Pengeng Polbo ^_^ (One-shot)

342 24 0
                                    

"Okay, class dismiss" sabi ng teacher namin sabay labas ng room.

Yown! Uwian na! Pinakahihintay lagi ng lahat ng estupidante :D

"Rima! Pengeng polbo!" malakas na sigaw ni Jen na cheatmate ko lang naman. Di ba ang saya? Parang nasa kabilang bundok ako at kung makasigaw, makabasag eardrum. Pero naintindihan ko naman siya kasi ang ingay sa room. Daldalan overload, ngayon lang kasi naidaldal lahat dahil tahimik kaming lahat kaninang last subject namin which was, Trigonometry.

"Eto oh!" sigaw ko rin sagot sabay abot sa kanya ng pampamilyang polbo. Handa na ako no. Ako kaya sponsor ng polbo dito sa room namin. Hahaha.

"Uy Rima, ako rin!"

"Penge din ako!"

"Pashare guys!"

Halos lahat ng mga classmates ko miski babae o lalaki ay ayan ang mga linya kapag naibigay ko na kay Jen ang polbo ko maliban na lang sa isang pinakatahimik yet matalino naming classmate, si Shaun. Ang crush ko, many times I had attempted to talked to him but he just always do was to nod and nod. But rather than that, yung totoo? May shortage na ba ng polbo sa Pinas ngayon? Kasi ang pagkakaalam ko, ang dami sa drugstores, o kaya tindahan ni Aling Mameng niyan.

"Rima, salamat" sabay sauli ni Jeff ng polbo sakin. Kinuha ko naman iyon at ilalagay na sa bag pero...

"Pengeng polbo" napalingon ako sa taong nasa likod ko at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, first time ever! Nagsalita siya! :'D

Iniabot ko naman sa kanya yung polbo ko na nasa kalahati na agad ang laman dahil sa mga lintek kong classmates. Pero kung siya lang naman ang araw araw na hihingi ay kahit ako pa bumili ng polbo para sa kanya, ayos lang! Landi be mesyede?

"Okay na ba?"

Grabe, ang gwapo niya...

"Rima, maputi ba?"

Kung alam mo lang na crush kita..

*Snap*

"Ha? May sinasabi ka?" pasinsya natulala ako sa kagwapuhan niya :">

"Sabi ko kung okay na ba yung mukha ko?" sabay turo sa mukha niyang dinaig pa ako sa kakinisan.

"Ah eh, Oo! Okay na" then kinuha ko na yung polbo ko mula sa kanya sabay lagay sa bag ko at naglakad ng mabilis..

"RIMA!"

Napalingon ako sa kanya at tinignan ko siya ng "What-look"..

"Penge ako ulit bukas ha ^_^" then I felt something heat on my face and just nodded at him.

Air! Air! I need some air! Kyaaaaaaahhhhhh! :"D I'm gonna die! I'm gonna die! Omy Juice! If this was a dream, don't wake me up!

---

"Pengeng polbo" napaangat ang ulo ko sa taong nasa harapan ko and unexpectedly, it was HiM <3 A big smile formed on my face while I was getting the Family Sized Polbo in my bag.

"Ang aga mo naman manghingi ng polbo?" tanong ko sa kanya while I was rewriting my short story sa Yellow padpaper na assignment samin ng teacher namin sa English.

"Bakit? Ayaw mo ba?" syempre gusto ko :") Pero I just smiled at him then kinuha ko na yung polbo.

"May I ask you something?"

"What is it?"

"Bat ngayon mo lang ako kinausap?" curious lang kasi hello, nasa kalahating taon na kami ng school year pero ngayon lang niya ako kinausap. Na siya mismo ang nagkusa.

Pengeng Polbo ^_^ (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon