naman ay sasagot siya pero madiin niya lang ako tinitigan. Problema nun? Siya ang nakikipag biruan diba? Bakit parang pikon na siya?

“Asar talo ka pala eh.” pang aasar ko.

“Subukan mong makipag landian sa iba, makikita mo kung paano tumigas ang ulo ko.” aniya dahilan para mag taka ako.

“Ano? Matigas naman talaga ang ulo mo diba? Oh ang tigas oh.” saad ko bago ko hinawakan ang ulo niya.

“Hindi yan bunny, yung isa kong ulo ang tinutukoy ko.” aniya dahilan para mas lalo akong mag taka. May isa pa siyang ulo? Isa lang naman ang nakikita kong ulo niya ah?

“Dalawa ang ulo mo? Imposible naman yun dahil isa lang ang nakikita ko. Invisible ba yung isa?” nag tatakang tanong ko sa kaniya.

“No bunny. Yung ulo sa pagitan ng hita ko ang tinutukoy ko.” nakangising aniya bago niya hinawakan ang kamay ko at akmang ilalagay niya na iyon sa kahabaan niya ng pigilan ko ito.

“Yuck! Manyak! Manyak!” sigaw ko habang tinatalsikan ko siya ng tubig pero hindi niya ako binabasa pabalik bagkus ay nakatitig lang siya sa katawan ko.

“Ang laki naman niyan.” aniya bago niya tinuro qng dibdib ko gamit ang nguso niya. Doon ko napag tanto na habang binabasa ko siya kanina ay kita na pala ang dibdib ko at tuwang tuwa naman ang lalaking ito. Doon namula ang pisnge ko sa sobrang hiya at agad kong tinakluban ang dibdib ko bago ko siya tinalikuran.

“Don't be shy bunny. Marami na akong nakitang ganiyan.” aniya bago niya ako pinaharap sa kaniya. Hindi ko alam pero bigla akong inalis kaya tinabig ko yang kamay ko.

“Pakielam ko kung marami ka nang nakitang ganiyan? Marami na din naman akong nakitang ano eh.” That was a lie. Wala pa akong nakikitang kahabaan ng lalaki. Nung may naka one night stand ako ay hindi naman ako nagkaroon ng pagkakataon na tingnan yung pagkalalaki nung estranghero na iyon dahil lasing ako at wala na siya nung nagising ako.

“Oh so hindi ka na v*rgin?” biglaang tanong niya dahilan para mamula ako lalo. Bigla tuloy pumasok sa isip ko yung ala ala ko nung gabing iyon.

“Oo bakit ba? Wala ka nang pakielam doon! Ikaw, v*rgin ka pa ba?” tanong ko pabalik.

“Malamang hindi na. Muka kang babaero eh.” mag sasalita na sana siya ng unahan ko siya.

“Inunahan mo na ako ha. Pero oo hindi na ako v*rgin. Isang beses pa lang ako nakakaranas ng s*x at ang kapartner ko nung ginawa ko iyon ay ang babaeng nagugustuhan ko.” aniya bago siya tumingin sa kisame at ngumiti. I suddenly felt disappointed. Dahil ba hindi ako ang babaeng nagugustuhan niya? Dahil ba may first s*x na siya? Ano ba naguguluhan na ako!

Simula nang sabihin niya iyon ay hindi na ako nag salita. Para bang nawalan ako ng gana makipag usap sa kaniya. Ano bang nangyayari sa akin? Nag seselos ba ako? Sino ba kase yung babaeng yun? Ang swerte niya naman dahil siya ang naging una ni Clevy.

_

“It's been a long time Serena, you look beautiful as ever.” pag bati ni Miguel bago niya ako niyakap. Kasalukuyan akong nasa party ngayon habang kasama ko yung tatlo kong Kuya, si Kenji at malamang si Clevy. Inarkila nila itong bar ngayon para mag party. I've been to this bar before kung hindi ako nagkakamali. Dito ako nalasing ng sobra sobra noon eh.

“Thank you. You look handsome too.” aniya bago ako bumitaw sa yakapan naming dalawa. He's one of my brothers friend and he's nice.

“Tara bro doon tayo sa maraming chix.” pag aaya ni Kuya Stanley sa mga iba pa naming kapatid at mga kaibigan nila. Buti na lang hindi ko kasama si Miya ngayon. Sigurado akong mag seselos siya dahil kakarating lang namin ngayon dito ay may babaeng nakahawak na agad kay Kuya Stanley. Napa buntong hininga na lang ako bago ako umorder ng alak.

DELACROIXVERN SERIES #1 (Taming The Spoiled Heiress) Serena Vienn DelacroixvernWhere stories live. Discover now