"Aba, mabango na naman si kulit ah."

"Syempre po bagong wash ako."

"Sige na magbihis na kayong dalawa at kakain na tayo." Utos ko sa mag ama.

"Yes sugar."

"Opo mama."

Sinundan ko ng tingin ang mag ama na nasa sala. Tinutuyo ni Atlas ng tuwalya ang katawan ni Jeremiah pagkatapos ay pinulbusan nya ito saka binihisan. Pagkatapos ay sya naman ang naghubad ng damit. Bumagal ang pagnguya ko habang nakamasid sa katawan ni Atlas. Sa nakalipas na limang taon mas lalo pang gumanda at lumaki ang katawan nya. Halos mamutok na ang naglalakihan nyang mga masel sa braso. Mas lalo pang lumapad at umumbok ang kanyang dibdib. Ang dating six pack abs nya ay walo na ngayon.

Tumikhim si Leah kaya napatingin ako sa kanya. May nanunuksong ngiti sa labi nya. Naginit naman ang mukha ko dahil nahuli nya akong nakatingin kay Atlas. 

"Obvious na obvious ka insan. May tinatago ka pang pagnanasa sa ex mong papable."

Kunwaring inirapan ko si Leah. "W-Wala no! Ikaw talaga kung ano ano ang napapansin mo. Magbihis ka na nga para makakain na tayo."

"Oo na po." Kunwaring inirapan din nya ako at pumasok na sa kwarto namin para magbihis.

Humugot ako ng malalim na hininga para kalmahin ang malakas na kabog ng dibdib.

Tinawag ko na ang mag ama na kakain na.

.

.

**

UMAWANG ang labi ko at namangha sa naabutan sa harap ng bahay naming naglalawa sa tubig at bula. Naglalaba ang mag ama. May mga nakahanger ng mga damit na hindi pa ayos ang pagkakahanger. May baliktad at hindi. Mga nakasuksok pa ang mga bulsa ng pantalon. May mga damit pang nasa basket at umiikot ang single na washing machine. Nakita ko pa ngang hawak hawak ni Atlas ang kulay beige kong bra at bina-brush ito sa tabla sa may planggana. Siguradong maghihimulmol iyon. Si Jeremiah naman ay kinukusot ng maliit nyang kamay ang kanyang medyas.

"Anong ginagawa nyo?" Pasitang tanong ko sa mag ama.

Sabay pa silang lumingon sa akin.

"Mama laba kami ni papa." Proud pang sabi ni Jeremiah na tumayo pa at inusli ang nguso. Yumuko naman ako para makahalik sya sa pisngi ko. Agad din syang bumalik sa pagkukusot ng medyas nya.

"Bakit kayo naglalaba?"

"Wala kasi kaming ginagawa sugar. Kaya naisipan kong maglaba na lang para di ka na maglaba bukas at magpahinga ka na lang." Wika ni Atlas.

"Marunong kang maglaba?" Manghang tanong ko.

Nagkibit balikat sya. "Madali lang naman. Medyo masakit nga lang sa likod."

Kinabahan ako bigla dahil baka pinagsama nya ang mga de color at mga puti. Siguradong maghahawa yun. Tarantang sinilip ko ang nakasalang sa washing. Mga puti naman lahat yun at malinis ang tubig mukhang bagong palit. Pero lumalangitngit na ang makina ng washing at halos di na makaikot dahil maraming laman.

"Di po runong ti papa maglaba mama, turuan ko lang po sya. Tabi ko po hiwalay ang puti at may kulay para di hawa hawa." Sabi ng anak ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Mabuti na lang at tinuruan ni Jeremiah ang ama nya. Pagnaglalaba kasi kami ni Leah ay sumasali sya at nakikita nyang hinihiwalay namin ang mga de kulay sa puti.

"Good boy anak." Sabi ko at ginulo ang bubok ni Jeremiah.

Kakamot kamot naman sa ulo si Atlas. "Sya nga pala sugar bukas bibili tayo ng automatic washing machine para hindi ka na mahirapang maglaba."

DG Series #3: Never Gonna Let You GoWhere stories live. Discover now