Prologue

44 1 0
                                    




THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.

KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.

THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THIS SERIES.

ENJOY READING!





"Shut up!" Iritadong sigaw ni Dionysus sa matandang pilit na pinagagalitan ang babaeng kaniyang kasama dahil sa pananamit nito.





"Bastos kang bata ka!" Sigaw pabalik ng matanda at akma sana siya nitong sasampalin ngunit mabilis niya itong napigilan.




"Wala naman pong mali kahit maikli ang suot niya, manang. Hayaan niyo ho siyang manamit sa paraan na gusto niya. Hindi naman po namin kayo pinagalitan na ang pangit po ng suot ninyo e." Supladong sabi ni Dionysus saka hinila ang babaeng kaniyang kasama.




"Thank you, kuya." Malambing na sabi ni Darlene na bunsong kapatid ni Dionysus.



"You don't have to thank me, Darlene. Always remember this: You don't have to follow the stereotypes in our society. Be free. You do you." Sagot ni Dionysus tsaka hinalikan sa noo ang kaniyang kapatid.














"Hello?!?!" Iritadong boses ang sinalubong ni Nemesis nang sagutin niya ang kaniyang telepono.



'Ano na naman kaya ang gusto nito?...'



"Wala! Nireregla ako!" Pag sigaw niya "Ha?! Gusto mo lang ng makakasama?! Style mo!" Kahit pa sinabihan na siya ng kaniyang kausap na nais lamang siya nitong makasama ay hindi parin ito naniniwala.

Nasa mall ngayon si Nemesis dahil nais niyang mamili ng kaniyang mga damit na gagamitin para sakaniyang staycation sa bahay ng kaniyang mga magulang. Wala siyang balak na sabihan ang mommy niya pero gusto niya lang talagang mag shopping.


"Hay...fine!" Tila wala na siyang magagawa sa pangungulit ng kausap niya "sunduin mo 'ko!" Sigaw pa niya bago patayin ang tawag.


Ilang minuto lang ang nakalipas, kaagad na niyang natanaw ang sasakyan ng kausap niya kanina. Hindi na niya hinintay pa na buksan nito ang bintana at agad na siyang pumasok sa kotse habang kinuha naman ng binata ang mga gamit na kaniyang pinamili na basta nalang niya iniwan tsaka nilagay sa compartment ng kotse nito.


"Bakit amoy babae kotse mo?" Taas kilay niyang tanong sa lalaking katabi.



"Selos ka?" Tanong naman ng lalaki. "I'm with my lil' sis kanina." He chuckled.




"Hoy, Dionysus! Para sabihin ko sa'yo, hindi naman kita gusto para mag selos ako!" Depensa naman ni Nemesis.




"Woah! Masyado ka yatang defensive, Nemesis?" Nang-aasar na tonong sabi ni Dionysus.



"Tanga, ayaw ko lang na umasa ka sa'kin." Pambabara naman nito kaya natahimik nalang si Dionysus at umiling iling.



Hindi tumagal ay dumating na rin sila Dionysus sa hotel na kaniyang napili para makapag pahinga. Nang tignan niya naman si Nemesis ay naka taas ang isang kilay ng dalaga at nag salita.



"Hindi ba't sinabi ko na sa'yo kanina na nireregla ako?" Natawa si Dionysus nang marinig niya si Nemesis.



"Hahaha! We're here because I want to breathe some fresh air and eat dinner, not because I want to have sex with you." Kalmadong pag explain ni Dionysus sa dalaga na tila nakahinga nang maluwag.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 26, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wounds and Patches (Chicos Malos Series #3)Where stories live. Discover now