Chapter 2: What went wrong?

6 1 0
                                    

Chapter 2: 

Habang nasa eroplano ay hindi ako mapakali na hindi isipin kung anong kalokohan itong pinasok ng Mom and Dad. At si Bryle, wala siyang kahit anong kwento sa akin na hinahanap pala ng parents ko ang una nilang anak. Since business class naman ito wala akong ginawa kung hindi ang umiyak ng umiyak. Fifteen hours ang tagal ng biyahe at mayroon pa kaming lay-over at lahat iyon tiniis ko kahit na halos magang-maga na ang mata ko. 

Pagbaba ng airport nagmadali na akong kunin ang bagahe ko at sumakay ng taxi. Ang daming tumatakbo sa isip ko kung anong gagawin ko once na makita ko sila. Halos hindi ako makahinga kakaisip. Nanginginig ang kamay ko at hindi ko iyon mapigilan. 

Nang makarating na ako sa bahay ay nagtataka ako bakit maraming tao at masyadong maliwanag, dahan-dahan akong pumasok at doon nila sinira kung anong tiwala ang mayroon ako para sa kanila. 

"Thank you so much for being here, for witnessing the engagement of our dear Alliyah and Bryle. Here's to the strong foundation of Sanchez and Gutierrez Corporation in the future" nakangiting sabi ni Mom habang dala-dala ang wine. 

Pumunta ako sa gitna para naman makita nila akong lahat. Napatayo si Bryle at hindi niya alam ang gagawin. Agad naman akong pinadampot ni Daddy sa mga bodyguards namin at dinala sa room. Nang matapos na ang engagement party ay pumasok silang lahat sa kwarto. 

Agad na lumapit sa akin si Daddy at sinampal ako. And it knock the hell out of me. 

"What do you think your doing here?! Di ba ang sabi sayo ng mommy mo doon ka muna sa Paris until this mess is finish?!" galit na galit na sabi ni Daddy. 

"What about me? You didn't ask me kung okay lang sa akin na sa iba ma-engage ang boyfriend ko?!" galit na galit ko ding tanong kay Daddy. 

"What about Alliyah?! Alam mo ba kung gaano siya katagal naghihirap ng wala sa atin? You have your perfect life! Stable job! ano pang kulang sayo? Boyfriend? There's so many men out there! And we don't care who you choose!" sigaw ni Daddy. And it really breaks my heart. 

"Wala rin akong pakielam kung anong pinagdaanan ni Alliyah, cause we're both the same! Hindi niyo naman ako tinuring na anak! All this time you've been searching pala sa kapatid ko but no one dares to tell me! Why?! Why?!" at isang malakas na sampal naman ang sinagot ng Dad sa akin. 

"Dad. Stop! This is my fault!" sigaw ni Alliyah at saka siya umiyak. 

At lahat sila ay lumapit sa kapatid ko na tila siya lang ang nasasaktan sa nangyari. 

"And you, Bryle. We are done, we are. I'm leaving" malungkot kong paalam at lumabas na ng room. Tumakbo ako ng mabilis para makalabas agad sa pamamahay na ito, pinapangako kong hindi na ako babalik sa bahay na ito. Bumuhos ang malakas na ulan pero tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa muntik na akong mabundol ng sasakyan. 

"I'm sorry! I am so sorry!" habang ngumangalngal papalayo sa sasakyan. Umuwi ako sa condo na patang-pata, ang daming nangyari sa buhay ko in instant. Kumatok ako at pinagbuksan ako ni Rizza. At doon ako muling umiyak ng umiyak. 

"Hey what happen? I was about to call you, kasi sabi ni Bryle" tanong ni Rizza. 

Binuksan ko ang bintana at sumigaw. 

"FUCK YOU BRYLE! FUCK YOU SO MUCH! P******** mo di mo ako deserve! I wasted my eight years sayo para lang ipagpalit sa kapatid kong ngayon mo lang nakilala! T****** ninyong lahat!" at this point, I want to jump pero pinigilan ako ni Rizza at siya din ay umiiyak na sa takot na mawala ako. 

"Beshy! Why are you like this! Why they did this to you?!" niyakap ko ng mahigpit si Rizza dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon na para bang hindi ka maniniwalang nangyayari na siya sayo. 

"Let's drink Rizza, please!" pilit kong yaya kay Rizza at agad naman niya akong tinayo. 

"Of course! Let's go! P********!" naiiyak niyang sabi. 

CLUB NIGHT

Dito sa may Makati kami pumunta ni Rizza para maglabas ng sama ng loob. I just wanted to get drunk para bukas masakit lang ang ulo ko habang iniisip kung ano lang ang nagyare sa amin. Isang bote ng tequila ang ininom namin ni Rizza, and believe me mukhang di na ako aabutan ng gabing ito. 

Halos hindi ko na marinig ang sinasabi ni Rizza dahil bukod sa ingay ay sobrang tinamaan na din ako. Kung hindi tumawa ay umiiyak naman ang tanging ginagawa ko kay Rizza. Sa sobrang kalasingan ko hindi ko na naalala na nagpaalam pala si Rizza sa akin dahil magccr siya. Nakita ko naman na may lalaking nakaupo sa upuan namin. 

"Hi!" sabi ko. 

Pero di niya ako pinansin.

"Uy! Suplado!" natatawa kong sabi sa kanya. 

Pero di niya pa din ako pinansin. 

"Okay, what do you think of me?" nakangiti kong tanong sa kanya. 

"Are you crazy?" sagot niya. 

"Yes! Crazy for you!" sabay tawa ng malakas. 

"What's your name?" tanong niya. 

"My name? I am teka, nalimutan ko. Wait" seryoso kong sabi sa kanya. 

Umismid lang siya at tinignan ako. 

"Ayun! Antonette Sanchez!" sigaw ko. 

Bigla naman siyang tumayo, doon ko nakita kung gaano siya katangkad. Pa six footer na siya at nakabusiness suit. Agad naman akong tumayo sa couch para maabutan ang tangkad niya. Pinagmasdan ko siya at mayroon siyang maamong mata. 

"Ngayon ko lang gagawin ito and I know hindi na tayo magkikita" bulong ko sa kanya sabay hawak sa kanyang mga pisngi at halik sa kanya. Pag tapos non ay tumalon ako sa couch at tumakbo palabas ng club. Agad naman akong hinabol ni Rizza a inaya ng umuwi. 



I WANT YOU TO BE MY GROOMWhere stories live. Discover now