unknown guy
HINDI ko alam pero araw araw nalang akong may nakikitang magulang sa harap ng gate ng pinapasukan kong university, mukhang mga pagod at ayaw papasukin ng mga guwardya.
"Hustisya ang kailangan namin, hindi ang pera nyo!" muling sigaw ng isang magulang, walang ibang ginawa ang mga guwardya kundi ang pigilan sila, araw araw ay yan ang sinisigaw nila, hindi man sila karamihan pero sapat na para makagawa sila ng eksena
"Hindi ba sila nag sasawa?" anang isang studyanteng nasa gilid ko, mukhang dalawa lang kaming nakakakita sakanila dahil late na 'kong pumasok kaya wala ng studyante ang pakalat kalat.
tinignan ko ito "bakit nila ginagawa yan?" tanong ko rito, biglang baling naman nito sakin, malalim ang kanyang mga mata na para bang binabasa ang nasa isip ko.
"para sa anak nila, na hindi binigyan ng hustisya" tinignan ko ito, may galit sakanyang mata na para bang isa sa kamaganak nya ay kabilang doon.
"Hustisya?" nasa kawalan ang tingin ng babae
"Oo, hustisya ang hinihingi nila pero pera ang binibigay sakanila. mababalik ba ng pera ang buhay ng limang studyanteng nawawala? hindi alam kung buhay paba sila, umaasa ang mga magulang nila na kahit patay na sila ay mabigyan lamang ng hustisya ang pag ka wala nila" lungkot at galit ang nakikita ko sa mga mata nya, sino ka nga ba? bakit tila andami mong alam?
"Kilala mo ba sila?" muling tanong ko tumingin ito sakin, umiling ito at mapait na ngumiti sakin
"Wala na sila, tara na." nag pauna itong mag lakad may bitbit itong mga libro, hinawakan ko naman ang braso nya napatigil ito at tumingin sakin
"a-ah ano...ano kasi...anong pangalan mo?" utal utal kong sabi, sabay iwas ng tingin sakanya, tumawa ito hindi plastik at hindi rin sarcastic.
"Mikaelah Lyn." maikli nitong sagot at naka ngiti sakin
"Nice too meet you" nakangiti kong sabi
"Nice too meet u too....?"
"Emily Feigh." ngumiti ito sakin
"oh nice name, mauna na 'ko sa 'yo Emily" diniinan nya talaga ang pangalan ko, napa ngiwi naman ako, she's creepy but pretty.
nag lakad nako sa hallway papunta sa klase ko, Class 1 ako, oo matalino ako, isa ako sa representative ng school na 'to, sikat ang university na 'to pero feeling ko napaka dami nilang tinatago. kapasok ko sa classroom namin ay taka akong tinignan ni Ms. Monique.
"This is the first time I saw you being late Ms. Fabellan" nakangiti ngunit taka pa ding sabi ni Ms.
"Sorry for being late Ms. may pinagawa po kasi sakin kagabi si Professor Lim, at late na akong nagising" ngumiti lang ito sakin, at sumenyas na maupo na, nang araw din iyon nabuo ang kursyonidad ko sa utak ko tungkol sa sinabi ni Mikaelah, kahit sa pagkain ko nang lunch break e iniisip ko pa din iyon.
habang tulalang kumakain ay lumapit saakin si Heart isa sa kaibigan ko from class 2 isa din sya sa representative sa kanilang klase, matalino at maganda ito mayaman din halos perpekpeto ngunit sa paningin nya ay may kulang pa din sakanya
"hoy Feigh! nakikinig kaba sakin?" doon lamang ako bumalik sa wisyo ng tawagin nya ako
" huh? paki ulit nga" tinignan naman nya ako ng masama
"Ayan tayo e, kanina pa 'ko dada ng dada dito tas ikaw lutang, sino bang iniisip mo? si Hanson? " tinignan ko naman ito ng masama
"The heck Heart? no time for shitty, ano ba kasing sinasabi mo" umisding naman ito at kinuha ang kinakain kong sandwich at kinain ito
"psh, ang sabi ko pinapatawag ka ni professor Lim sa faculty" nag madali akong tumayo at inayos ang sarili
"Bakit hindi mo sinabi agad?" aligagang tanong ko sakanya
"Bobita sinabi ko, 'di ka lang nakikinig" mataray nitong sabi sakin at bumungisngis, patakbo akong pumunta sa faculty, kumatok muna ako bago pumasok, ngunit walang teacher doon, pinuntahan ko ang table ni Professor Lim, may nakita akong envelope doon kinuha ko ito at binukasan, napatakip naman ako ng bibig at nabitawan iyon
nag kalat sa sahig mga litratong nakalagay don, ang isang litrato ay dugo sa sahig, ang isa naman litrato ay isang manika na duguan at puno ng saksak, ang isa naman ay limang studyanteng mag kakasama sa litrato mukha silang masasaya ngunit may dugo ang litrato, narinig kong may bumukas ng pinto kaya aligaga akong binalik ang mga litrato sa envelope at nilagay sa table ni Professor Lim.
aligaga akong tumingin sa pinto ng bumukas ito, bakas sa mukha ni Ms. Monique ang gulat at pag tataka
"Ms. Fabellan? what are u doin' here? may klase ka 'di ba?" tinignan ko ang relo ko, tama si ms. nag uumpisa na nga ang klase ko
"a-ah pinapatawag daw po ako ni Professor Lim" sinubukan kong 'wag mautal.
"ah, nasa class 3 ito, sinabi nga nya sakin na papuntahin ka don" ngumiti naman ako, sumilip ito sa likod ko mukhang alam nyang may tinatago ako sa likod ko dahil nandoon ang isa kong kamay samantang ang isa naman ay naka hawak sa batok
"a-ah s-sige po Ms. Monique, mauna na po ako " mabilis akong lumabas sa faculty, alam kong sinundan ako ng tingin ni Ms. Monique
muli kong tinignan ang litratong kinuha ko, sino nga ba ang limang studyanteng ito? ito ba ung tinutukoy ni Mikaelah?
hindi ko namalayan na nabunggo ko ang isang lalaking studyante nahulog ang litrato kasabay non ang mga librong bitbit ng lalaki, pinulot ko ang litrato nakita naman ito ng lalaki bakas ang gulat sakanyang mata nya. Hindi ko yon pinansin at binulsa ang litrato tinulungan ko din sya pulutin ang libro nya. nang maka tayo ay binigay ko sakanya ang libro nya, mataimtim itong tumingin sakin.
"Kung ako sayo miss, mas pipiliin ko nalang manahimik" inabot nya ang kanyang libro sa kamay ko at umalis, nabunggo pa 'ko nito sa balikat Hindi ko alam kung sadya ba iyon o hindi.
tulala akong pumasok sa class 3, "excuse me Prof Lim, pinapatawag nyo daw po ako?" tanong ko rito, ngumiti naman ito at lumapit sakin.
"Gusto ko sanang Ikaw ang mag organize sa mga sports lalo na at malapit na ang sportfest" ngumiti ako at tumango "kasama mo naman si Heart, Sean, Kaye, Caspian at Caspier kayong anim ang mag ha-handle dito" ngumiti ako at tumango, pabalik sa classroom ay may narinig akong ingay sa likod ng building, sa curiosity ko ay pumunta ako don, nakita ko ang kaninang lalaking naka bungguan ko bugbog sarado habang tinatadyakan pa sya ng tatlong malaking studyante.
"HOY! ANONG GINAGAWA NYO?" malakas na sigaw ko sakanila at nag madali naman silang umalis, pinuntahan ko ang lalaki, namamalipit ito sa sakit nakahiga pa sa damo "ayos ka lang ba? dadalhin kita sa clinic" bigla naman itong ngumisi at tumingin sakin
"Ang hilig mo talagang mang himasok ano, kung ako sayo e manahimik ka nalang sa gilid baka ikaw na ang susunod nilang target" humalakhak pa ito ng mahina
"hindi bibig ang ginagamit ko, mag isip ka nerd guy. tulad mo tahimik din ako Ryker" bakas ang gulat saknyang mata, hindi ako pwedeng mag kamali dahil sya mismo ang nasa litratong hawak ko, isa sya sa mga iyon, Anong ginagawa mo? bkt nag papanggap ka pa.
"Anong... (cough)" may lumabas ba dugo sa bibig nya, tinulungan ko syang tumayo hindi ko alam anong rason mo, katal na 'kong malaman iyon
"tara na dadalhin kita sa clinic" akay akay ko syang dinala sa clinic, nung araw na yon ay wala akong narinig na anong salita sakanya, binalikan ko ito sa clinic ngunit wala na ito. Lumipas ang araw ay hindi ko nakita si Ryker, akala ko ay makakahanap nako ng sagot pero nag kamali ako.
Hindi ko kilala ang limang studyanteng ito pero katal akong malaman anong nangyari sakanila, hindi man nila ako kamaganak ay isa ako sa nag hahanap ng hustisya nila hindi lang kursyonidad ang nasa isip ko kundi ang hustisyang hinahangad ng pamilya nila, totoo bang buhay ang isa sakanila? o meron kakambal si Ryker.
To be continued....
VOUS LISEZ
Unsolved Case
Mystère / Thrillerthese 5 student missing in one frame, sabay sabay silang nawala sa loob ng isang misteryosong paaralan. unsolved case, no one can solve it even a detective can't solve it. binaliwala at hindi binigyan ng hustisya Emily is one of the students in that...
